Regret..

38 0 0
                                    

Naranasan ko na ang mainlove. Yung tipong makita ko lang siya sobrang kumpleto na yung araw ko. Yung, wala namang nakakatuwa pero makikita mo nalang sarili mo na nakangiti. Yung malala mo lang siya, hindi mo nalang mamamalayan sarili mong nakangiti ka na pala sa kawalan.

Pero pano kung, dahil sa sobrang pagmamahal niya sayo ay maging kampante ka? Pano kung akala mo, habang buhay na siyang na sa'yo. Akala mo, kahit na anong gawin mo hinding hindi ka niya kayang bitawan..

Ay hindi..

Pano kung akala mo habang buhay lang na nasa tabi mo siya. Hindi ka niya iiwan, hindi ka niya hahayaang maging magisa.

Pero pano kung..

Dahil sa isang kagaguhan na nagawa mo. Di na niya pilitin sarili niyang lumaban sa buhay. Gusto nalang niyang mamahinga?

Pano kung..

Mawala na siya sayo?

Ako si Jason Del castro. Nawalan ako ng minamahal ko. Dahil sa isang kagaguhang hanggang huli ay alam kong pagsisisihan ko..

--

Umagang umaga nakita ko si Jannah. Sobrang buo na yung araw ko. Iniisip ko tuloy kelan niya ako sasagutin? Pumasok na ako sa classroom namin. Sinalubong ako ng mga kaibigan kong si Joshua at Niccolo.

"Oh? Bakit wala si Jay-ar?" Tanong ko sakanila.

"Aba malay namin? Tanungan kami ng nawawalang tao?" Sambit ni Niccolo. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong sinabe mo Niccolo?" Tanong ko. Tapos tinignan siya sa mata.

"Ah..eh.. haha, wala Jason.." sambit niya ng nakayuko tapos umiwas nako ng tingin at tinignan si Joshua.

"Oh. Pasok na tayo." Sabi ni Joshua sa amin. Pero may humarang saking babae. Classmate ni Jannah.

"Jayson, may pinapabigay na letter si Jannah." Iniabot niya sakin yung letter tapos umalis na din. Binuksan ko at binasa yung naka sulat..

Kita tayo mamaya sa gym. I'll wait for you at lunch time.

-Jannah.

Nilagay ko yung papel sa bulsa ko. At hindi ko namalayang naka ngiti na pala ako..

---

[ Lunch Time ]

Lumabas na ako ng classroom namin at pumunta na ako sa gym. Iniwan ko na yung dalawang kupal sa classroom namin. Nakasalubong ko yung classmate ni Jannah na nag abot sakin ng letter niya.

"Asan na si Jannah?" Tanong ko sakanya.

"Nandun na sa gym. Inaantay ka." Sagot niya sakin sabay alis. Kahit kailan talaga yung babaeng 'yon ang ganda kausap.

Naglakad nalang ako at pumunta na sa gym. Naabutan ko siyang nakaupo doon at may nakasukbit na earphone sa tenga niya. Agad ko siyang nilapitan at tinabihan napatingin siya sa akin. Tapos ngumiti.

"Oh. Andyan ka na pala Jason. Hi!" Bati niya sakin.

"Hello. So, what's up? Bakit moko pinapunta dito?" Tanong ko sakanya. Tapos ngumiti.

"It's been 1 month mo na akong nililigawan. And, to be honest di mo pako nililigawan. I'm already inlove with you." Nakayukong sambit niya sa akin. Nagulat ako nung sinabe niyang inlove na siya sakin noon pa? Wow. Haha. Tahimik lang ako nakikiramdam sa mga susunod niyang sasabihin.

"Nung nalaman kong liligawan mo ako, sobrang natuwa ako non. Hindi ko alam kung matutuwa ako or matatakot. Kasi diba? Isang basketball player, magaling sa dota, malakas dating, matalino at good looking na katulad mo maiinlove sakin? Syempre madaming pwedeng mang flirt sayo. Pero promise sobrang natuwa ako." Sabi niya sakin tapos yumuko. Tapos may tinignang message sa cellphone niya..

i'm sorry..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon