Simula | Ang Pagtugis sa Kataw

236 10 8
                                    

[SIMULA]
Ang Pagtugis sa Kataw

* * *

(Ilusyon ni Gab)
SANAYAD

Ika-3 ng Enero, taong-1898

MABILIS na nagliyab ang apoy mula sa 'di kalayuan sa punong pinaggapusan sa akin. Mula sa malalakas nilang kantiyawan, batid kong ano mang oras ay matutupok na sa apoy ang katawan ni Merlita, ang kataw na aking iniibig.

Dinala kami ng mga tauhan ng Don, dito sa bundok ng Pag-asa—ang bundok kung saan sinusunog ang mga rebelde, bilang pagpataw ng kanilang mga parusa.

Gusto kong iligtas si Merlita mula sa mga kamay ni Don Ignacio at sa gobernador-heneral. Gustuhin ko mang makawala sa tali ay hindi ko din kaya.

"Kuya Saldi," marahan akong nilingon ng nakatatanda kong kapatid na si Kuya Saldi. May armas ito at iyo'y gagamitin niya sa akin, sakaling manlaban ako. Si Kuya Saldi ay isa sa mga utusan ng Don. "Kahit si Merlita lang ang makatakas, mahal kong kapatid,"

Namuo sa aking mga mata ang likido ng luha. Tinitigan niya lamang ako, habang bakas sa mukha nito ang pagkadismaya.

"Paumanhin mahal kong kapatid, sapagkat maari akong mapaslang kung itakas ko ang kataw," umiling lamang ito.

Isang tauhan ni Don Ignacio ang lumapit mula kay Kuya Saldi. Bumulong iyon mula sa aking kapatid, tsaka naman napatango doon si Kuya Saldi. Pagkatapos makaalis ng tauhang iyon ay may hinugot mula sa kaniyang tagiliran si Kuya Saldi.

Isang punyal, habang iyo'y inangat niya.

Nanakbo siya papalapit sa akin tsaka niya kinalas ang taling nakapulupot sa aking katawan. Pagkatapos niyang makalas ang tali ay agad akong bumulusok sa lupa.

"Sanayad makinig ka! Isusunod ka nila sa kataw, kaya bago pa iyon mangyari tumakas ka na!" babala ng aking kapatid. Agad akong tumayo at pinagpagan ang aking sarili.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Kuya Saldi. "Itatakas ko si Merlita, Kuy—"

"Hangal!" hiyaw niya dahilan upang ako'y magulat at namimilog ang mga matang tumitig dito. "Walang magandang maidudulot sa'yo ang kataw na iyon o maging sa ating bayan, Sanayad! Kaya't hindi angkop upang siya'y mahalin!"

"Tao man ako't sirena siya. Nararapat parin siyang mahalin, Kuya!"

Bigla akong tinutukan ng mahabang baril ng aking kapatid. Paulit-ulit niyang ipinagtutulakan na tahakin ko ang daan paalis mula sa madilim naming kinaroroonan.

"Naghihintay si ina sa ating tahanan. Ilayo mo siya sa bayang ito, dahil alam kong pagkatapos nito'y kamumuhian ka ng mga tao," Iniwan niya ako sa aking kinatatayuan.

Hindi ko kayang iwanan at pabayaan nalang si Merlita. Mahal ko siya at responsabilidad kong iligtas siya. Kailangan kong bumalik sa kinaroroonan ni Merlita at kailangan ko siyang maibalik sa karagatan.

Mula sa madilim na sulok ng kagubatan ay payuko akong naglakad papalapit sa isang punong tanaw ang higanteng apoy na gawa ng taong bayan. Nagtipon-tipon ang taong bayan sa gilid habang nasa tapat ng apoy ang Don habang pinagmamasdan nito ang walang kamalayan na si Merlita. Humarap ito sa taong bayan habang nakaangat ang magkabila nitong kamay. Maya-maya pa'y may isang gwardiyang lumapit sa kaniya habang bumulong iyon doon. May itinuro ito sa Don habang agad ko naman iyong pinasadahan ng tingin.

1898: La Isla | ONHOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon