Prologue

19 0 0
                                    

"I was so drunk that time, hindi ko naman iyon gusto at mas lalong hindi kita gusto dahil bakla nga ako. It was a big mistake, you're my biggest mistake."

'' Faye, wake up!' bigla naman akong napamulat dahil sa paggising sa akin, napapanaginipan ko nanaman siya hayst. " Bad nightmare again? or siya nanaman ang napanaginipan mo?" napatango na lang ako sa tanong ni Yano.

"Siya nanaman, Yano." palagi naman.

"Hayst, kelan pa nga bang hindi. Bangon kana hinihintay kana ng mga poka dun sa baba, tutulungan pa ba kita?" agad ko naman siyang inirapan. "Sabi ko nga hehe" tinulungan niya naman akong bumangon kaagad, lumabas naman siya ng kuwarto dahil mag-aayos pa ako. Siyam buwan na akong buntis at bilang na nga ang aking araw dahil binabantayan na nga lang kung kelan lalabas ang dalawang lalake kong anak. Anim buwan na ngang nawawala si Cai, ang ama ng kambal ko.

Pagkababa ko agad talagang bumungad sa akin ang ingay nilang lahat.

"Faye!! imissyouuuuuu" bungad sa akin ni Libi na ikinangiti ko. Ewan ko ba sa gaga na to, 3 months nawala dahil gusto makapag-isip ng maayos. "Miss mo din ba ako?"

"Oo naman gaga, 3 months kang nawala hindi mo talaga naabutan ang gender reveal bigla biglaang umalis. Kagigil uy."

Bigla naman akong nakaramdam ng pagkirot at pagkaihi na para bang sasabog na ang puwertahan ko.

"Manganganak na yata ako"

"Okay lang yan te. Wait, what?! Gago manganganak na si Faye!!!"

Agad silang natarantang lahat, agad na pumunta si Ori sa itaas para kunin ang mga gamit ko sumunod sa kaniya si Adie, inalalayan naman ako ni Libi at Yano palabas.

"Ante, inhale exhale lang. Kalmahan natin." sabi ni Yano

Nasa garahe na kami nang nakalabas na sila Ori, inalalayan naman nila akong apat para makapasok sa kotse. Parang diko na talaga kakayanin.

"Parang diko na talaga kaya, parang lalabas na siya"

"Omg, wag dito Faye konting tiis please" sabi ni Ori

"Yano bilis pls, di na kakayanin ng inhale exhale to ni Faye"


Stun me (ferociousfivetheseries01)Where stories live. Discover now