2- FRWMPB

43 6 1
                                    


(Ara's POV.)

( Campus ) **

Ano ba yan? First day nga pala ngayon! Di ko natandaan. Tsk Tsk. Yan tuloy! Na-late akong magising! Nag-madali pa tuloy ako. Kainis.

Andito ako ngayon sa office. Transfer lang kasi ako eh. 4th na nga ako tulad ng sabi ko dito sa Lacosta St. Veniel Academy or LSVA.
Dati? Sa Cramson University ako nag-aaral.

"Ms. Lizarondo Merino... Ms. Lizarondo Merino." pag tawag sa pang-mayaman kong surename ng ??? Ewan? Di ko alam kung sino 'tong matandang 'to dito sa campus eh.

Agad naman akong tumayo. Yung mahiyaing tayo. Sabay yuko. Syempre, ayokong ilabas ang pagiging maldita ko dito sa loob ng school noh. Ayokong masira image ko. No way!

"Ma'am..." nahihiyang sabi ko.
"Ako po si Lizarondo Merino." dagdag ko sabay smile. Nag-smile din naman ako ni tanda. Tapos, tinignan nya ako ng maigi. Pag katapos nya akong tignan ng maigi. Nginitian nya ako. Nginitian ko din naman sya. Hindi naman ako snobber eh. Haha.

"Ah?? Sige. Maupo ka na muna jan hija." sabi ni tanda.
Nag-nod naman ako tapos umupo na ako. Magkadikit yung legs ko at umupo na ako ng maayos. Ipinatong ko pa yung dalawa kong kamay sa tuhod ko at inayos ang bag na dala ko.
"Mataas naman ang grades mo. At halatang mabait ka naman. Sana lang hindi ka maging isa sa dahilan para masira ang pangalan ng school, ano?" si tanda.
"Of course." masayang sabi ko. Haha. Anong akala sakin ng matandang 'to? Makakasira sa school nila? No way! Sa ganda kong 'to? Tsk Tsk..
Tumango si tanda habang naka-tingin sakin. Nu ba yan?! Parang lalamunin pa ata ako ng matandang 'to ah??!

"Blahh~ Blahh~ Blahh~ Achurva! Acherva! Achalala~ Blahh~ Blahh~ Achuhu~ and this is the school rules and regulations paper." si tanda. Tsk! Daming alam. Daming sabe. Eh may rules and regulations paper naman pala! Pinagod lang nya sarili nya sa katangahang ginawa nya. Tsk. Siraulo. Pinag-iinit ang ulo ng magandang katulad ko! Lengye nemen!
Tumango lang ako tapos nag-fake smile ako. Tsk! Ayoko ng plastikin ka pang matanda ka! Mamamatay ka lang din naman! HAH. Oh? Edi ako na nga masama! Ako na nga! -_______-

**
Lumabas na ako ng office habang hawak-hawak ko yung rules and regulations paper nitong school na 'to na binigay sakin ni tanda kanina. May map din sya binigay sakin para daw hindi ako maligaw sa laki ng campus na 'to. Eh mahiya nga sya! Bigyan ko din kaya sya jan ng map para kapag pupunta sya ng bahay KO ay hindi rin sya maligaw? Tsk! Kayabangan! Anong akala nya sakin?! Walang alam?! Inosente?! Baka sungalngalin ko sya nitong map na hawak ko ngayon! Makita nya. Tsk. Pinag-iinit talaga ulo ko!!! Hayyy~

**
Habang naglalakad ako dito sa coridor. May mga stupident na nagku-kwentuhan.
"Look.. Sya ba yung new student?" mataray na sabi nung isang babae.
"Hmm? I dunno too.. But, sa tingin ko, sya nga.." sagot nung isang girl naman.
"Pfft.. Haha. Nakakatawa syang tignan. Ang panget nya. Hindi nga nerdy, panget naman! Wala din. Haha. Nakakatawa talaga. Ang weird nya!" yung isa pang girl.
"Uy~ Wag ka ngang maingay jan! Baka marinig ka nya. Haha. Anyway, tama ka naman talaga. She looks funny. I-welcome kaya natin sya?" yung isang girl pa.
"Great!" sabay-sabay nilang apat.

Teka?! Ako ba pinag-uusapan ng mga 'to? (Ay? Obvious?) Eh mga loko pala 'to eh! Pasalamat sila first day ngayun. Ayokong gumawa ng gulo. At, magiging pretender muna ulit ako sa loob ng isang taon ulit. Kapag kase nasa school, I'm an angel. Pero pag wala sa school? Ay juice koo! Mas tarantado pa ako kay satanas. Haha.

**
Habang nag-lalakad ako dito sa coridor at para hanapin ang room ko ay may biglang humila sa bag ko. Muntik naman akong matumba. Agad akong tumingin sa kung sino mang walang 'yang gumawa non sakin.
Pagka-talikod ko.. Nakita ko yung mga apat na babae na nagku-kwentuhan kanina. And unfortunately, dahil famous kagad ako eh ako pa pinagusapan nila. Haha. Chapot! Pero totoo! Ako yung pina-uusapan nila, kanina.

Naka-cross arm silang apat at naka-taas yung mga kilay nila habang naka-tingin sakin. May gagawin pa atang hindi kaaya-aya 'tong mga punyetang 'to ah? Pfft. Hindi sila uubra saken! Sige! Magpapa-bugbog ako, FROM NOW. Pero kapag naka-tagal na ako sa school na 'to eh hindi ko na papalampasin ang mga gagawin ng mga Bitch na 'to.

