Kabanata 1 | Ang Don

180 11 9
                                    

[KABANATA 1]
Ang Don

* * *

GABBINSON

2021

"Mahal kita, Merlita, at ang pagbabalik natin ay isang pangako."

Marahan akong nagmulat ng mga mata ko.

Iyong mga panaginip at ilusyon na paulit-ulit na dumadalaw sa'kin ay lubos na naging palaisipan sa akin. I did everything to figure it out but it wasn't enough, tho! Hanggang ngayong nagbibinata na ako, nangyayari parin ang mga senaryong iyon sa panaginip at maging sa'king ilusyon.

Ewan ko ba kung bakit?

"Mukhang tinamaan ka?"

Ibinaling ko ang paningin ko kay Doc. Andrew na siyang psychiatrist ko. Ngumisi ito tsaka ngumuso sa'kin. Doon ko lang napagtanto kung ano ang inginunguso niya. Ang mga luhang bakas sa magkabila kong pisngi.

"Sorry," usal ko habang agad kong pinunasan ang mga luhang iyon, gamit ang likod ng palad ko.

Tumayo si Doc. Andrew tsaka lumapit sa mesa nito't humugot ng tissue paper mula sa box niyon, tsaka niya iyon inabot sa'kin. "Bata ka pa nung maging pasyente kita, but this is your first time to cry with your illusions," aniya.

"Ano ba 'yung huling katagang sinambit ko habang pikit ang mga mata ko?" nakakunot ang noo kong usisa kay Doc. Andrew. Nagtama ang mga tingin namin habang katulad kanina, ngumisi lamang siya sa'kin.

"Mahal kita, Merlita, at ang pagbabalik natin ay isang pangako," he just said that in a dramatic way.

I just take a deep sigh, like I don't know how to react from the words he just told me, that came from my unconscious self. Dumbfounded!

Wala eh, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa'kin after encountering those characters from my illusions, again. Pilit mang iniiwasan o tinatakasan, paulit-ulit naman akong kino-corner niyon hanggang sa wala akong magawa kundi ang isuko ang sarili ko dito sa psychiatrist chair ni Doc. Andrew.

"May iba bang theory that explained why they exist from both my dreams and illusions?" Muling nagtama ang mga tingin namin.

Nasa tapat ko siya't pilit kong inaalisa ang malalamig niyang titig. But heck! Hindi ko siya katulad. I am powerless to read his mind. Isa lang akong ordinaryong binata na napakaraming tanong na bumabagabag sa isipan ko.

"Nevermind," umiling-iling ako't bumangon mula sa pagkakahiga.

* * *

PAGKATAPOS maipara ni Mang Venecio ang sasakyan sa may garahe ay agad akong lumabas doon habang sukbit ang backpack. May ilang oras akong naglagi sa opisina ni Doc. Andrew kaya't pinabaunan ako ni Mommy upang doon na maghapunan.

Kilala ni Dad si Doc. Andrew, like they were old friends. Kaya nung malaman ni Dad ang kondisyon ko, kinonsulta niya agad si Doc. Andrew, to help me figuring that kind of illusions. Kaya doon ko nalaman na ang mga taong gumagalaw sa panaginip ko ay pwedeng gawa ng malikot kong imahinasyon o pwede ring may katuturan. Like they exist a long time ago. Reincarnation, kung matatawag. Kasi, 'yung lalaki sa panaginip ko ay parang ako. Para bang nasa harap ako ng salamin tuwing kaharap ko siya. Ang pagkakaiba lang ay parang nanggaling siya sa matagal na panahon.

1898: La Isla | ONHOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon