Kabanata 6

2.2K 17 5
                                    

Labis ang hiya na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Taena sino ba naman ang hindi mahihiya ng labis sa ginawa ko?! Dianig ko pa ang sobrang caring na gf sa ginawa ko kanina ah!

At ang mas masama pa ron ay hindi ko agad namalayan na katangahan na pala ang ginagawa ko. Namalayan ko lamang ito ng itanong niya sa akin ang mga katagang,

"What are you doing?"

Naalala ko pa. Alang-ala ko pa kung paano ako napatalikod at hiyang-hiyang napaalis agad sa loob ng opisina niya ng mag sink-in agad sa utak ko ang mga kabobohan at katangahan na ginawa ko.

Ghad! Self! Anong katangan ang pumasok sa isip mo? At bakit mo ginawa ang bagay na iyon?! Hindi ka ba nag-iisip self?! Huhu! Pait ang reklamo niya sa kape mo at hindi dahil sa kadahilanang napaso siya. Kaya ano? Ano ang pumasok sa isip mo para gawin ang bagay na iyon?! Ghad. Isa kang dakilang tanga.

Kebago-bago mo pa lang pero palpak ka agad!Paano ka magtatagal dito?! Wait, sino ba ang nagsasabing magtatagal ako dito? E, aalis lang rin naman ako dito after kung magawa ang misyon na ipinapagawa sa akin. But still, ang tanga at ang bobo mo pa rin self!

Napabuntong hininga ako at saka napagulo sa buhok ko. Damn. Damn. Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko!

"Ehem." Napatigil ako sa ginagawang paggulo sa buhok ko ng makarinig ako ng pagtikhim.

Pag-angat ko ng tingin ay doon bumungad sa akin ang nakakalaglag panty na pagmumukha. Pero kahit ganoon pa man nakakalaglag panty ang kagwapohan na taglay niya'y hindi pa rin nalaglag ang panty ko, mahigpit kasi ang garter nito. At saka isa pa, hindi na bago sa akin ang ganiyang klaseng pagmumukha na meron siya.

Sa agency kasi, ewan ko ba kung required ba talaga na ang lahat ng agent don ay pogi pero parang, dahil putaena, walang patapon ang pagmumukha ng mga nando'n. Lahat ay may ibubuga. Kaya hindi na bago sa akin ang ganitong klaseng pagmumukha lalo na't napakapamilyar ng pagmumuk—pamilyar? Taena! Wala sa oras na ako'y napatayo mula sa pagkakaupo ko at napaayos sa sarili ko ng mapagtanto ko kung sino ang kaharap ko.

"Good afternoon sir, si kuya niyo po ba hanap niyo?" tanong ko kay Aldren Cambridge. Ang kapatid ni Aldridge Cambridge. Oo kapatid ng boss ko ang lalaking nasa harapan ko.

Hindi man kapani-kapaniwala dahil sobrang laki ng pagkakaiba ng pagmumukha nila ay magkapatid pa rin sila. Parehong gwapo and probably, parehong chicks boy.

At kung itatanong niyo kung paano ko nalaman ang lahat ng tungkol roon? Aba'y siyempre, naimbestigahan ko na ang lahat ng connectadong tao sa mga Cambridge. Lalong lalo na ang pamilyang Cambridge. Pati nga ata ang mga kaninu-nuan nila ay naimbestigahan ko na rin.

I already did my research about sa family nila bago pa man ako sumabak sa misyon na ito at isa lamang ang masasabi ko at hindi basta-basta itong pinapasok ko at binabangga ko lalo na't, napakamakapangyarihan nila when it terms to connections and money.

Medyo limited lamang ang impormasyon na nalaman ko tungkol sa pamilya nila. Kabilang na roon sa limited na iyon ay ang tinatagong maitim na sekreto ng pamilya nila. Ang pagbebenta ng druga at ang pagsusuply ng druga sa buong mundo.

At malakas ang hinala ko na aside sa dark secret na iyon ay may iba pa. May iba pa silang tinatago at iyon ang binabalak kung alamin aside sa pag alam kung sino sa dalawang magkakapatid na ito ang nagmana ng illegal na negosyo ng pamilya nila.

Naningkit ang mga mata ng lalaking kaharap ko dahil sa sinabi ko at hindi ko alam kung bakit—kung may mali ba ako sa sinabi ko o kung ano, at kung bakit naging ganoon ang reaksiyon niya.

"You're my kuya's new secretary right?" naniningkit ang mata na tanong nito sa akin na siyang tinanguan ko naman.

"Then, how come?" he asked confusedly. It is like a question to his own self and not on me.

Cum for me, January (Calendar Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon