CHAPTER THREE
LHIYANNA'S POINT OF VIEW.
Tumakbo ako papunta sa pwesto ng lalaking nambato sa'kin ng papel. Paglapit ko sa kanya ay agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Kasabay ng paglapit ko ay itinulak ko siya para ihulog mula dito sa itaas.
"Sht" I cursed. Pag tulak ko kasi sa kanya ay mabilis niya kong hinablot. Inakbayan niya ako't isinama sa pag hulog. Dahil sa ginawa niya ay pareho kaming bumagsak. Siya ang nasa ibaba at ako ang nasa ibabaw. Ibig sabihin, siya ang mas napuruhan.
"Pinoy henyo tayo!"
"Sige! Ikaw ang mang hula. May naisip na ko!"
"Oh game?"
"Game!"
"Tao? Bagay? Hayop? "
"Hindi!"
"Pagkain?"
"Oo."
"Kinakain ko?"
"Malay ko sayo."
"Nasa bahay kubo?"
"Oo! Oo!"
"Ah! Bahay?"
"Hindi!"
"Kung hindi bahay. Hmm—ah! Alam ko na. Kubo!"
"Tangin—.." napalingon ako sa gawing kanan nung makarinig ako ng paguusap mula dito. Sa paglingon ko ay nakita ko ang apat na lalaki na paparating. Yung dalawang nagdadaldalan kanina ay napatigil.
"Tanginaanotoliveporn? Shet" mabilis na pagkakasambit nung isa.
"Camera dali!"
"Gago. Ang dumi ng utak niyo! Hoy ano? Tatayo lang ba kayo diyan ha? Kung tulungan niyo kaya ako dito?" sigaw nung lalaking naibabawan ko ng katawan. Dali akong tumayo at tumakbo palayo. May nabangga pa ko sa apat na lalaking dumating dahil sa pagmamadali.
Nang matanaw ko si Jennifer mula sa hindi kalayuan ay doon ako napatigil sa pag takbo, "Oh Lyan? Anong nangyari sayo? Akala ko ba hindi ka bababa?" agad na tanong nito sa'kin, "Teka, wag mong sabihing napa away ka? Tignan mo yung kamay mo oh, grabe yung gasgas! Anyare?"
"Hindi ako napa away.."
"Weh? Ano yang gasgas sa kamay mo? Saan mo nakuha yan? Wag mong sabihing bigla lang nagasgasan yang kamay mo nang wala ka namang ginagawa? Ano yun magic?"
BINABASA MO ANG
Slamirine High : School of Delinquents
ActionPara sa tuloy-tuloy na pagbabasa; please do visit @vampxrain