🎓 NYMFA

35 4 0
                                    

Sa kanyang kilos, ayos, at pananalita; mababakas na taglay niya ang mga katangian ng isang matatag, ngunit may matigas na kalooban.

Sa edad pa lamang niyang twenty seven noon ay taglay na niya ang pambihirang tapang sa kanyang paninindigan.

May makapal na salamin na napakataas ng grado ang ginagamit niya sa kanyang matapang na mga mata, nakapusod ang mahaba niyang buhok, at ang kapansin-pansing istilo ng kanyang pananamit na laging pormal.

Tinanong ko ang aking sarili kung bakit ganito ang aking mga nabuong salita upang mailarawan ko si Nymfa.

Hayaan mong ibahagi ko ang buhay niya sa mga pahina ng aking libro.

_____

Second year College noon ang labing pitong taong gulang na si Nymfa, nang mapilitang huminto sa kanyang pag-aaral sa kursong Business Management

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Second year College noon ang labing pitong taong gulang na si Nymfa, nang mapilitang huminto sa kanyang pag-aaral sa kursong Business Management.

Sa hindi inaasahan na pangyayari noon, isang trahedya ang sumubok sa kanyang pagkatao at katatagan. Magkasamang naaksidente ang kanyang mga magulang na nagtratrabaho sa gitnang silangan. Nasawi ang kanyang Ama, nakaligtas man ang kanyang Ina, ngunit, naging paralitiko naman ito at nanatili na lamang sa upuang de-gulong.

Dumating sa puntong naubos ang lahat ng mga naipundar ng kanyang magulang sa patuloy na gamutan ng kanyang Ina.

Makalipas ang dalawang taon--pumanaw ang Ina ni Nymfa.

Naiwan ang isang mahalagang responsibilidad na nakadagan sa kanyang mga balikat na dapat niyang pag-ingatan.

Naging hamon ang mga sunod-sunod na pagsubok kay Nymfa. Imbes na sumuko, tinatagan niya ang kanyang sarili, naging matibay at positibo sa kanyang mga plano sa buhay.

Nagsikap si Nymfa na maisaayos ang lahat. Nagtrabaho siya sa edad na nineteen, bilang kahera sa tindahan ng mga libro.

Dahil sa ipinamalas na dedikasyon sa trabaho, nagpasya ang pamunuan ng kanyang pinaglilingkuran na tapusin niya ang kanyang pag-aaral, habang siya ay naglilingkod.

Nang makapagtapos--umangat ang posisyon ni Nymfa: naging supervisor, at nang lumaon naging manager sa matatag na kompanyang nagtiwala sa kanyang kakayahan.

Matagal ko ng kasama si Nymfa.

Si Nymfa na hindi ngumingiti, mainitin ang ulo, at laging pagalit kong magsalita.

Nang nasa ikaanim na baitang ako ng Elementarya, hindi niya ako pinapayagan na makipaglaro sa ibang mga bata. Bagkus puro aralin sa eskwelahan ang pinagkakaabalahan namin dito sa apat na sulok ng kabahayang ito.

Si Nymfa ang aking istrikto, at mabagsik na guro.

Pagsinusuway ko ang mga utos ni Nymfa, pinapalo niya ako ng pamatpat sa aking mga palad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ORASA AT PLUMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon