Chapter 2

15 0 0
                                    

Shella's POV

"So now, as you can see nandito ang other boys na magi-stay dito. Because magsasama na ang boys and girls sa isang klase." sabi ng teacher namin.

Akala ko ba naman makakakain na ako. Kasi tapos na syang mag-discuss, tapos meron pa pala. Hays!

Nakakapagtaka lang kung bakit nila ito ginawa. Dati kasi magkahiwalay ang boys at girls. Kaya nga nagulat kaming lahat kasi pagsasamahin na kami.

Tinawag na ng teacher yung mga babaeng magi-stay pa rin sa room na 'to. Samantalang yung mga hindi natawag eh sa mga ibang classrooms.

"Yehey! Magkakasama pa rin tayo." masayang sabi ni Natalie.

And yes, tama nga sya. Magkakasama pa rin kaming lima. Napangiti na lang kami.

Tinawag na rin ng teacher yung mga boys. Sino kaya ang makakatabi ko? Ang arrangements kasi eh bali 10 seats every row. Pero hinati sa limang column. Bale tig-dadalawa. Gets nyo?

"Carlo Villarosa. Maupo ka sa tabi ni Ms.Yu." sabi ng teacher.

So, si Carlo pala ang makakatabi ko. Hm, not bad na rin. Kilala ko si Carlo. Isa sya sa mga popular at pinaka-gwapo "daw" sa school. Pero hindi ko alam ang ugali nito. Hindi naman kasi kami close eh.

"Kurt Kaizer Ong. Maupo ka sa tabi ni Ms.White." Emegesh! Makakatabi ni Natalie yungg crush nya.

And yes, crush nga ni Natalie si Kurt. Matagal na rin silang magkakilala. Dahil since elementary eh schoolmates sila. Sikat din si Kurt. Kaibigan din sya ni Carlo. Gwapo din syempre. Magkakagusto ba si Natalie sa kanya, kung hindi sya gwapo? Ahaha

Nakita ko naman na nag-bro fist sila ni Kurt at Carlo. Napatingin naman ako kay Natalie. Gosh! Namumula sya. Ahaha! Kung makikita lang nya ang pagmumukha nya. Pffft!

"Codie Jay Smith. Sa tabi ka ni Ms.Sarmiento umupo."

Bigla na lang naibuga ni Natalie yung iniinom nyang tubig.

"Kadiri ka naman. Ang baboy mo!" sabi sa kanya nito ni Kurt.

Tinignan lang sya ng masama ni Natalie.

Nagkatinginan naman kaming apat nila Zoe, Cams at Nats.

Tumingin kami ng Sxie. Wala syang expression. Hay! Good thing kaya na magkatabi sila?

Nakipag-bro fist naman si Codie kay Kurt. Kaibigan nya din kasi si Kurt pati si Carlo.

"Mr.Allan Dale Buenavista. Sa tabi ka ni Ms.Lee uupo."

Bago pa makaupo si Dale eh binatukan agad sya ni Zoe. Ahaha! Nakakatuwa talaga ang dalawang 'to.

"Oy! Ba't mo ko binatukan?" Inis naman na sabi ni Dale.

"Asan na yung journal ko?" Tanung ni Zoe.

"Mamaya na. Aish! Bakit ba sa dinami-dami ng makakatabi ko eh ikaw pa." Reklamo ni Dale.

Nakakuha na naman sya ng batok mula kay Zoe.

"Masakit na ha!" Sabi ni Dale.

"Kayo talaga. Quiet na okay?" Sabi ng teacher namin.

"And of course Mr.Karl Chua, sa tabi ka ni Ms.Castro uupo."

Nagulat naman si Cams.

"What?! No Ma'am. Iba na lang po pwede? Ayoko po sa lalaking yan." Reklamo ni Cams.

Matalik nya kasing kaaway si Karl. Ewan ko ba sa kanila. Para silang aso't pusa.

"No Ms.Castro. He will sit beside you. No buts and no complain. Class dismissed."

"Ang arte mo naman babae ka. As if naman na gusto kitang makatabi." Sabi ni Karl sa kanya

"Whatever!" sabi ni Cams.

