SAMANTHA'S POV
"Nay! Papasok na po ako!" Sigaw ko nang matapos ako sa pag-aayos sa sarili.
"Oh heto Nak, pasensya ka na ha. Yan lang ang kita ko kahapon sa paglalabada. Yong kalahati kasi niyan ay ipinang-bili ko nang pagkain natin kagabi." Pinunasan ko ang pawis na tumulo sa pisngi ni nanay at saka ito niyakap.
"Nay, anukaba! Itabi mo nalang po ito, May tira pa naman po ako dito galing d'on sa suweldo ko noong nakaraan. At saka meron pa naman po akong itinabi galing doon sa ibinigay ni mayor sa aking allowance noong isang buwan. Kasya na po 'yon sa akin." Lambing ko kay inay at saka kinuha ko ang kamay niya at doon ini-abot ang isang daan na ibinigay niya sa akin kanina.
Malungkot niya akong tinignan, Ngumiti ako ng pagkalaki-laki sa kaniya at saka nakaisip ng paraan para hindi na siya malungkot.
"Hayaan niyo nay, kapag nakuha ko na ulit ang suweldo ko bukas…kakain tayo sa labas sa linggo. Libre ko nay!"
"Ikaw talagang bata ka! Hindi ko hilig ang ganiyan, mas mabuti pang ipunin mo nalang yang mga suweldo mo at kapag nakaipon ka na, ibili mo ng mga gusto mo. Ang mahalaga lang naman sa inay mo ay yong nakikita kitang masaya."
"Nay, mahalaga din naman po sa akin yong nakikita kitang masaya at saka ano ba naman yong ilibre kita kahit isang beses manlang." Isinabit ko ang braso ko sa braso ni nanay at saka ko inihilig ang ulo ko sa balikat niya. Napangiti ako ng haplusin ni inay ang pisngi ko na dati niyang ginagawa sa akin kapag inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya.
"Oh sya! Hala! Lumarga ka na at baka ma-late ka pa sa klase mo. Mag-iingat ka sa paglabas mo, Samantha. Anak." Inalis ko ang braso ko sa braso ni nanay at saka ako humarap sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi bago ako lumabas ng bahay.
Tatlong kanto lang ang layo ng bahay namin sa pinapasukan kong school kaya nilalakad ko lang ito, nang sa gayundin ay makatipid ako sa pamasahe.
Huminga ako ng malalim bago ako lumakad papasok sa gate. Ramdam ko ang mga nandidiring titig ng mga nakakasalubong ko habang naglalakad ako pero wala lang sa akin yon. Hindi ko na pinapansin ang mga nandidiring tingin at bulong-bulungan nila tungkol sa akin dahil sanay na naman ako sa mga patutsada nila.
Dalawang taon na akong nag-aaral sa school na ito at ipinagpapasalamat ko sa panginoon na nakatagal ako ng dalawang taon dito. Dalawampung schoolar ni Mayor ang pumasok sa paaralang ito pero dalawa nalang kaming natitira ng bestfriend ko dahil sa hindi nakayanan ng iba ang pambu-bully sa amin dito.
Hangga't maaari ay iniiwasan naming masangkot ng kaibigan ko sa gulo at kung maaari ay habang nasa malayo pa lamang kami at nakita na namin ang mga mahilig mambully ay agad na kaming umiiwas. Mahirap kasing kalabanin sila kaya kung mahirap ka ay dapat hindi ka tatanga-tanga sa harap nila. Kapag nakagawa ka ng isang mali sa harap nila, tiyak na buong school year mong mararanasan ang kalbaryong dinanas ng mga nagdrop-out sa school na ito.
"SAMMMMYYYYY!!" Malayo-layo pa ako sa classroom ko ay agad kong narinig ang tili ng kaibigan ko ng makita niya ako. Kinawayan ko lang siya at saka ko tinakbo ang pagitan naming dalawa.
"Naks! Hindi ka late ngayon ah, nagbabago ka na ba? Masama sayo yan!" Biro ko nang makalapit ako sa kaniya.
Kinuha niya ang bag ko't inakbayan at saka kami naglakad papuntang 4th floor ng building kung saan nandoon ang classroom namin.
"Gaga! Habang nags-scroll kasi ako sa FB kagabi, biglang nag notif sakin yong page ng school! And Guess what?!" Excited niyang sabi.
"Hay naku! Wala akong panahon para hulaan yang sinasabi mo."
