CHAPTER ONE
"Ano ba, Lyan! Kailan mo ba balak na mag tino? Sa ginawa mo ay alam mo bang ipinakick out ka na naman sa eskwelahan?" sermon sa'kin ni Mama. Mag tino? Matino naman ako ha? Ano bang tingin sa'kin ni mama? Praning? Baliw na?
Tsk. Alam kong na-kicked out ako. Ano namang pakielam ko?
Bakit nga ba ako na-kicked out? Anong dahilan? Ahh! Sinapak ko nga pala yung kaklase ko. Oo, nanapak ako. Yung kaklase ko kasi na iyon ay nakakainis. Sukat ba namang pag usapan ako patalikod? Gumawa siya ng kwento ukol sa'kin, siniraan niya ako sa iba edi sinira ko mukha niya bilang kapalit.
Sino ba naman kasi ang matutuwa na pag-usapan ng negatibo?
I sighed, "Kung nahihirapan na kayong mag hanap nang mag hanap pa ng eskwelahang papasukan ko edi wag niyo nalang akong pag-aralin" sagot ko. Oh diba? Problem solved. Ayoko na din naman kasing mag-aral. Nakaka-tamad at sobrang nakakaboring.
"Naririnig mo ba yang mga pinagsasasabi mo, Lyan!?" inis pang sigaw sa'kin ni mama. She sighed out of frustration, "Wala na kong magagawa kundi ang ipasok ka sa Slamirine"
Slamirine?
Teka,
"Sa pagkakaalam ko, iyon yung eskwelahang pinaka inaayawan niyo? Bakit bigla yatang nag desisyon kayo na doon ako papasukin? Anong dahilan?" tanong ko. Parang ka-edaran ko lang ang kinakausap ko, right? Well, it's because I hate saying po and opo.
Walang respeto? Okay fine. I don't care. Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin wala akong paki-elam. Basta wag niyo lang ipaparinig sa akin yang paninirang sasabihin niyo dahil baka bigla nalang lumipad itong kamao ko papunta sa mukha mo. Hindi ko matansa.
..and yes. Ayaw nga ni mama na doon ako pag-aralin sa eskwelahang iyon. Simply because, iniisip niya na baka once na pumasok ako sa eskwelahang iyon ay mas lalo lang akong maging barumbado.
It's a school for delinquents. Anong inaasahan niya? Magiging matino ako doon?
"Ako at ang papa mo ay pupunta sa Canada for business. We will stay there for more than 5 months" sagot ni Mama. I just nod my head. More than 5 months? Okay.
I get the point. Ipapasok nila ako sa Slamirine dahil hindi na nila ako mababantayan for months at kapag sa normal school nila ako ipinasok at na-kicked out na naman ay wala nang mag aasikaso para sa walang kasawaang pag t-transfer ko? Tch.
Ayos lang. Mas gusto ko ang ideyang ito dahil sa pagkakataong to, wala ng mangingialam pa sa mga gusto kong gawin.
"Bukas ang simula ng pasok mo sa Slamirine at bukas na din ang alis namin dito sa Pilipinas. Iiwan namin sayo itong bahay" what the? Bukas agad?
I rolled my eyes and act like it doesn't matter, "Okay fine, "Whatever"
***
BINABASA MO ANG
Slamirine High : School of Delinquents
ActionPara sa tuloy-tuloy na pagbabasa; please do visit @vampxrain