Chapter 3

20 0 0
                                    

Karl's POV

Lakas naman ng loob ng buto-butong yun na pagsabihan ako ng ganun. Pero kahit anong gawin nya, hindi nya ako matatalo.

"Grabe galit sayo ni Cams noh?" sabi nitong si Dale habang kumakain ng fries. Nandito kasi kami ngayon sa tambayan namin. Sa may likod.

"Ganun mo ba sya kakilala ah?" tanung ko.

"Magmula ng bata pa."

"Buti napag-tiyagaan mo ugali nun." sabi ko naman

"Mabait naman si Cams. Mahilig syang mag-aral at magbasa. Ewan ko nga ba kung bakit galit na galit yun sayo." Bigla naman syang tumingin sa akin.

Napahiga ako sa damuhan.

"Kasi hindi naman talaga sya mabait. Hindi nyo pa kasi nakikita yung side nya. Tss! Si Camille Castro? Mabait? That's impossible dude!" Nakatingin naman ako sa mga ulap

"Eh ikaw Codie?"

Bigla naman kaming napatingin kay Codie. Alam namin ang past nya. At alam din namin na may past sila ni Sxiemny.

"Oh bakit ako?"

"Anung bakit ikaw! Katabi mo kaya si Sxie."

Oo nga. Imposible naman na walang magiging reaksyon 'tong mokong na ito.

"Katabi ko nga. Anong problema dun?"

Bigla naman syanh binato ni Kurt ng bottled water.

"Hoy! Ba't mo ko binato ha?" Sigaw nito kay Kurt.

Dapat lang naman sayo na mabato ka. Nagmamaang-maangan ka pa kasi.

"Pa-inosente ka kasi alam mo yun? Ang gusto lang naman kasi naming malaman eh kung okay na kayo ni Sxiemny. Ni hindi nga man lang kayo nag-reklamo."

Tama si Kurt. Halata naman bitter si Sxiemny kay Codie. At halata din na hindi pa sya nakaka-move on sa kanya.

"Okay kami. Okay din sa amin na magkatabi kami." sabi lang nito.

"Nasan nga pala si Carlo?" Tanung ni Dale.

Oo nga. Nasan na ang gagong yun?

"Malamang kasama nya si Shella ngayon." Sabi ni Codie

Mabilis talagang kumilos ang gagong yun ah.

Shella's POV

"ANO BA! SABI NG ITO NA LANG EH! MAS MAGANDA KASI ITO!"

"PANGIT YANG PINK! MASYADONG PAMBABAE! ITO NA LANG. MAS MAGANDA ITO!"

"ANONG YAN? PANGIT YAN! HAIST!"

"BAKIT BA AYAW MO NITO? ANG GANDA NGA EH!"

"RED? EH DI SANA PINK NA LANG!"

"MASYADO NGANG PAMBABAE YANG PINK NA YAN! BA'T BA ANG KULIT MO?!"

"BAHALA KA!"

Then I walked out. Tss! Kahit kelan talaga! Buset yung lalaking yun. Nakikipag-sigawan ba naman din?

Oo! Nagsisigawan kami kanina ni Carlo. Tama! Si Carlo lang naman yung nakasigawan ko kanina. Bwesit talaga sya.

Na-assign kasi kaming dalawa ng adviser namin na kami ang mag-ayos ng room. At wala pa kaming nauumpisahan. Sa color pa nga lang ng cover ng table eh hindi na kami magkasundo. Paanu pa kaya sa iba? Nagpunta na lang ako sa cafeteria to check If nandun ang girls. And yes! Nandun nga sila.

"Hey She!" Bati sa akin ni Natalie.

Umupo lang ako at inagae yung iniinom nya

"That's my drink. What's the problem?"

"Nakakainis kasi si Carlo. Nakipag-sigawan ba naman sa akin kanina. Tsaka hindi kami nagkakasundo sa mga gagawin sa room." sabi ko

"Paging Ms.Camille Castro and Mr.Karl Chua. Paging Ms.Camille Castro and Mr.Karl Chua. Please proceed to the Principal's office now! Thank you." sabi ng speaker

"Ugh! I hate this!" Inis na sabi ni Cams at umalis na

"You know what, ba't hindi nyo na lang paghatian yung room? I mean bigyan mo sya ng part na aayusin nya at dapat hindi ka makikialam ganun din sya. Para di kayo magtalo." sabi ni Zoe

Tama sya!

"You're so genius Zoe!" Then I hugged her.

"Small thing." sabi naman nito. At napatawa kami except for Sxiemny. As usual.

Camille's POV

"WHAT?! No way Ma'am!" sabi ko

"Tss! Ang arte." sabi ng katapat ko kaya tiningnan ko sya ng masama

"Shut up!" sabi ko

"Ma'am, may mas iba pang magaling kaysa sa kanya. Palitan nyo na lang sya." I said

"Oy babaeng buto-buto! Sinasabi mo jan ha! Ako ang pinaka-magaling sa klase." Tss! Over confident at unggoy na ito ha.

"Wow! Pinaka-magaling? Nababaliw ka na yata? Look Ma'am, he's crazy. He need to go to the Mental hospital now." I said to the Principal

"Crazy? Mental hospital? Eh ikaw nga yung baliw at dapat ilagay sa mental eh." sabi nya. Inirapan ko na lang sya

"Ms.Castro and Mr.Chua, kayo ang napiling pair kasi kayo ang may pinaka-mataas na grade. So, kelangan nyong magtulungan for the contest. You need to review because the contest will be held next 2 weeks." sabi ng Principal

"But Ma'am---"

"No buts and complain. You may now leave."

At umalis nga ako na badtrip. Ugh! I can't believe this na magiging partner ko ang unggoy na ito. So, bago ko pa sya maging partner eh sinabunutan ko sya, sinuntok, sinakal at pinatay. Tsaka itinapon sa likod ng school. Pero syempre joke lang. Hindi ko kayang gawin yun. Sa isip ko lang naman ginagawa.

"Oh ano? Tapos mo na ba akong patayin jan sa isip mo?" Oh my! Mind reader ba sya?

"Whatever!" sabi ko tsaka umalis

"Magreview kang mabuti ha? At magpataba ka na rin. Mukha ka ng walis tingting eh." sigaw nya.

Arrrggh! I HATE HIM! I HATE YOU KARL CHUA! YOU WILL REALLY GO TO HELL!!!!!

Sydney UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon