Chapter 4

20 0 0
                                    

Si Natalie pala yung nasa multimedia

Zoe's POV

Weekend ngayon. Walang pasok. Kaya nagkaaya kaming pumunta ng mall ngayon. Kaso hindi kasama sila Camille at Sxiemny. Si Camille nagrereview para sa contest. Tutok na tutok nga eh. Wala ngang ibang sinabi kundi "Tatalunin ko ang unggoy na yun." Yan lang ang lagi nyang sinasabi. Ewan ko ba!

Si Sxiemny? Ayun! Tamad. Lagi naman tamad yun. Magmula ng naghiwalay sila, nawalan na sya ng gana. Ewan ko din ba dun!

"So, saan tayo?" tanung ni Shella sa akin

"Tara sa Quantum. Gusto kong maglaro eh." sabi naman ni Natalie

Dumiretso kami sa Quantum.

Si Natalie, naglaro ng basketball. Si Shella naman naglaro lang ng pump. Lumapit naman ako kay Nats.

"Ano? Game tayo?" Paghahamon ko kay Natalie.

"Game!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Aaminin kong magaling si Natalie dito pero magaling din naman ako.

Naglaro lang kami ni Nats at shoot lang ng shoot.

At sa huli, si Nats ang nanalo.

"Yes! I won!" Halatang masaya ang bruha eh

"Oo na. Teka lang, punta lang ako ng CR ha?"

I went to CR. Nag-ayos lang ako.

"Perfect! You look beautiful again Zoe." sabi ko habang nakaharap sa salamin.

Oo! Kinakausap ko ngayon ang sarili ko. Bakit ba? Wala naman tao eh.

Pabalik na ako ng may biglang umakbay sa akin

"AD? What are you doing here?" Yes. Si Allan Dale Buenavista lang naman po ang umakbay sa akin.

"Sshh! Quiet ka lang. May sumusunod sa akin. Nakakainis!" sabi nya

"Anong kalokohan na naman ito ha?"

"There you are baby!" may biglang sumulpot na babae na parang kabute. Grabe naman manamit ang babaeng 'to. Masyadong kinulang sa tela ang damit. Hindi ba sya nalalamigan? Jusko!

"Look Agnes, I already told you that I have a girlfriend. And I'm with her today."

Bigla naman akong napalingon kay AD. Gago 'to ah! Gagamitin na naman ba nya ako?

Bigla ko naman syang siniko sa tiyan. Ngumiti naman ako dun sa babae.

"Sya? Ha! Ganyan na ba ang taste mo ngayon ha Dale?" Aba! Sinasabi ba ng babae na 'to na low quality ako?

I raised my eyebrow on her.

"Excuse me miss! Who are you? And don't flirt with my boyfriend. Nagmumukha kang desperada jan sa ginagawa mo. We're happy! So get lost! Let's go babe!" sabi ko at hinigit si AD. At yung babae? Natulala. Tss! Buti nga sa kanya

Bigla naman akong niyakap ni AD.

"Galing mo talaga Zoe! The best ka talaga kahit kailan!"

Tinulak ko naman si AD.

"Eww! Chupi! Lumayo ka nga. Nakakadiri ka! At ikaw! Kelan ka ba titino? Nambabae ka na naman. At ano? Ginamit mo na naman ako? Ay ewan ko sayo AD!"

At iniwan ko sya. Hinabol naman nya ako.

"Grabe ka naman Zoe. Alam mo naman na ikaw lang ang nag-iisang Zoe ng buhay ko eh."

Alam mo naman na ikaw lang ang nag-iisang Zoe ng buhay ko eh.

Alam mo naman na ikaw lang ang nag-iisang Zoe ng buhay ko eh.

Alam mo naman na ikaw lang ang nag-iisang Zoe ng buhay ko eh.

Sydney UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon