Chapter 17.1.3

218K 4K 122
                                    

CHAPTER 17.1.3

DALTON ACE's POV

After weeks of planning our weekend getaway, sa wakas ay natuloy na rin kami! Wala raw kasi siyang mairason kay Yaya Paning kung saan siya pupunta. Mabuti na lang at mas madali lang sa akin ang tumakas since my parents knew too well kung gaano kami kahilig gumimik nila Vaughn at Terrence. I asked for Chance help this time and he lend me their beach house at Laiya, Batangas. And yeah, I'd never been this excited to be alone with any woman before. Jeez, malakas na talaga ang tama ko!

"Ang layo din pala..." Bahagya pang sumulyap sa akin si Janella na abala sa pagkain ng junk food. Paminsan-minsang sinusubuan niya ako at share kami sa pag-inom ng soda.

"Yeah. May beach house din kami dito. But I don't think we will be safe there." Bahagya ko pa siyang sinulyapan sa front mirror at napansin kong titig na titig pala siya sa akin. "Hmm? Baka malusaw ako niyan, pumpkin." Ngumisi ako at ngumuso naman siya.

"Ang gwapo mo kasi." Mabilis naman ding sagot niya at mas lalong pinatulis ang nguso. "Bagay na bagay mo ang cap at ang suot mo ngayon."

"Really?" Jeez... this is crazy! Pero sa tuwing pinupuri niya ako, I felt something weird in my stomach!

"Yup!" Ngiting-ngiti na sagot pa niya at nagpa-cute.

"You should stop doing that pumpkin 'coz I really want to kiss you right now!" And, I really mean that!

"I want to kiss you too..." Halos pabulong pang sagot niya pero malinaw na malinaw sa pandinig ko ang kanyang sinabi.

Without having second thoughts, inihinto ko ang sasakyan sa gilid. Nagdudumilat ang mga mata niya sa akin na para bang hindi niya inaasahan ang gagawin ko.

"Anong ginagawa mo?! Bakit tayo huminto?!" Taranta pang tanong niya.

"I thought you want to kiss me?" Ngumuso ako at nagtaas ng kilay.

"Pervert mo talaga! Mag-drive ka na, okay?" Oh no, pumpkin. You're blushing. You definitely wanted to kiss me, huh?

"I just want to kiss you."

"Drive, Ace." Matigas pang sagot lang niya pero hindi ko siya pinansin. Sa halip ay dinukwang ko ang seatbelt niya at tinanggal iyon. Mabilis ko siyang hinigit sa baywang at kinandong.

"Uy! Ano bang ginagawa mo!" Bahagya pa siyang nagpumiglas pero mas hinigpitan ko lang ang yakap sa baywang niya. I can't believe that I'll ever be like this at all. Be this seriously smitten to just one girl! Damn! "Ace! Ang landi mo ha!" Dinilatan niya ako pero mariin naman niyang kagat ang kanyang labi. Pumpkin, you're turning me on.

"You're impossible, pumpkin." Hinaplus-haplos ko ang exposed legs niya sa suot na short at agad namang namula ang kanyang pisngi. "You've got pretty soft skin... and it's mine."

"Tanggalin mo nga 'yang kamay mo!" Tinapik pa niya ang kamay ko at hindi ko naiwasang mapahalakhak.

"Are you sure, you don't want this huh?" I caressed her inner thigh and she intensely looked at me.

"Ace naman..." My pumpkin wanted me but she's controlling herself that much. Though I completely understand. She's scared like I am hell scared too. "Hanggang kailan natin itatago 'to, Ace?" Nag-aalala pang tanong niya at iniikot ang isang kamay niya sa balikat ko.

"Naiinip ka na ba?"

Umiling lang siya at kinagat ang kanyang labi.

"Natatakot lang ako dahil baka paglayuin nila tayong dalawa." Mapait pang aniya kasabay nang mapait na pagngiti.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon