CHAPTER 30

54.9K 1.6K 57
                                    

Only two days to go the Aragon Red Hawk basketball team and the squad will go to Bicol for national basketball tournament. Mas late na diin ang team matapos sa pag-iinsayo these past few days. Ngayon ay tumigil muna sa paglalaro ang basketball team para bigyan ng espasyo ang cheering squad sa kanilang practice.

"Dyllan, dude, hindi pa rin ba kayo nagkakaayos ni Kelly?" tanong ni Evo.

Magkatabing nakaupo ang dalawa sa pangalawang hilera ng mga upuan sa mas mataas na bahagi. Umiling lang si Dyllan--kinausap na rin siya ni Evo noong nakaraang linggo. Naisip niyang kapag lumapit uli si Kelly sa kanya ay makikipag-bati na siya dahil miss na rin niya ito.

Pero simula noong huling lapitan siya ni Kelly ay hindi na nito inulit pa. Minsan din siyang sumabay sa pagpasok pero itong si Kelly naman ang hindi na sumasabay, maging sa pag-uwi. Lagi itong maagang pumasok at minsan ay gabi na umuwi.

Tinanong niya si Evo minsan pero wala daw itong alam. Hindi naman daw ni Evo pinag-babawalan dahil may importante daw itong ginagawa ayon sa ninong at ninang niya--nagpaalam daw ito.

Minsan rin niyang nakikitang magkasama si Kelly at Agatha. At ngayon, hindi niya alam kong pagsisihan niyang hindi pa siya nakipagbati.

Miss na miss na talaga niya si Kelly, pero may pagtatampo siyang nararamdam sa isipang hindi man lang talaga nag-effort si Kelly para magkaayos sila. On the other thought-- ano pa bang aasahan niya kay Kelly, hindi naman talaga iyon marunong manuyo ng tao. Once na nag-sorry ito at hindi mo tinanggap 'bahala ka sa buhay mo!' 'yan ang kasunod sa sorry ng mabait niyang nobya.

Pero hindi niya akalain na kahit sa kanya na boyfriend nito ay ganun din. Napayuko si Dyllan at marahas na hinilamos ang palad sa mukha.

"Woah! Si Kelly ba yan?" Napaangat siya ng mukha at tinignan ang katabing nagsalita. Ipinilig niya ang ulo niya kung saan ito nakatingin. His eyes nearly popped out of his head as he saw Kelly walks across the gymnasium wearing cheerleading uniform- long sleeve red hangging top and fitted mini skirt: kasama din nito si Agatha.

"Woah! Is that Kelly talaga? Shit! Ang hot!" malakas na batok ang nakuha ng isang ka-team nila kay Evo.

"Kapatid ko 'yan, gago!" Singhal ni Evo dito. Hahaplos-haplos ito sa ulo na nilingon si Evo.

Lahat ng cheering squad members ay nakatingin dito na parang nagtataka kung bakit ganun ang suot ni Kelly. Nangmakalapit si Kelly sa grupo ng squad ay agad itong nilapitan ng captain at coach.

"Okay, guys, kilala niyo naman siguro si Kelly? She will be part of our team. Pahayag ng cheerleader captain- Sheila is her name, a senior BS accounting student.

Nagkatinginan si Evo at Dyllan at parehas nagtatanong ang titig sa isa't isa.

"Okay team, let's start," sigaw ng captain. Ito talaga ang leader ng lahat but Agatha is the best than her pagdating sa mga stunts. Second captain si Agatha kung baga, at nasusunod na rin ang mga suggestion nito. As soon na grumaduate ang cheerleader captain, for sure na si Agatha ang papalit.

Kinuha ni Agatha ang bag na hawak ni Kelly at parang may sinabi ito bago umalis at pumwesto ang lahat sa gitna.

"Kailan pa naging close ang mortal na magkaaway?" Ani Yuan. Natawa naman si Liam.

"Langhiyang Princess Grouchy 'to, pati si Agatha napapasunod na rin. Siguro natakot masapak uli," segunda ni Liam na tatawa-tawa.

"Kung si Dyllan nga nauuto eh," sinamaan ng husto ni Dyllan ng tingin si Enzo, kinindat lang siya ni Enzo at nag-pogi-sign pa.

I Kiss You 'Coz I Hate You LEGACY#1 {#kathniel} #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon