Chapter 4

9 1 0
                                    

Chapter 4

Ethan's POV

Hi :) I'm Ethan Joshua Enrique Suarez. Ang haba noh? Haha. Hmm.. Ano ba? Ah! Nandito ako ngayon sa student's council office. May pinakuha kasi sakin na papers. Tapos mamayang hapon may ita-type akong essay na ipinagawa ni Sir Ramon. Kelan ba ako mawawalan ng gawain!? Haay!! Excuse nanaman ako sa klase! >,<

*tooooot*

From:
Yuan Dale Dela Cruz

Ethan, basketball tayo mamayang hapon kasama si Lloyd at Martin.

**

Nireplyan ko naman.

To:
Yuan Dale Dela Cruz

Di ako pwede may gagawin akong essay.

(a/n. Pa conversation ko na lang po gagawin.)

Yuan Dale : Ah oo nga. Genius ka nga pala. Haha! Tae. Tol, nakatikim ako ng sampal kay Leanne. Haha!

Ethan : Ha? Bakit naman?

Yuan Dale : Haha. Mahirap ipaliwanag sa text eh. Haha. Mamaya na lang. Haha. Mabilis pala yun mabugnot. Hahahaha!

-----

Di ko na sya nireplyan! Baliw sya. Palibasa walang ginagawa. Tss! Nga pala, tungkol kay Eris. Wala akong gusto dun ah! Well mabait sya, may pagkamadaldal, makulit sya, masaya kasama pero pili lang kasi yung pinapakitaan nya ng ganun. Hindi sya friendly. Haay ewan! Mahanap na nga yung papel na yun!

*after 5 minutes*

Yun! Nakita ko na din! Kung saan saan kasi nilalagay eh!

*tooot*

From: Sandra Carmela Kim

Oy Ethan, paki edit na daw yung papers na pinakuha sayo sabi ni Richard.

To: Sandra Carmela Kim

Abuso kayo ah! Kung sinusupalpal ko kaya sa inyo tong papel na to!?

From: Sandra Carmela Kim

Anong abuso!? Aba gawain mo na naman dati yan ah! Aangal ka pa eh nandyan ka na! Isa pa gagawin mo din naman!

-

Haay! Hindi naman ako mananalo dito eh. Edi gawin na! nako naman. teka. itetext ko pala muna si Giselle

To: Gisselle Pascual

Taba! Dating gawi! Chocolate, juice saka burger. Dalian mo gutom na ko ✌✌

Ang bossy ko talaga. Hahaha! Ginagawa naman nya eh. Haha. Dating gawi? Ah. Eto kasi yun, tuwing nandito ako sa students council office tapos hindi ko na magawang pumunta ng canteen at bumili ng kakainin ko, sya na yung bumibili ng pagkain ko tapos dadalhin nya dito. Tuwing break time lang naman. Eh break time na ngayon. May mauutusan nanaman ako. Hahaha XD

After 10 minutes dumating na sya.

"Ang bilis mo naman yata?"

"Konti lang tao sa canteen ngayon eh. Eto na! Ang tamad mo talaga!"

"Kita mong may ginagawa eh. Hay. Eto yung letter oh. Papirmahan mo yan kung hindi babatukan kita!"

"Tss! Oo na!"

"Balita pala sa room?"

"Ayun. Nasampal ni Leanne si Dale"

"Bakit?"

"Kasi masakit pala ulo ni Leanne. Tapos eto naman si Dale kulit ng kulit kaya ayun nabugnot, nasampal. Haha! Ang epic talaga ng mukha ni Dale kanina! XD"

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon