||Ashley||
"Huy, Ashley, okay ka lang?" Napa-iling naman ako nang magsalita si Kylie. Napansin siguro na tulala ako.
"O-Okay lang naman ako. Medyo... kinakabahan lang, hehe." Alanganin kong sagot. Napahinga tuloy ako nang malalim.
Natatakot ako baka makilala ako nung Ken na 'yun!!!
"Ahem. Anyway, class. Today, you have a new classmate." Pagpapaliwanag ni Ma'am. Tinapik naman ako ni Gaile at tumayo ako. Nang makalapit na ako ay nakita ko 'yung I.D n'ya.
Ma'am Adelle
"Hija, introduce yourself." Sabi ni Ma'am Adelle. Ako naman ay huminga nang malalim.
"H-H-Hi! My name is Reign Ashley Santos, you can call me as Ash. N-Nice to meet you." Bahagya akong ngumiti pagkatapos kong magpakilala.
Tiningnan ko silang lahat, nakatitig lang sila sa akin at walang ekspresyon. Mahiyain pa naman ako! Ang ayoko sa lahat ay nasa akin ang atensyon ng lahat ng tao.
Pero may isang tao na hindi nakatingin sa'kin—'Yung lalaking nabunggo ko kahapon. Tiningnan ko s'ya pero agad ding napa-iwas dahil napatingin s'ya sa'kin. Napakagat-labi tuloy ako.
"You may now sit down so we can start our lesson."
Pagkabalik ko sa upuan ko ay napa-inom agad ako ng tubig. Gagi! Nakakahiya talaga 'yon, promise! Napatingin s'ya sa'kin? Ugh! Inhale, exhale, inhale, exhale. Para tuloy akong timang dito.
"Huy, Ash, kalma lang. Nandito lang kami, oh." Sabi ni Kylie at medyo kumalma naman ako.
Huminga ulit ako nang malalim bago makinig sa lesson ni Ma'am Adelle.
***
Pagkatapos ng klase ay nauna na akong lumabas. Sabi nila 'yung canteen daw ay medyo malapit lang. Hanapin ko lang daw 'yung malaking lugar na may mga makakainan.
Pero pagkarating ko doon ay parang hindi naman canteen 'yung napuntahan ko. Parang food court na 'to, ah! Bukod sa malawak, marami ring table at mga pwedeng kainan. Parang mga restaurant 'yung nakapaligid dito. Kulang na lang 'yung Mang Inasal at Jollibee! Joke.
Pumunta ako doon sa parang dimsum stall at tiningnan 'yung menu nila. Pangalan pa lang ng pagkain, pang-mayaman na! Pork flavored soup at juice lang 'yung binili ko. Kais 55 pesos lang 'yon, eh. 'Di ko kaya afford 'yung marami at mahal na pagkain. 500 nga lang dala ko sa wallet ko, eh.
Pumunta naman ako doon sa isang stall. Nagbebenta naman ng kanin at ulam. I chose adobo ang 2 scoops of rice. Maliitang 'yung scoop, ah. That only costs 40 pesos. Bale 55+40=95. Oh, diba! Ganyan ako kagaling sa Math.
Nag-ikot naman ako sa paligid para maghanap ng table dahil karamihan ay na-occupied na nung ibang estudyante.
Napili ko 'yung malapit doon sa pasukan ng food court or canteen–basta! Pinili ko 'yung malapit sa pasukan para kita agad ako nila Kylie.
Maya-maya pa ay dumating na sila.
"'Sup! Sorry natagalan kami!" Sigaw ni Kylie pagkalapit sa table na inuupuan ko.
"Tara kain na tayo–oh wait." Napatigil si Gaile sa pagsasalita. Binigyan n'ya ako kaagad ng suspenseful na itsura. Nakigaya na rin si Kylie.
"Oh, anong meron?" Tanong ko habang nakataas ang kilay. Anong problema ng mga 'to?
"OMG, Ashley..."
"L-Lumipat na lang tayo ng ibang table. Please...?"
Confused ko silang tiningnan. "Bakit naman? Anong problema? Parang may problema, eh." Tanong ko sa kanila.
"Bhie! Lipat na tayo ng table–"
"What are you doing in our table?"
Napatigil si Kylie sa pagsasalita nang may magsalita na lalaki sa gilid namin. May kasama s'yang dalawang lalaki. They look familiar. Really familiar.
"U-Uh, sorry. H-Hindi kasi alam ng kaibigan ko, eh. Sorry, hehe." Pilit na pagso-sorry ni Kylie. Nani? Anong meron? Nung narinig ko 'yung pangalang 'Ken'... Naalala ko kaagad na popular s'ya, and... baka sa kanila 'tong table na 'to...?
"Then just leave." Sabi naman nung isa sa kanila. Sigurado akong si Sam 'yung nagsalita kanina. Kasi kamukha nung tinuro ni Kylie kanina, eh.
"W-W-What? Leave? Ang dami namang ibang table d'yan, a'. Ba't 'di kayo 'yung umalis– MMMM!" Agad na tinakpan ni Gaile 'yung bibig ko.
"Uhm, sorry, ah. Aalis na kami. Tara, ASH!" Ani Kylie at agad akong hinatak papunta sa ibang table. Hawak ko pa naman 'yung tray ko. Baka matapon 'yung pagkain!
Bago ko malagpasan si Ken, narinig ko s'yang bumulong,
"May atraso ka sa'ken. 'Wag mo nang dagdagan."