Chapter 10: Sex Slave

1.5K 21 5
                                    

Chapter 10.

Kai.

Not me anymore. Hindi na ako yung mahal. Kinalimutan na ko. Wala na lang ako sa paningin niya. Sarap tuloy magpabangga para madaling makalimot. Amnesia agad. Memory loss.

Kapag nabangga ka talagang makakalimutan mo yung tao. As in wala na talaga sa memory mo. Ang saya di ba? HAHAHA! Mas maganda sana yung tuloy sa libingan na.

Ouch. Sakit. Pighati.

Para fair di ba? Para hindi lang ako yung nasasaktan.  Tapos kapag nabangga ako babalik ang memories niya at siya naman itong masasaktan! HAHAHA! Putanginang buhay to.

"I am lucky right? Like omg! Ugh!" ito na lang ang narinig ko sa boses niya habang nakahawak parin sa balikat ko.

Nginitian ko na lang siya at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. Nakakairita.

Bumalik ako sa table namin at nagtatawanan silang dalawa.

"Ano? Nakaavail ka na? Tagal mo naman. Mahaba ba ang pila?" tanong ni Clariss.

"Ah oo. Kasama ko si Irene magkakasama tayo sa bangka pero masama pakiramdam ko e kaya kayo na lang muna." saad ko at naupo.

"Ha? Ayos ka pa kanina ah. Anong nararamdaman mo?"

"Are you okay? What happened? Are you even sick?"

"Masama lang talaga pakiramdam ko. Gusto ko lang munang magpahinga." saad ko sa kanila at parang hindi kuntento sa sagot ko si Clariss.

"Okay but let me bring you in your room." saad ni Spade pero pinigilan siya nito.

"Ako na bahala kay Kyline tapos puntahan mo na lang muna sila Irene. Check mo yung mga food." saad ni Clariss at tumango naman si Spade.

Nung umalis si Spade ay tinadtad ako ng tanong ni bal.

"Ano ba talagang nangyari? Alam kong hindi ka naman magkakaganyan. Anong ginawa ni Irene sayo?"

"I think two-zero na." saad ko saka tumawa.

"Ha? Bakit?"

"They had sex."

"And? Anong point mo? Anong masama don? Normal lang naman yon sa magjowa kaya nga may nangyari din sainyo ni Spade di ba?" saad niya which is tama naman pero nasasaktan ako.

Nakarating na kami sa room at doon ako napaiyak. Masyado na talagang masakit. Paulit-ulit na lang. Hindi na ko natuto.

"Teka, mahal mo pa ba? Ha?" tanong niya sakin habang hawak ang magkabilang balikat ko.

Iyak ang naging sagot ko. "Omygod! Tapos nakipagsex ka kay Spade?! Kyline! Nag-iisip ka ba?!" gigil na wika niya.

"And that is my biggest mistake. I have to do it cause I'm jealous. Selos na selos ako nung gabing nakita natin sila. I used Spade to divert my anger and jealousy." saad ko. Naiinis ako sa sarili ko

"Jealous? E magdalawang buwan na nga kayong magjowa di ba? Anong pagseselosan mo? Don't tell me..." humahangos na wika niya.

"Yes. I used him simula pa lang pero alam naman niya yon dahil siya ang nakaisip pero nung aalis siya papuntang France akala niya totoo na ang lahat." napahagulhol na ako ng iyak. Napakasakit mawalan ng minamahal tapos baka mamaya mawalan pa ko ng kaibigan. "Yes, I love him but as a friend. Nothing more, nothing less."

Sinampal ako ni Clariss na laking ikinagulat ko pero tama lang na ginawa niya iyon. Gusto ko na ring magising sa katotohanan. Gusto ko ng matigil ang pagiging martyr ng sarili ko. Ayoko na. Pagod na ko.

Operation: Give Him PleasureWhere stories live. Discover now