106

46 1 0
                                    

KATYA

I was busy preparing for my date with Cyrus. Today is our 2nd Year Anniversary. Gusto ko siya ipakilala kay Dad. I asked him na pumunta rito sa bahay. Papasok lang siya saglit then aalis na kami after introducing him kay Dad.

Nang sinabi ni Cyrus na nasa gate na siya ay bumaba na ako. Doon ko lang nalaman na wala pala si Dad. Babalik naman daw agad 'yon. Today rin daw ang balik.

Lumabas ako sa may gate para i-check kung nandoon na ba talaga si Cyrus. I greeted him when I saw him.

"Happy 2nd Anniversary, Love!" Bati nito pagkapasok pa lang. I really love how he call me with different pet names but this one is my favorite. It just doesn't sound cringe and 'jejemon' unlike that 'bbq' it actually looks like barbecue.

"Happy Anniversary, Cy! Get inside. Ang arte mo kasi bakit ngayon ka lang pumayag na pumasok dito?" Reklamo ko habang pinagbubuksan siya ng gate.

"Nahihiya ako. Nandyan ba daddy mo? I'll greet him para dagdag points." Bulong niya sa akin. Hindi naman siya mukhang nahihiya dahil ipinwesto na niya ang kamay niya sa may bewang ko nang iabot niya ang isang bouquet ng bulaklak sa akin. May hawak pa itong isa pa pero mas maliit na ito.

"Para saan 'yang isa?" I asked him. Looking at the small bouquet of flowers.

"Para sa asawa ng dad mo." Bulong niya.

"You don't need to give her one. Anniversary niyo ba?" Inis kong sabi habang lumalayo sa kanya. I'm not jealous with them. I just don't like the idea na he's still considering her as a part of the people na kailangan ng approval para samin.

Lumapit ito sa akin kaya hinayaan ko na lang siya pero hindi ko pa rin pinapansin. Pumasok kami sa loob at hinayaan ko siyang umupo sa sofa. Maya maya rin ay nagpaalam akong aakyat dahil kukunin ko na yung gamit ko. Anong oras na rin kasi. May klase pa kami ngayon. Kailangan namin pumasok because having our anniversary is not much of a reason para lang umabsent sa class. We planned to date na lang afterclass.

Bumaba ako pagkakuha ng mga gamit ko at naabutan kong nakatayo si Cyrus sa harap ng asawa ni Dad at nasa sahig yung flower. It made me mad even more. Did she throw it and stepped on it? The audacity of this girl to do that.

"Hey, what are you doing?" Inis na sigaw ko at hinila si Cyrus doon. I know na he won't do anything bad because that's how he was taught. To be good at all times. He was there saying sorry for staying on the sofa sa second floor na closed people lang nakakaakyat.

"Kat, she's still older than you. Please, let's just leave here." Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi naman kasi nakakabuti yung pagiging mabait sa lahat ng oras. May times din na kailangan mo magtaray lalo na sa mga ganitong tao.

"Ang kapal naman talaga ng pagmumukha mo. This is my house. I'm just letting you live here because I don't want to be apart from my dad and this is what you'll do? This house is under my name so you don't have any right to do this kind of bullshits. How dare you not letting my boyfriend sit on MY sofa? Actually hindi nga ako pumayag na tumira ka dito. Pinilit lang ako ni Dad kasi daw ikaw ang magiging asawa niya. Ganitong asawa ang ipapalit niya sa Mom ko?" Galit na sabi ko. I was staring at her from head to toe. I can still feel Cyrus' hand who's stopping me from coming after that girl. She's silent now.

"Also, that flower. What did you do to that? Cy, anong ginawa niya dito?" Tanong ko at lumingon kay Cyrus na patuloy pa rin sa pagpapatigil sa akin.

"Hayaan mo na, Kat. Pasok na lang tayo, okay ba?" He was trying to hold my hand and was trying to calm me down from the anger that I am feeling right now.

"Last na 'to, Cy." Binalik ko ang tingin sa babaeng ito.

"Ikaw, ginawa niya na nga lang 'yan para at least ma-respect yung presence mo but look at what you did? If you think that I'm the most disrespectful person in this house just look at your face in the mirror. Flirting with someone who's already married and has a child with his wife." Masama ko pa siyang tinignan bago tumalikod at naramdaman kong inalalayan ako ni Cyrus dahil sa panghihina.

Episode #1: Calm Me Down [Epistolary] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon