CHAPTER FOUR
JENO'S POINT OF VIEW
Jeno nga pala. Nickname ko lang yan. Ang buong pangalan ko talaga ay Jeffrey Novien. JE sa Jeffrey at NO naman sa Novien. Walang problema kung anong gusto niyong itawag sa'kin. Pwedeng Jeff, Je, Rey, Novien o kaya gwapo nalang. Mas pabor sa'kin ang gwapo. Wahaha!
Nandito kaming lima ngayon sa bahay na abandunado na. Dito kami madalas tumambay. Ayon kay Warren this is DB's property so malaya kaming pumunta dito kahit kailan pa namin gustuhin.
"Warren!" may itatanong ako sa kanya kaya ko siya tinawag. Tumingin siya sa'kin at yung tingin niya na ito ay akala mo pader lang akong nilingon niya.
"Anong pangalan nung babae kanina? Hindi ba't siya din yung babaeng kasama mong mahulog sa puno kahapon?" nakalimutan ko kasing itanong sa babae kanina ang pangalan niya.
"Shorty" maikling sagot ni Warren. Pagka-sagot niya ay inalis niya ang tingin sakin. Shorty? Shorty talaga? Hahaha. Ang cute!
"Hindi nga? Shorty talaga?" paninigurado ko. Tumango siya kaya tumango nalang din ako. Shorty? Hahaha. Ang cute talaga! Kung anong kinacute ng pangalan niya ganoon din ang kinacute niya. Ang cute cute niya!
JETY, bagay diba? Unang kita ko pa lang kasi kay Shorty ay naging crush ko na siya. Mag mula nung makita ko siya ay hindi na mawala ang larawan ng kaniyang mukha sa aking isipan.
Ito na yata ang sinasabi nilang.. love at first sight.
"Tara na" aya saming apat ni Warren. Tumayo na ko mula sa pagkakaupo, unang lumabas si Warren tapos sumunod ako at ang tatlo pa. Dumaan muna kami sa likod ng abandunadong bahay na ito, doon kasi naka park ang mga motor namin. Nakiki-namin lang ako pero wala talaga akong motor. Silang apat lang. Hindi kasi ako marunong mag drive. Ilang beses na kong nag take para magkaroon ng license pero sa dami no'n palagi akong bagsak!
At dahil wala akong motor na ginagamit, nakikisakay lang ako kay Mir.
LHIYANNA'S POINT OF VIEW
Sasakyan ni Jennifer ang gagamitin namin papuntang Blackder. Nandito na ko sa tapat ng 7-Eleven at kasama ko ngayon si Rachel. Mas nauna siyang dumating sa'kin. At ngayon, hinihintay nalang namin na dumating si Jennifer.
This is the reason why I always want to be late. Ayoko ng pinaghihintay ako.
Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas, dumating na din ang bruha. "Bakit hindi ka nagsama ng driver?" tanong ko.
"Wala lang. Tara, sakay na kayo." sumakay na nga kami gaya ng sabi niya.
Wala pang isang oras ay nakarating na kami sa Blackder. Pinark lang ni Jennifer ang sasakyan niya tapos bumaba na kami. Pagkababa ko, nakita ko ang dami ng taong pumapasok sa loob. Mukhang madami silang audience ngayong taon.
BINABASA MO ANG
Slamirine High : School of Delinquents
AcciónPara sa tuloy-tuloy na pagbabasa; please do visit @vampxrain