"Ikaw yung new student, right?" sabi nung isang girl.
Nag-nod naman ako bilang sign ng "oo".
"Ohh~ Ikaw pala." yung isa naman. Tapos, nag-tawanan sila. Tsk Tsk. Mga baliw.

"Kayo! Kayong apat! Ano na naman ang kabaliwan na gagawin nyo sakin? Laki ng problema nyo ah? Baket?! Ganun na ba ako kaganda para kainggitan nyo?! Huh?! Mga kupal! Kupal Lord!!! Alam nyo?! Para na kayong mga coloring books, dahil sa kapal ng mga make up nyo!!! Mga ulul!" sigjw ko.... Sa isip ko. Pinapatay ko na sila sa isip ko. Yes! Tama kayo. -_______- Sa isip ko lang muna. Tska na yung sa personal talaga. Kase naman, ayokong gumawa ng malaking gulo ngayong first day. Malaking kahihiyan toh. Pero sige. Pag-bibigyan ko sila. Yan ang gusto nila. Basta pag handa na akong sampolan 'tong mga 'to, humanda na sila. Tsk Tsk..

Nagulat nalang ako ng bigla akong sabunutan nung isa. Tapos, sinabunutan na nila akong apat. Aray. Nasasaktan na ako ah. Hindi pa ako handang makalbo. Sa tagal ng pagpapahaba ng buhok, biglaan naman akong makakalbo ng wala sa oras. Sa tagal inalagaan ni Nana Izra ang buhok ko, ngayon pa makakalbo. At ng dahil pa sa mga hampas lupang 'to. Hindi ata ako papayag na mangyari yun. Humanda lang talaga sakin 'tong mga 'to. Sa tamang panahon.

Binugbog nila ako. Sa harap ng madaming tao. Pinag-sasampal. Pinag-tatadyakan. Pinag-sasabunutan. At pagka-tapos nila akong pahirapan, tinulungan nila akong makatayo ng maayos. Sabay sabing,
"Welcome To Hell Newbie.." masasaya nilang bati sakin. Sa sobrang sakit ng pisngi ko pati ng anit ko at ng BUONG KATAWAN ko, parang magba-blockout ako. Nahihilo ako na parang ewan. Hinahabol ko din ang hininga ko. Pero, hindi ako umiiyak. Hindi ako iiyak nuh. Hindi ako ganun kadaling mapaiyak. Ayokong mag-mukhang loser.

"Sa una lang 'to. Pagbabayaran nyo rin 'tong ginawa nyo sakin sa tamang panahon. Humanda kayong mga ipis kayo!" galit na sigaw ko sa isip ko. Sabay titig ng masama sa mga mukhang ipis na mga babaeng 'to. Yes! Mukha kasi silang mga ipis eh. Eww!

Yan nalang yung huli 'kong nasabi, nakita at yung mga tawanan ng mga ipis? Ang huli 'kong narinig at natandaan. Sobrang hinang-hina na 'ko eh. Hindi ko na kaya. Kaya biglang bumigay yung katawan ko.

Naramdaman ko pang may sumalo saakin pero hindi ko makita kung sino. Madilim narin kasi ang paligid ko at sobrang hilong-hilo na nga ako.

**
Nagkaroon nalang ako ng malay nung nakahiga na ako. Hindi ko alam kung nasan ako pero puro puti lang ang nakikita ko at parang duleng pa ata ako.

Maya-maya pa. May narinig akong boses. Boses ng isang lalaki. Nung naisip ko. Bigla akong kinabahan. Nanlaki din yung mga mata ko.

"Waahhh!!! Papa God! Wag muna! Bata pa ako! Marami pa akong pangarap sa buhay! May mga kailangan pa akong gawin! Pati narin ang Revenge ko sa mga ipis na nang-bugbog saakin kanina! Papa God naman! Please! Wag muna! Ayoko pa! Huhu!" sigaw ko. Tapos, maluha-luha pa ako.
"Ms. Okay ka lang? Nasisiraan ka na ba ng ulo?" wow huh. Ako? Nasisiraan ng ulo? Okay lang ba 'tong lala---- LALAKING 'TO?! Waahhh! Akala ko si Papa God na. Tsk! Nu ba yan?! Nakakahiya!
"Ah? Sorry. Sino ka ba? Anong ginagawa mo dito? Anong gina-----" agad muling lumaki ang mga mata ko sa kabalbalang iniisip ko. Waahhh!! Rape!! Rapist!!
"Anong ginawa mo sakin?! Huh?! Rapist ka noh?! Waahhh!!! Rapist! Rapist! Help! Help!" maarteng sigaw ko tapos biglang tinakpan ni mystery guy ang bibig ko. Napa-tahimik naman kagad ako. Inalis ko yung kamay nya sa bibig ko. Ng bigla kong napansin, yung naka-turok sa kamay ko. Karayom.
"Baliw ka na?! Hindi ako rapist! At kung rapist man ako, hinding-hindi kita re-reypin noh! Sa panget mong yan?! May magkaka-mali pang rapin ka?! Utut mo! Manigas ka! Tsk! Flat chested!" si mystery guy. Agad naman akong natauhan sa sigaw nya sakin. Aba? At sino sya para lait-laitin ako?! Huh?! Sa ganda kong 'to?! Sasabihan nya ako ng panget? Tska, hindi naman ako flat chested ah? Sungalngalin ko sya ng bra ko eh. -_______-


Fake Relationship With Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon