"Yngrid.." Tawag ni kuya, kumakatok sa pinto.
"Teka lang, kuya. Eto na." Nagmadali na akong magsuot ng heels saka pinagbuksan si kuya ng pinto.
"Napakatagal mo talaga." Ginulo ni niya ang buhok, umirap ako.
Inayos ko kaunti ang kanyang necktie. "Haynako kuya! Ang laki mo na, ang gulo mo parin sa sarili mo." Binuksan ko uli ang pinto pagtapos, "Baba na kuya, wait for me there. Pakisabi kay Lewis, sorry sa paghihintay."
Sumeryoso bigla ang mukha niya.
"Aren't you excited to see him?"
Ngumiti ako, "Of course I am!"
Nananatiling lang siyang nakatayo habang nakapameywang at titig na titig sakin. "Kuya ang panget mo! Baba na." Nilapitan ko siya at hinila palabas. "Shoo!" Narinig ko nalang siyang tumawa.
After 10 minutes bumaba na rin ako at sinalubong ako ni Lewis ng yakap.
"I missed you." Bulong niya at kumalas sa pagkakayakap.
Napangiti ako sa sinabi niya. Buti nalang naman napagpasiyahan niyang umuwi ng maaga dahil kung hindi mababaliw na talaga ako kakaisip kung ano na talagang inaasikaso niya sa Australia. Mahigit dalawang linggo rin kaming nagkawalay dahil nagkaroon siya ng proposal sa business nila papa doon.
"I missed you too."
Tiningnan ko si Kuya Crade na busy sa pagpipindot ng kung ano ano sakanyang cellphone.
"Kuya, di kapa aalis?"
Humarap siya at tumingin sa kanyang wrist watch.
"Oh yeah. I have to go." Lumapit siya sakin sabay hinalikan ako sa noo. "And Lewis, don't forget her curfew. Bring her back home before 10pm."
Umirap ako. "Kuya naman-"
"Shut up, Precious. Basta sinabi ko." Bumaling siya kay Lewis, "Lewis?"
"Yeah yeah. Yngrid, lets go?"
Sabay sabay kaming lumabas ng bahay.
Aside from business partners sila ng parents ko, matagal na rin silang magkaibigan ni kuya. Madalas kasi bumisita si Lewis kay kuya dito sa bahay since iniiwan lang din si Lewis sakanyang yaya dahil puro mga negosyante ang pamilya nila at palagi itong busy kaya pumupunta siya sa bahay at nakikipaglaro kay kuya ng psp habang ako naglalaro mag-isa ng barbie dolls hanggang makatulog kaming tatlo. 15 years old sila noon habang 10 naman ako.
Noong una ayoko kay Lewis, una dahil malaki ang agwat namin para sa'kin at isapa, napakayabang niya. Pero he caught my attention nung aksidente kong natabig yung vase namin at nagkasugat ako sa kamay at paa. Nasa school pa lang si kuya noon sa school at naghihintay siya sa bahay non. Takot na takot ako dahil ayoko sa dugo. Takot ako makakita ng dugo.
"No.. Don't touch please.." Manginig nginig na sabi ko sa batang kaibigan ni kuya.
Di niya ako pinansin. Pinunit niya yung laylayan ng t-shirt niya at itinali sa kamay at paa kong nagdudugo.
"Shh. It's okay."
"Don't tell to kuya. He might get mad at me."
Bigla siyang tumawa, "It's okay." At bigla niya akong niyakap.
"We're here." Bumalik ako sa ulirat nang magsalita siya.
"We-wait? Bat dito?"
"May kukunin lang ako sa condo ko. C'mon." Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ako.
Hinawakan niya yung kamay ko pagpasok ng elevator. "Yngrid.." Tumingin siya sakin,
"Hm?" Napatingin na din ako.
"Magwa-one year na tayo."
Oh snap! "Oh yes." Napaisip ako. "Gaad. Next week nanga yun."
Magsasalita sana siya nang tumunog na ang elevator at lumabas na kami.
Nauna ako pumasok at pabagsak akong humiga sa kama niya. "Ugh! Saan kaya tayo pwede magcelebrate, kasabay din non birthday mo." Tumawa ako.
Hinubad niya ang tshirt niya. Di naman ako nabigla dahil sanay na ako sa panay na paghubad hubad niya sa harap ko. Those abs. Ugh!
Marahan siyang lumakad papunta sa akin at unti unting humigil sa akin. Kinuha niya yung magkabilang kamay ko at nilagay sa gilid habang hawak hawak niya.
"Uh uh, what are you doing Lewis?" Tinabingi ko ang ulo ko.
Hinalikan niya ako sa noo, "What if gawin na natin?" hinalikan niya ulit ako ng dahan dahan sa gilid ng labi na para bang nang-aakit.
Nanlaki ang mga mata ko "W-what?! No!" Pinilit ko siyang itulak palayo ngunit masyado siyang malakas. "Stop! This is not funny!" Sigaw ko.
Humagalpak siya ng tawa saka tumayo. "Masyado kang matatakutin. Just kidding." Saka hinila ako patayo. "You were teasing me, Yngrid. Stop being sexy while laying on my bed." Humalakhak ulit siya kaya binato ko na ng unan.
"Ewan ko sayo!"
BINABASA MO ANG
Confusing Love
General Fiction"I am really.." sigh "really confused.. and, I don't know what to do anymore."