CHAPTER 13.3.3
JANELLA RAYNE's POV (Continuation)
Sa halip na bumalik kami sa aming upuan ay hinila ako ni Danzel patungo sa may bar. Pero isang hindi inaasahang scenario lang pala ang aking dadatnan. Si Dalton na may kahalikan sa sofa habang nakaupo paharap sa kanya 'yung babae.
"Looks like you're having a good time, DS." Sarkastikong bungad pa ni Danzel sa kanya at agad na rumehistro ang gulat sa mga mata ni Dalton. Sinalubong ko ang kanyang titig at hindi pa man ay gusto ko ng maiyak.
Dali-dali niyang itinulak 'yung babae na bumagsak sa sahig at halos hindi niya alintana 'yun. Mabilis siyang nakalapit sa amin ni Danzel at tila nagsusumamong tumitig sa akin.
"No, pumpkin... this is not what you think it is." Sinubukan niyang hawakan ang aking pisngi pero maagap kong tinabig 'yun.
Hinawakan ako ni Danzel sa baywang pero hindi ko pa rin magawang maialis ang titig kay Dalton.
"C-can we talk, pumpkin?" Sumamo pa niya. Pero nag-iwas ako ng tingin at pinigilan ang sarili kong umiyak.
"You need to go home, DS. You're drunk." Sabi pa ni Danzel at nanatiling malayo ang tingin ko. Ayokong umiyak. Hindi puwede 'to!
"There is no fcking way you'll get my girl, DM." Mariin pang sabi lang ni Dalton at mabilis kaming tinalikuran.
Hahapay-hapay siyang naglakad patungo sa stage at agad na inagawan ng gitara 'yung isang miyembro ng banda. Halos magkagulo sa lugar at agad na nagsilapitan ang staff ng bar kay Danzel. Pero sa halip na magbigay nang utos ay umiling lang siya at sinabihang hayaan lang si Dalton.
"Hello peeps!" Nakangiting nagsalita siya mic at tila wala na sa sarili. "I just want to dedicate this song to my pumpkin. I'm burning for you... so bad. This song is for you."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Dalton at nakita ko lang ang pagkunot ng noo ni Danzel. Pero wala na yata akong panahon na magpaliwanag pa sa kanya dahil hindi ko magawang ialis ang titig ko kay Dalton na ngayon ay tila professional na tumutugtog ng gitara. Sinabayan din siya n'ung banda na parang nakuha agad ang kakantahin niya at parang wala pa rin siya sa sarili na ngingiti-ngiti sa stage.
♫♪ Saw you walk into the room
Thought I'd try to talk to you
Babe, am I ever glad you wanted me too
It's been two years to the day
half the time I've been away
I know I'm not there enough
but that's gonna change... ♪♫
♫♪ 'Coz I'm coming back to show you that
I'm keeping the promise I made... ♪♫
♫♪ When I'm with you
I'll make every second count
'coz I've miss you
whenever you're not around
when I kiss you
I still get butterflies years from now
I'll make every second count
when I'm with you... ♪♫
Napapa-headbang pa siya habang tinitipa ang gitara at wala akong masabi sa sobrang kagwapuhan niya kahit pa parang wala na talaga siya sa sarili. Hinawi niya ang kanyang buhok at lalong naging malinaw ang pagpapawis ng kanyang noo. At kahit na parang gusto ko siyang daluhan sa stage at punasan iyon ay pinigilan ko ang sarili ko. Ano bang ibig niyang ipahiwatig? Mahal na rin ba niya ako?
BINABASA MO ANG
TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)
General FictionDalton Ace Samaniego, nag-iisang anak at total Casanova. Kahit na minsan ay 'di siya nagseryoso sa buhay at naging mapaglaro sa mga babae. Malaya niyang ginagawa ang mga bagay na maibigan hanggang sa ipatapon siya ng kanyang mga magulang sa hacien...