Kabanata 2

3.6K 28 17
                                    


GAYA ng inaasahan ay umayon sa plano namin ang mga sumunod na nangyari.

Umayon ito dahil kinabukasan, gaya ng inaasahan ay kitang-kita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano naglagay ang mga tauhan ni Aldridge ng karatula. Karatula na kung saa'y si Aldridge ay naghahanap ng bagong sekretarya.

"Wanted: Secretary. Must be a Bachelor graduate."

Ang mga kataga na iyon ay ang nakasulat sa malaking karatula na nakalagay sa labas ng kanilang kompanya at dahil inaasahan ko na, na mangyayari ang bagay na ito'y wala na akong sinayang pa na pagkakataon. Bit-bit ang resume na naglalaman ng cresendentials ko'y dali-dali akong lumabas sa restaurant na pinagtambayan ko, restaurant na katapat lamang ng kompanya ng mga Cambridge.

Inaasahan ko na na mangyayari ang bagay na ito kaya nama'y bago pa man sila makapaskil ng karatula na naghahanap sila ng bagomg sekretarya ay nakahanda na ang mga credentials ko. Perks of being a girls scout.

Tinawid ko ang malawak na daan na namamagitan sa kompanya nila at no'ng restaurant na pinagtambayan ko kanina. At ng tuluyang marating ang gawi ng kompanya nila'y wala na akong sinayang na pagkakataon pa, dali-dali na akong pumasok sa loob nito.

Pero bago pa man ako tuluyang makapasok sa loob nito'y hinarangan ako ng guwardiya.

"Employee Id ma'am," the security guard said habang hinaharangan ang dinadaanan ko. Making me stop from walking.

Umakto naman akong nabigla sa sinabi niya, "Ay hala sir! Wala po akong employee Id, mag a-apply pa po lang kasi sana ako bilang empleyado dito e."
n

Napakamot sa batok ang guard, "Ahh.. ganoon po ba ma'am?" tumatangong ani nito habang panay pa rin ang kamot sa batok. Hindi ko alam kung bakit nito iyon kinakamot pero malakas ang kutob ko na may kuto siya don kaya ganoon.

Isang tango ang isinagot ko sa tanong niya. "Kung ganoo'y umupo muna ka'yo doon ma'am," ani nito habang tinuturo ang bench na nasa bandang kaliwa ng hallway. "Pupuntahan ko po muna ang HR para ipaalam na may nag-apply na," dag-dag pang sabi nito.

At dahil bait-baitan ang peg ko ngayong araw na ito ay walang pag-aanlinlangan kung sinunod ang utos niya, habang siya naman ay tinungo ang kabilang daan na sa palagay ko'y papunta sa HR department na sinasabi niya.

Ilang minuto rin muna ang lumipas bago nakabalik ang guard na iyon sa kinaroroonan ko. At sa loob ng ilang minutong pananatili kung pagkakaupo sa bench ay halos ang nangyari lang kahapon ang naririnig kung pinag-uusapan ng mga trabahante na dumadaan sa harapan ko.

Marami akong narinig na usap-usapan tungkol rito. Kabilang na roon ang kung gaano kabait raw ang sekretarya na iyon, kung gaano rin daw ito kagaling sa trabaho at sa pakikipagkapwa sa kapwa trabaho.

Usap-usapan rin nila ang misteryosong pumatay sa lalaki na iyon na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli. Well, paano ba naman nila kami mahuhuli e magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nila kami kilala? And I guess, I should thank heaven for that, because he is the one who make sure na walang matitirang kahit na anong bakas ng kalat namin. And yes, he really nailed it, kasi nga magpahanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakikilala. Well, ano pa ba ang inaasahan ko? Heaven, grow up with computers and codes kaya di na nakakapagtaka kung nalinis niya ang kalat namin ng walang kahirap-hirap.

May kung ano rin akong narinig tungkol sa family background no'ng lalaki.  Family background na kung saa'y ang lalaki na lang pala na iyon ay ang bumubuhay sa kapatid nitong 10 years old pa dahil ang mga magulang nito'y patay na.

Oo nakakaawa pala ang family background no'ng lalaking iyon pero ewan ko ba kung bakit, call me heartless or anything pero kahit isang katiting na awa ay wala akong naramdaman para sa lalaki na iyon, despite sa katotohanan na may naulilang bata ng dahil sa kagagawan ko.

Cum for me, January (Calendar Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon