Chapter 3:

14 0 0
                                    

Ashley's P.O.V

Nang palapit na ako sa parking lot tinawag ako nila Sam at niyaya ako mag mall. Alam naman daw nilang di na ako papasok dahil asar ako dun sa babaeng linta na yun kaya, eto nandito kami ngayon sa mall. Nag sh-shopping at food trip, ang masayang part dun. Libre daw lahat ni James !! Kaya kahit papaano may pakinabng din naman yung babaeng yun sa amin ni Sam.

* You received a message,...*

" From: Bad Monster

Where are you ?!? Anong oras na ah ?! You're late !! "

And so ? Ano naman kung late ako ? Asa ka namang pupunta pa ako jan no. No way men. Mag sama kayo ng babaeng linta mo. Buisit kang letche ka. Teka bat nga ba ako nagagalit di ko naman boyfriend yang Bad Monster na yan.

( a|n : di mo nga boyfriend, asawa mo naman )

Shaddup!! Di ko ka ano ano yung lalaking yun. Sa Bahay lang yun at sa papel. But in the real world. No way high way !! Tsaka himala na lang kung magustuhan ako nun. Ang mge type nun yung parang Emily lang ang style. Tall, Beautiful, and last but not the least sexy. Height ? 5'3 vs 5'8 beauty ? Boyish vs kikay sexy ? Curvy vs slim. Obvious na obvious na. Dehado ako sa lahat ng aspekto. Kaya nga di na ako umaasa eh. Graduate na ako jan. ' Graduate na nga ba ? '

" huy !! "

" a-aray.....maka batok Sam ah !! Wagas !! " - sarcastic na sabi ko kay Sam sabay death glare. Ang chakit kaya. Ang lakas maka batok, daig pa may muscle sa braso. Wala namang ka laman laman. Puro buto. Tsk !! Tsk !! Tsk !!

" he-he-he......peace ? ^__^v " - sabi niya sabay peace sign sa akin. Hayy.....bakit ba kasi ako biniyayaan ng mga weird na tao sa aking ka paligiran. Nakaka loka. Promise, try niyo baka sa mental na bagsak niyo.

Nag ikot ikot kami sa iba't ibang tindahan at boutique. Syempre pati sa mga stalls ng pag kain at fast food chains. Nag arcade din kami tapos nanood ng sine. Tapos kain ulit. Hehe, bawi lang sa lunch naming nawala. Sayang din yun no ? ^__^

Maya-maya ay nag decision na kaming umuwi, gabi na rin kasi. At dahil sa kailangan ko na talagang umuwi kahit na naiwan ko yung sasakyan ko sa school na 1 at kalahating oras ang biyahe mula dito ay sumabay na lang ako kay James tutal parehas naman kami ng subdivision na tinitiran. Dapat sa gate na ako bababa para deretsyo na siya agad sa bahay nila. Kaso ayaw niya, mahirap na daw kahit medyo maaga pa kailangan daw maka uwi daw ako ng maayos dahil nga babae daw ako. Ewan di ko din gets basta yun sabi niya.

Nang makarating kami ng bahay ay agad na bumaba ako. Ewan ko ba basta feeling ko kailangan ko na agad bumaba dun. Nag paalam na din ako sa kanya at pumasok na sa loob. Pag pasok ko tahimik na ang loob ng bahay patay na din yung mga ilaw sa baba, kaya umakyat na ako ng tahimik papasok ng kwarto namin. Mahirap na baka may maistorbo pa ako. At oo kwarto NAMIN. Required kasi ng mga parents namin na kailangan iisa lang yung kwartong gagamitin naming dalawa. Ayaw namin parehas ang ganito g arrangement pero kailangan eh. May pang black mail sila sa aming dalawa, kaya sinunod na lang naming dalawa. Nang papalapit na ako sa kwarto ay may naririnig akong.........u-u-ng-gol ? Nang hina ako dahil sa narinig ko pero ewan ko ba kung anong nag tutulak sa akin para sumilip pa din sa loob. Nang makita ko na ang dapat ay inaasahan ko ay tumakbo na ako agad papalayo sa lugar na yun.

Bakit ba kasi ang sakit ?! Bakit ba kasi ang hirap intindihin ng utak ko na hindi nga pwede ?!? Na hindi niya ako magugustuhan kahit kailan. Kung bakit ba kasi natutunan kong mahalin ang isang walang kwentang taong tulad niya?! Bakit ba kasi di niya din ako mahalin ?! O kahit kakaunti lang ng attention niya ay ibigay niya sa akin ?? Pumasok ako sa kwarto ni manang at dun umupo at humikbi

" ija ? Ikaw ba yan ? " - naaalim pungatang tanong ni manang sabay lapit sa akin. " o ? Bakit ka umiiyak ? " - tanong niya sabay punas ng luha ko gamit ang palad niya. Di ko na talaga kinaya at yinakap ko na si manang at umiyak ng umiyak sa balikat niya. Na parang batang nawawala.

" P-p-wed--de p-po bang * hik * d-dito na l-lang * hik * m-mu-muna a-ko m-mana-ng ? * hik * " - nanginginig na tanong ko habang yakap pa din si manang. Tumango naman ito at bumitaw sa yakap ko.

" o sige ija, jan ka na sa kama at ako'y mag lalatag na lang dito sa sahig. " - sabi ni manang sabay kuha ng isang unan at kumot.

" w-wag n-na po ma-nang * hik * a-ako nalang p-po s-sa sah-ig * hik * " - sabi ko sabay kuha ng unan at kumot kay manang at nag sapin sa sahig.

" sigurado ka ba ija ? " - nag aalalang tanong ni manang sa akin. Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot sabay higa na. Matigas yung sahig at malamig pa din kahit may sapin na, na kumot. Hayaan na. Wala na rin naman akong pakialam eh. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay mag pahinga at kalimutan ang nakita ko at ang mga nangyari.

Kinabukasan maaga akong pumasok sa school para di ko na maabutan yung babae niya na pa-alis ng bahay. Mahirap nang may maka kita na dun ako naka tira baka maipag kalat pa sa school at patayin pa ako ng mga fan girls niyan. Kahit naman broken-hearted ako dahil sa mokong na yun ay hindi ibig sabihin di ko na mahal buhay ko. Like hello ?! Ang dami dami ko kayang pangarap. Ano yun aral aralan mode ako ng 11 years tapos papakamatay lang din ako ?! Ano tanga ?? Tsaka kung nag tataka kayo kung bakit cheerful na ako ulit ay dahil lang yun sa pinaniniwalaan ko.

" bakit ka pa mag mumukmok ng dahil lang sa isang lalaking walang kwenta kung pwede ka namang gumawa ng mga bagay na may kwenta para kahit papaano masasabi mo sa sarili mong hindi ka walang kwenta gaya niya. "

O di ba ? Hugoat ? Pero wala namang masama kung imiyak ka di ba ? Minsan sa dami ng luha mo masusukat kung gaano ka lakas ang isang tao. Hindi naman lagi sa physical na gawa. Kaya ang masasabi ko lang, gutom na ako. Ang dami dami kong drama wala naman akong mapapala yan tuloy na gutom lang ako. Hayy....buhay nga naman parang life ? Mali parang love-life. Minsan sweet minsan bitter.

Mr. PossessiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon