Chapter 1

6 2 2
                                    

||Ashley||

"Kylieeee!" Sigaw ko habang napapahikbi na lang.

"Ano ka ba, Ash. Okay na 'yung nangyari kahapon. Just forget it." Ani Kylie habang tinatapik 'yung balikat ko.

Mas lalo ko tuloy naaalala 'yung nangyari kahapon.

Flashback

"Ah!"

Sigaw ko nang mapa-upo ako sa sahig. Sa lakas ng impact nang pagkakabunggo ko ay sumakit 'yung ulo ko.

"Shit!" Sigaw nung lalakeng nabunggo ko. Mabilis s'yang napatayo at tiningnan 'yung damit n'ya.

Nagulat ako kasi punong-puno ng kape 'yung damit n'ya. Mukha pa namang mamahalin 'yung suot n'ya. Para akong nanigas sa kahihiyan.

Tumakbo 'yung lalaki papunta doon sa CR. Naalala ko 'yung itsura n'ya. Matangos ilong, medyo matangkad (medyo lang, ah), may black hair at may kaunting buhok na nakaladlad sa mukha n'ya— In short, ang gwapo n'ya.

Nabalik ako sa pag-iisip nang pumunta sa'kin si Gaile at Kylie para tulungan ako tumayo.

"Sorry po, sorry po." Sabi ni Gaile at naglakad na kami papunta sa restroom para makapagpalit ako ng uniform.

End of Flashback

Grabe talaga 'yung nangyari kahapon! Parang ayaw ko nang bumalik sa coffee shop nila Kylie!

"Kumalma ka na nga lang. At isa pa, first day mo ngayon sa Silver High! Baka ma-late ka, kaya kumain ka na lang d'yan." Sabi naman ni Gaile.

Totoo nga naman. Baka ma-late ako sa unang araw ko sa Silver High. Doon kasi nag-aaral si Gaile at Kylie. Isa ang Silver High sa pinaka-popular na highschool dito sa Pilipinas.

Nandito nga pala kami sa apartment na tinitirhan namin. Malapit lang 'to doon sa coffee shop nila Kylie.

Pagkatapos kong kumain, pumunta na ako sa CR para maligo. Pagkatapos kong maligo ay binigay sa'kin ni Kylie 'yung magiging uniform ko. May white blouse na may light blue ribbon at may light blue palda. Isinuot ko na rin 'yung black rubber shoes na ibinigay sa'kin ni mama bago s'ya mamatay. Kinuha ko naman 'yung yellow bag ko na may cat design para ayusin 'yung mga gamit ko doon. Bilang isang 4th year highschool student, kailangan maging independent na ako.

Matapos kong magbihis ay tumingin ako sa whole-body na salamin namin. Syempre, nagsuklay ako ng buhok, nag-pulbos sa mukha at naglagay ng lipbalm.

And there! Ready na ako. Sila Kylie at Gaile naman ay nasa labas na. Hinihintay na lang ako.

"Oh, Ash. Ready ka na?" Tanong ni Abby. Binigyan ko naman s'ya ng matamis na ngiti at tumango.

"Sandali. Magco-commute ba tayo?" Tanong ko. "Haha, baliw ka talaga. Ihahatid tayo ni Daddy." Sagot ni Kylie.

Makalipas ang ilang minuto ay may dumating na itim na kotse at tumigil sa harapan namin.

"Kylie, Gaile, Ashley, sakay na dito." Aya ni Tito at binuksan 'yung pinto ng kotse.

Aba! First time kong makasakay ng kotse. Naka-air conditioner pa dito. Ang lamig! Ang sosyal naman!

Pinaandar ma ni Tito 'yung kotse. Tumingin naman ako sa bintana para tingnan 'yung mga buildings na nadadaanan namin. Kinuha ko naman 'yung bag ko para kunin 'yung cellphone ko.

"Nandito na tayo." Sabi ni Tito at tumigil naman 'yung kotse. Kinuha ko ba 'yung bag ko at isinukbit sa balikat ko.

"Bye, Dad!" Kumaway si Kylie kay Tito. Kumaway na rin kami ni Gaile para magpa-alam.

Pagkabukas ng gate ay bumungad sa akin ang malaki at malawak na espasyo. Makikita mo agad 'yung school building dito mula sa gate! Ang ganda! Malaki na, maganda pa 'yung design! May mga halaman at fountain sa gitna. Hindi ko tuloy maiwasan na manlaki ang mata ko.

"Tara na. Punta na tayo sa classroom." Aya ni Kylie at naglakad na kami papunta sa magiging classroom ko.

Nang malapit na kami sa classroom ay nauna nang pumasok si Kylie at si Gaile.

Nang makapasok na ako ay agad kong nakita 'yung magaganda at gwapong mga estudyante sa loob. Sa sobrang sikat ng school na 'to, halos lahat ng estudyante ay mayayaman. Except talaga sa'kin.

Hindi ko namalayan na Section A pala ako.

Saktong pagkapasok ko ay nagbulungan agad 'yung mga estudyante.

"Who is she? I haven't seen her here before."

"Same."

"Maybe a new student here or something."

"Hah. New student? Mukhang hindi naman mayaman."

Sa huling nagsalita ay medyo na saktan ako. Totoo nga naman. Hindi ako mayaman. Normal lang ko.

Umupo na lang ako doon sa bakanteng upuan sa gitna nila Abby at Kylie. 

"'Wag mo na silang pansinin. Gano'n talaga ang ugali ng karamihan ng estudyante diti kapag may new student." Bulong ni Kylie at natawa na lang. Naghintay na lang kami sa pagdating ng teacher. Ako naman ay napapatakip na lang ng tainga dahil sa ingay nung mga nagkukuwentuhan na estudyante.

"Good morning, class." Bati nung babaeng pumasok sa classroom. Teacher siguro namin.

"Today, you have a new classm–"

Napatigil si Ma'am nang may pumasok na tatlong lalaki at isang babae.

"Mr. Valmoria, Mr. Guttierez and Mr. Lucero. You're late again." Mahabang sabi ni Ma'am habang itinuturo isa-isa 'yung apat na estudyante doon sa pinto.

Hindi nila pinansin 'yung sinabi ni Ma'am at umupo na lang sa seats nila.

"Sila nga pala, mga kinatatakutan ng Silver High kasi mga popular at mayayaman sila." Bulong ni Abby

"Ken Astro Valmoria—The most popular among them. Sam Guttierez— Palaging may kaaway. Xian Lucero—Tahimik pero popular." Bulong naman ni Kylie. Natawa silang dalawa.

"Ms. Gaile Gonzales and Ms. Kylie Salvador, are you listening?" Natahimik naman silang dalawa nang mapagsabihan ni Ma'am.

Pero nung tiningnan ko 'yung isang lalake, parang medyo pamilyar s'ya sa'kin. Matangos 'yung ilong, medyo matangkad, may black at may kaunting buhok na nakaladlad sa mukha n'ya.

O...M...G. God, don't tell me na kaklase ko 'yung nabangga ko kahapon?!

Hate To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon