Kinaumagahan, akala ko ay panaginip lang ang nangyari kagabi. Akala ko ay hindi yun totoo. Pero paglabas ko nang kwarto at nang makita ko ang unan at ang dalawang kumot ay do'n ko napagtanto na hindi pala panaginip ang nangyari kagabi.
Nasa kusina siya, prenteng nakaupo sa silya at umiinom nang kape habang may ginagawa sa cellphone niya. Pag-angat niya nang tingin ay binati niya agad ako.
"Hi. Good morning."
Bumati din ako sa kanya pabalik. Hindi pala yun panaginip. Akala ko ay nakaalis na siya. Inaasahan ko na uuwi agad siya. Pero nandito pa rin siya sa apartment ko at nagluto pa ng almusal.
"I already cooked our breakfast. I'm just waiting for you to wake up. I don't know what's your favorite food so I cooked anything I knew."
"Hindi ka na sana nag-abala pa. Akala ko ay nakaalis ka na."
Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Magagawa ko ba yun kung narito na ako sa puder mo? Also, this is my first day as your one and only suitor. I would like to impress you. So heto, I cooked for you. Sorry kung madami."
Kumuha siya ng spaghetti at linagay sa plato ko. First time kung mag-almusal ng spaghetti, tuwing birthday lang ako nagluluto ng ganito o di kaya ay pasok o bagong taon. Yung iba ay wala akong stock dito sa apartment ko. Mabuti at nakabili na ako ng ref, hindi yun kasing laki ng sa kanya sa penthouse niya at may oven din ako. Kaya siguro ay ginawa din siyang waffle.
Kumain kaming dalawa. Hindi na ako tinubuan ng hiya dahil hindi ito ang unang beses na kumain kaming dalawa.
Ni minsan ay hindi pinaradam sakin ni Phoebian na pobre akong tao. Palagi siyang gumagawa ng paraan para maging komportable ako sa kanya. Natigil ako sa pagkain.
"Why? What's wrong darlin'? Hindi mo ba gusto?" Alala niyang tanong.
"Sorry, may iniisip lang ako."
Mas lalong kumapit ang pag-alala sa kanyang gwapong mukha.
"May problema ba? Tell me. You don't like me here?" Agad niyang pagconclude.
"Naiinsekyur ka ba kay Hiro kaya mo ako nililigawan?" Tanong ko.
Nagtagpo ang kanyang dalawang kilay.
"Of course not! Why would I feel insecure over that boy? I won't feel insecure because I'm me, Phoebian Santini and I will be your boyfriend. It'd be shame on me if I feel insecure. Siya dapat ang mainsecure sakin dahil sa akin ka nagpapaligaw."
Mapait akong ngumiti. So yun ba? Parang nainsulto ako sa sinabi niya. Na siya ang pinili ko. Hindi pa ako pumayag na manligaw siya sakin.
"Alam mo, wala akong sinabi na ligawan mo ako. Hindi pa ako pumapayag Phoebian. Yung huli mong sinabi, hindi ko nagustuhan. Ibig mo bang sabihin ay ikaw ang pinili ko dahil mayaman ka? Dahil ikaw si Phoebian Santini?"
Napaawang ang kanyang labi. Huhulihin na sana niya ang kamay ko pero huli na dahil binawi ko yun agad. Tumayo ako at ganun din siya. Mas mabilis siyang kumilos kaysa sakin. Nahuli niya agad ang aking kamay at sinakop ng kanyang braso ang aking katawan. Nakayakap na siya sa likod ko.
"Oh my God, I'm sorry sweetheart. I didn't mean to say it. It's not what you think. I meant to court you because I like you. The moment I saw you in that convenience store, you made me change my mind to stay here in our country. It's because of you baby. I'm sorry." Pumapaypay ang kanyang mainit na hininga sa tenga ko.
Sobrang dikit ng kanyang katawan sakin. Ramdam ko ang matigas niyang tiyan. Hinawakan ko ang braso niya para matanggal, mas hinigpitan lang niya ang hawak.
BINABASA MO ANG
Phoebian (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at makabili ng kanyang pangangailangan. Isa siyang clerk sa isang convenience store. Masuwerte siya dahil tinangga...