Sxie's POV

Ang malas naman ng buhay ko. Sa dinami-dami ba naman ng pwede kong makatabi, eh si Codie pa. Tsk! Gago yun.

"So Sxie, is it okay with you na makatabi si Codie?" tanung ni Shella.

"Anong klaseng tanong yan? Tss!" sabi ko.

Okay naman na ako. Wala naman na akong magagawa eh. Kung si Codie na talaga ang makakatabi ko, eh di sya na!

"Pero ang swerte mo Nats ha? Akalain mo yun, katabi mo crush mo. Kyaaaah!" OA naman 'tong bruhang 'to. Mas kinikilig pa yata sya kay Nats eh.

"OA lang Zoe? Mas kinikilig pa kaysa sa akin? Well, If I know kaya ka kinikilig kasi katabi mo si Dale. Ayieh!"

Naibuga naman ni Zoe ang tubig na iniinom nya. Seryoso? Uso ba yan? Una, si Nats. Tapos sya naman ngayon.

"Kilabutan ka nga Nats. What are you trying to say? Na gusto ko ang mokong na yun? Tss! Never in his wildest dream." Umirap pa ang bruha.

" Buti pa kayo, happy. Eh kamusta naman ako? Ang malas malas ko. Isang pangit at mayabang ang nakatabi ko." Pagrereklamo ni Camille.

Napatigil kami. At napatingin sa likod nya.

"Oh ba't kayo nakatingin? Totoo naman kasi eh. Pwede naman kahit si Codie na lang ang makatabi ko. Basta wag lang ang pangit na yun."

"Ahm, Cams?" sabi ni Nats

"What? Ang yabang nya. Akala nya siguro matatalo nya ako sa pagiging top 1. Hah! No way!"

"Try mo kayang tumingin sa likod?" sabi ko. Ayaw kasing sabihin ng mga 'to eh.

Camille's POV

Ang lungkot ko ngayon at bwesit na bwesit. Paanu kasi, yung pangit na mayabang ang nakatabi ko. Tsk!

"Buti pa kayo, happy. Eh kamusta naman ako? Ang malas malas ko. Isang pangit at mayabang ang nakatabi ko." sabi ko.

Napatigil naman sila at nakatitig sa akin. Okay.... May dumi ba ako sa mukha?

"Oh ba't kayo nakatingin? Totoo naman kasi eh. Pwede naman kahit si Codie na lang ang makatabi ko. Basta wag lang ang pangit na yun."

"Ahm, Cams?" sabi ni Nats.

"What? Ang yabang nya. Akala nya siguro matatalo nya ako sa pagiging top 1. Hah! No way!"

"Try mo kayang tumingin sa likod?" sabi ni Sxie.

Tumingin naman ako at nakita ko si...

"Pangit? Mayabang? Hindi matatalo sa pagiging top 1 ha?" sabi nito at nag-smirk pa.

Tumayo naman ako at humarap.

"Oo. Pangit ka at mayabang. At hindi mo talaga ako matatalo sa pagiging top 1. Tandaan mo yan Mr.Karl Chua!" matapang na sabi ko sa kanya. Hah! Akala nya magpapatalo ako. No way!

"Well, let's see." sabi nito at nag-wink pa. Ha! Hindi nya bagay. At umalis sya.

"Hoy! Hindi mo bagay mag-wink. Kaya magtigil ka!" Sigaw ko sa kanya. Wala akong paki kung maraming tao sa cafeteria. Mainit ang dugo ko.

Umupo naman na ako.

"Grabe talaga ang away nyo noh?" usisa nitong si Shella at kumain ng fries.

"I hate him so much!" panggigigil ko.

"Alam mo, the more you hate, the more you love." Yuck! Hindi ba kinikilabutan 'tong si Nats.

"Eww! I will never love him!"

"Si Nats, parang ewan." sabi naman ni Zoe.

"Kasi naman. Look at me, I hate Kurt but I love him." Napa-rolled eyes na lang ako.

Hinding-hindi ako magpapatalo sa Karl na yun. Mark my words!

Sydney UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon