CHAPTER 27

54K 1.4K 51
                                    

Iyak ng iyak si Kelly habang nakaupo sa gilid ng hospital bed. Hawak nito ang kamay ni Dyllan na walang malay na nakahiga. Nagkaroon ng gulo sa labas ng university at napalo si Dyllan ng baseball bat sa likod. Buti na lang at hindi ulo nito ang tinamaan.

Lumabas si Kelly,  Chloe at Mannilyn ng universidad. Bigla na lang may lumpit na ilang kalalakihan sa kanila at pinilit na sinasama si Kelly.  Nanglaban si Kelly- kayang-kaya naman talaga niya ang mga iyon. Pero itong si Dyllan ay to the rescue kaya ito ang napalo ng baseball bat.

Napag-alaman nilang kapatid pala ni Agatha ang lalaki na galit na galit kay Kelly at Dyllan dahil sa pangloloko daw nito sa kapatid.

"Kelly,  tahan na. Okay na si Dyllan, mamaya gigising na siya," alo ng ninang niya sa kanya. Panay ang himas nito  sa kanyang likod para kalmahin ito.

"Dyllan, wake up na. Promise,  hindi na ako magagalit sa 'yo. Sa'yo na si Kelly," ani ng kapati ni Dyllan na nakaupo sa kabilang gilid ng kama.

Bigla naman ang pag-pasok ng isang lalaki at isang babae na halos kaedaran ng mga magulang nila. Punong-puno ng pag-alala ang mga mukha nito.

"Nandito kami para personal na humingi ng tawad sa ginawa ng anak namin." Simula ng babae.

"God Julia! Anak mo pala ang may gawa nito. Muntik ng mapatay ng anak mo ang anak ko." Kitang-kita ang galit sa mukha ni Cassie. Agad naman itong inakbayan ni Andrew at pilit na pinahinahon.

"I'm sorry, wag kayong mag-alala. Kami ang kakastigo sa mga anak namin." punong-puno naman ng senseridad ang tinig nito.

"Pambihira talaga! Anak mo pala si Agatha. Ang dami namang mamanahin sa 'yo talagang 'yong kahibangan mo pa ang nakuha." Bahagyang natawa naman ang ilan sa sinabi ni Cassie. 

Hibang na hibang kasi talaga itong si Julia kay James noong kabataan nila. Ang dami nitong ginawang kasamaan para lang mapaghiwalay si Chelsy at James.

"I'm so sorry talaga. Sana wag niyo ng ituloy ang demanda niyo. Nag-mamakaawa ako."

"Sana lang wag ng maulit pa ito. Kapag may ginawa uling kalokohan ang mga anak mo. I swear Julia, ipapa-silya-elektrika ko talaga sila." Tumango-tango si Julia. Humingi rin ito ng tawad kay Kelly. At umalis ng pagkaraan ng ilang sandali.

Unti-unti naman ang pagdilat ni Dyllan. Agad na napatayo si Kelly at yumukod sa binata na umiiyak parin.

"Dyllan, are you okay? Anong masakit sa 'yo?" tanong niya ng tuluyan itong dumilat.

"Hey, why are you crying?" Itinaas ni Dyllan ang kamay at pinahid ang luha ni Kelly.  Agad ding lumapit ang mommy nito at kinumusta ito.

"Tahan na Kelly,  okay na ako."

"Ikaw naman kasi eh. Bakit ka pa sumali? Kayang-kaya ko naman patumbahin ang mga iyon eh." Ngumiti lang si Dyllan. Pagkaraan ay napangiwi. Tarantang hinawakan ni Kelly ang pisgi nito.

"Anong problema? May masakit sa 'yo?" tarantang tanong ni Kelly. Tumango si Dyllan.

"Saan?" Tinuro nito ang noo at sinabing halikan ni Kelly ang noo niya. Ngumiti naman si Kelly at ginawaran ng halik ang noo nito.
Muli itong dumaing at tinuro ang pisngi na masakit. Napangiti ng husto si Kelly dahil alam niyang umaarte na lang ito. Pero hinalikan parin niya ang pisngi nito- Kabilaan.

"Aww! Ang sakit nito oh!" Tinuro nito ang labi. Napabungisngis si Kelly. Akmang hahalikan ito ni Kelly sa labi ng mag-salita ang daddy niya.

"Gusto mo, Dyllan, dagdagan ko ang sakit ng katawan mo?" Napalingon si Kelly sa daddy niya.

"Nand'yan po pala kayo, ninong. Wala po ba kayong trabaho?"tanong ni Dyllan. Nagtawanan ang lahat sa tanong na 'yon ni Dyllan. Para kasing sinasabi nitong dapat wala na lang ang ninong James niya.

I Kiss You 'Coz I Hate You LEGACY#1 {#kathniel} #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon