Confusing 2

23 1 0
                                    


Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng pagbasag ng bote sa baba.

Dali dali akong bumaba upang tignan kung sino 'yon.

"KUYA!" Sigaw ko nang nabungaran ko syang nakahandusay at tila wala na sa sarili.

Tumakbo ako palapit sakanya, "Kuya! Ano nanaman ba yunh ginawa mo?" Inakay ko siya patayo pero sadyang mabigat siya kaya n. apatumba ulit siya.p

Nakita kong ngumisi siya habang nangingilid ang luha. "She left me.."

"Wha-what? Who?!"

"My secretary." Oh god! Who the hell is she? For god's sake! Ngayon lang nagkaganito si kuya at hindi ko ito maaatim.

"Kuya, get up."

Tinawanan niya lang ako. "Am I not worth loving?" sabi niya sa gitna ng paghikbi.

"No.. shh. Kuya, hindi bagay sayo. Please, let's sleep."

Namumungay ang mga mata ni kuya nang tingalain niya ako.

Hinawakan ko siya sa kamay patayo saka inalalayan paakyat sa kwarto niya.

Swear, hindi ko 'to papalagpasin. Hahanapin ko kung sino mang secretary nito ni kuya na nagpaiyak sakanya ng ganito. Ayoko siya nakikitang nagkakaganito. Hindi siya ganto. Buong buhay niya subsob siya sa trabaho. Hindi man kami nagkasama noong mga bata pa kami ay sobrang lapit na talaga namin sa isa't-isa.

"Who is she?" Turo sa akin nung batang lalaking bago pa lang sa paningin ko.

"She's your half sister, Crade."

Napanganga nalang ako sa biglaang pagbunyag ng daddy.

"What the fuck!" Sigaw nung lalaki.

"Watch your words, young man. She's still your sister. Treat her right."

"But dad! I don't want to!" sigaw niya saka umakyat pataas.

Bumaling sa akin si Dad. "Yngrid, you'll live here from now on. Sorry kung hindi ko man nasabi sayo kaagad na may kapatid ka. Nasa states kasi ang mom niya at doon sila nakatira. But I decided to get him and pag-aralin dito kasama mo. Its that okay with you?"

Wala akong naintindihan siguro dahil eight years old pa lang ako noong mga panahong 'yon pero tumango nalang ako.

Ngumiwi ako. "Baho mo na, kuya. Tulog ka na, bye." Akmang bubuksan ko na yung pintuan nang magsalita siya.

"Precious.." Husky ang boses niya. Nakahilig na siya ngayon sa dashboard ng kama.

Lumapit ako. "Why?"

"Hug me, please.."

Tumawa ako at niyakap siya sa ulo. Maya maya'y bumitiw na ako at nagpasya nang lumabas dahil nakatulog na pala siya.

***

"Yngrid."

Tinakpan ko nang unan ang mukha ko dahil sa inaantok pa ako. "Uhmm"

"Hey, wake up." Nanlaki ang mata ko at napaupo bigla nang mapagsino ko ang boses.

"OMG, Lewis? Why are you here?"

He chuckled, "Gusto ko lang magbreakfast with you." Umupo siya sa edge ng kama.

"May pasok ako today."

"Okay lang yan. Sige na naman. Busy na ako mamaya, oh."

Natawa ako kinurot siya sa cheeks. "Sige na. Shower muna ako."

"Alright. I'll wait you here."

"Hindi pwede. Lagot ka kay kuya. Baba ka muna."

"Oh yeah. Nasan pala kuya mo? I haven't seen him yet."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Confusing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon