Prologue

10 3 2
                                    

||Ashley||

Nandito kami ngayon sa coffee shop ng mama at papa ni Kylie—bestfriend ko.

Kakatayo lang daw ng shop nila last month kaya konti pa lang ang customers. At, isa na kami ni Gaile do'n. Si Gaile rin pala ay bestfriend ko. Sila ni Kylie lang ang pinaka-close sa'kin. Kaya lagi kaming bati n'yan.

"Good morning, customers! How can I help you?" Bati ni Kylie nang lumapit kami sa counter.

"Grabe! Galing ni Kylie! Turuan mo rin kami!" Sabi ni Gaile habang pumapalakpak pa.

"Syempre, tuturuan ko kayo. Kase, tinanong ko kay mama at papa kung pwede ba kayo magtrabaho dito." Paliwanag ni Kylie.

"So? Ano nang sabi ni Tita at ni Tito?" Tanong ko kay Kylie. Pero binigyan n'ya lang ako ng nakakalokong ngiti.

Pumunta naman s'ya doon sa likod ng counter. "Anong meron? Parang may binabalak si Kylie, ah." Ani Gaile. Ako naman ay napataas na lang ng kilay.

Maya-maya ay lumabas na si Kylie at may dala-dala na parang nakatuping damit. Iniladlad n'ya 'yon, at,

"Congrats!! May kasama na akong makakatrabaho!" Sigaw ni Kylie nang ipakita sa amin 'yung magiging uniform namin ni Gaile.

Kaming dalawa naman ni Gaile ay napatili na lang sa sobrang gulat. First time kaya naming magkatrabaho. Tsaka para maka-ipon na rin ako ng sarili kong pera. Wala na kasi sila mama at papa. Nakatira kami sa isang apartment nila Abby at Kylie. Ayoko namang umasa na lang sa perang ibibigay nila sa'kin.

Bukas ay matatapos na ang bakasyon kaya sinusulit na lang namin 'yung huling araw ng pahinga namin.

"By the way, meron ang good news at bad news para sa inyo." Singit ni Kylie.

"Geh. Doon ako sa good news." Sabi ko at agad namang huminga nang malalim si Kylie.

"The good news is, ita-transfer ka ni mama sa Silver High!"

Pagkatapos magsalita ni Kylie ay agad akong napanganga at nanlaki ang mata. Nanigas din ako. Totoo ba 'yung narinig ko? Silver High? Ita-transfer ako? Nang mama ni Kylie?

"Hoy, Ash? Okay ka lang?" Tanong ni Gaile. Ako naman ay napatili at napatalon na lang.

"Totoo ba 'yung narinig ko? Mata-transfer ako sa Silver High?!" Tanong ko at napatango na lang si Kylie.

"Ano nga pala 'yung bad news?" Tanong ko at natawa naman si Kylie.

"Joke lang 'yon! Wala namang bad news, eh. Pina-intense ko lang 'yung pangyayari. Hahaha." Aniya habang patuloy na tumatawa. Ayon, nabatukan ko.

"Ay, sandali, dagdag nga pala sa good news, anytime pwede daw kayo mag-start na magtrabaho!" Pagkatapos 'yan sabihin ni Kylie, ayon, napatalon at napatili na naman kami. Pero nakaka-excite talaga kasi anytime pwede daw kami magstart na magtrabaho.

"Pwede bang ngayon na magsimula?" Tanong ko. "Oo naman, Reign!" Sagot ni Kylie at ibinigay sa amin ni Gaile. 'yung magiging uniform namin. OMG!

Maya-maya pa, habang inaayos namin 'yung counter ay may dumating na customers.

"Good morning, Ma'am, Sir! How can I help you?" Tanong ko sa dalawang customers na nasa counter. Mukhang couple sila.

"Isang Mocha at isang Capuccino." Mabilis ko itong isinulat sa papel na hawak ko at nagmadali. Si Gaile muna doon sa counter.

Matapos kong gawin 'yung kape, ay naglakad na ako papunta doon sa table na inuupuan nila. Pagkalapag ko nung kape ay pabalik na sana ako sa counter. Kaso, pagkatalikod ko ay may nabangga akong lalaki.

"Ah!"

Hate To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon