CHAPTER 19

55.7K 1.6K 70
                                    

"Dyllan asan na si Kelly?" Tanong uli ng ninang Chelsy niya pag-balik niya.

"Doon po muna daw siya, may kausap na kakilala." Naisip na niyang ito ang sabihin bago pa man siya bumalik sa upuan niya.

Mga ilang sandali lang bigla ng dumilim ang paligid pag-katapos in-anounce ng host ang pag-sisimula ng fashion show. Tanging mga ilaw sa stage lang ang ilaw.

May lumabas na isang female singer at nag-simula itong kumanta.

May lumabas na isang model at nakasuot ito ng daring na daring na pair ng underwear, aquatic ang theme.

Para itong sea creature sa suot na custome, colorful fin costume ang suot nito.

"Wow! She's so hot!" Bulalas ni Liam.

"Control dude, baka labasan ka." Sabi ni Enzo kaya nag tawanan ang lahat, liban sa mga babae, sinaway naman sila ng mga magulang nila.

"Ano naman ang lalabas?" Inosenteng tanong ni Mannilyn.

"Wala" Sagot ni Enzo at inakbayan si Mannilyn.

"Sabi ko lalabas na lahat ng model." Sabay turo nito sa stage.

Sunod-sunod na nga ang mga model na nag-silabasan at lahat sila magaganda sa suot ng aquatic creatures costume.

Natapos ang unang batch at may muling lumabas na isang male singer.

"Oh my gosssh!!! Kian Dy is so hot!!!" Tili ni Mannilyn na kilig na kilig.

"Mas hot pa ako d'yan eh." Sabat naman ni Enzo. Nginitian lang siya ni Mannilyn at muling tumingin sa singer.

"Ano ba Troy!? babaliin mo kamay ko." Singhal ni Enzo dito dahil ang kamay nitong nakaakbay kay Mannilyn ay biglang sinandalan ni Troy.

"Alisin mo kasi ang kamay mo, nakaharang." Sagot ni Troy, pero hindi ito inalis ni Enzo, sa halip pinulupot nito paikot sa balikat ni Mannilyn.

"Oh ayan ah, hindi na nakaharang." Sinamaan lang siya ng tingin ni Troy, muli naman tumingin si Enzo sa stage.

"I'm so excited for Kelly." Mannilyn says excitedly.

"Bakit?" Tanong ni Enzo.

"You'll see later." Sagot nito.

Si Dyllan naman sobrang seryoso habang nakatingin lang sa stage. Alam niya kasing batch na nila Kelly ang lalabas.

Nag-simulang kumanta ang singer. Sexy back ang kinanta nito.

Lumabas ang isang model, suot nito ang pares ng black underwear, may suot itong malaking black wings.

Nang matapos ang unang model, may sumunod naman dito. Paisa-isa ang mga model na lumabas at halos lahat may wings costume, puro maliliit na pakpak na ang suot ng mga sumunod, may white, gold and black. Nang matapos ang lahat, oras na para lumabas ang finale.

Nailagay ni Dyllan ang kamao niya sa bibig at dahan-dahan nag-breath-out. Napaayos pa ito sa pag-kakaupo.

Hanggang sa lumabas nga si Kelly, tumayo muna ito sa dulo ng catwalk at nag-pose. Nakasuot ito ng huge white angel's wings, may naka-connect pa sa pakpak ng white feathers na nakasayad sa floor. Nag-mukha itong long back gown na halos nakatakip sa likod ng mga binti niya.

Hindi katulad ng mga nauna na halos kakapiranggot na underwear lang ang suot. Si Kelly naman isang glitter boyleg ang suot na kulay silver at glitter corset at kitang-kita parin ang tiyan nito at nakasuot ito ng gladiator sandals na kulay silver din.

I Kiss You 'Coz I Hate You LEGACY#1 {#kathniel} #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon