Chapter 28

160K 3.3K 221
                                    

CHAPTER 28

JANELLA RAYNE's POV

Matapos na makita ko ang eksenang iyon sa pagitan nina Dalton at Eleonor ay nag-decide muna akong lumayo. At kahit labag pa sa kalooban kong iwan si nanang ay wala naman akong pagpipilian dahil ayoko namang i-byahe pa siya nang sobrang layo.

Ngayon nga ay nandito ako sa Baguio kasama si Carl. 'Yung kababata kong nakita namin sa Batangas noon. Wala na akong ibang malapitan kaya't siya ang naisip ko kahiya-hiya man. At kahit na gusto man niya akong tanungin sa nangyari ay ni minsan hindi niya ako pinilit.

Masyadong masakit ang nakita ko noon. He was kissing her. At ang masakit pa d'un, nasa kandungan pa niya ang babaeng 'yun nang ginagawa nila 'yun. Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko sa nasaksihan kong iyon. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya 'yun sa akin. Sa kabila nang lahat nang nangyari ay hindi pa rin pala siya kuntento sa akin. Naghahanap pa rin siya nang kalinga ng ibang babae bukod sa akin. Siguro nga mahal niya ako. Pero hindi sapat ang pagmamahal niya para makuntento sa akin. Masyado akong umasa na napagbago ko na ang 'Casanova' na tulad niya.

"Hey Ulan, umiiyak ka na naman." Agad akong nagpunas ng luha at halos hindi ko na naman namalayan ang paglapit ni Carl. Tatlong araw na ako dito sa Baguio pero pakiramdam ko ay napakatagal na panahon na.

"S-sorry..." Mapait lang akong ngumiti at wala sa sariling niyakap ang sarili ko. Sobrang lamig ng panahon ngayon dito at medyo naninibago talaga ang katawan ko.

"Sa loob ka nga. Baka magkasakit ka pa niyan." Alalang sabi pa niya at bahagya lang akong umiling. Sa kasalukuyan kasi ay nandito kami sa restaurant na pag-aari ng family nila. At tulad nga nang nabalitaan ko noon ay totoo naman pala talagang nanalo sila sa lotto kaya naging mabilis ang pagyaman nila. May negosyo din sila sa Manila, pero mas pinili niyang dito sa Baguio manatili dahil daw mas okay ang panahon dito.

"Masarap dito..." Nag-iwas ako nang tingin dahil sa totoo lang ay kanina pa ako umiiyak. O mas mabuti siguro sabihing walang araw na hindi ako umiiyak.

"Hey," napaigtad na lang ako nang bigla niyang hinaplos ang pisngi ko at pinunasan ng daliri niya ang luha ko. "Okay lang ang umiyak, pero 'wag mo pa rin kalimutan ang huminga, hmm?"

Tumango ako at pasimpleng inilayo ang sarili ko sa kanya. Mabuting tao naman si Carl. Ayaw ko lang din siya bigyan ng maling pag-iisip sa pakikitungo ko sa kanya. Mahal ko si Dalton at hindi madali ang kalimutan siya.

"Tara na, mukhang madami na ang customer." Pag-iiba ko pa at wala ako sa sariling napatingin sa loob ng restaurant na unti-unti ngang nadaragdagan ng mga tao.

"It's okay, kung hindi pa maganda ang pakiramdam mo." Alala pang sabi niya.

"Okay lang, Carl. Tara na." Nagpatiuna na ako sa kanya at naramdaman ko rin naman ang pagsunod niya. Ang pagtulong sa restaurant nila ang tanging magagawa ko para makabayad sa pagkupkop niya sa akin. Sana nga ay magawa kong makaipon para makabukod na rin ng tirahan.

********

DALTON ACE's POV

It's been three days. Three fcking days and I never heard from Janella again. Damn! I missed her so much! I am totally not in the mood and I don't have the energy to work either. Of course, galit na naman si papa dahil hindi ako nagpapapasok sa opisina. But what can I do? Si Janella na lang palagi ang laman ng utak ko! I even asked Chance's help para lang i-locate ang Carl na 'yun. I've been so damn worried already! I need to see her or else I'll die in a couple of days!

"You need to stop drinking, dude!" Si Vaughn. Nandito kami sa bar and yeah, I've been killing myself for three fcking days just to get some good sleep. Ni minsan ay hindi ko naisip na pagdaraanan ko ang pinagdaanan ni Tyrone noon. Be this frustrated with a woman! Now, I completely understand. If Jordan was his life, Janella was mine.

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon