Chapter 17

6K 137 1
                                    

Dumaan ang limang buwan na nasanay sa pagiging segurista. Magmula nung 'niligawan' ako ni Phoebian ay parang nahawa na ako. Lahat ng bagay ay kailangan maging segurista ka. Yun na ako ngayon. Sa limang buwan na panliligaw sa akin ni Phoebian ay walang may nakakaalam. Tanging kaming dalawa lang ang may alam nun.

May kasunduan kami na huwag mo ng ipagsabi sa kahit sino yung tungkol sa amin. Lalo na at hindi ko pa naman siya sinasagot para maging opisyal na boyfriend ko siya.

Limang buwan. Ganun katagal na siyang nagiging pasensyoso sa akin. Wala naman siyang magagawa kung hindi ko pa siya sinasagot. Yung pag-aaral ko pa kasi ang inaatupag ko. Yun ang main goal ko. Hindi kasama ang pagkakaroon ng boyfriend. At syempre hindi naman ako nagiging bias sa kanya. Dati si Hiro ang sinabihan ko na hindi muna ako nagpapaligaw, although nagpaligaw ako kay Phoebian, hindi ko naman siya sinasagot pa. So nagiging fair naman ako sa ibang lalaki na dumadaan sakin.

Malalim akong humugot ng hininga. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin na kaharap ko. Ito na yun. Yung pinakahihintay kong araw. Araw ng graduation namin ngayon. Akala ko ay hindi na ako makakapagsuot ng itim na graduation gown.

Sinuklay ko pa ng isang beses ang buhok ko. Nagpagupit ako ng buhok kaya hindi siya mahirap suklayin. Nasa balikat ko nalang ang haba. Mas okay yung ganito, hindi mainit sa pakiramdam.

Naglagay na rin ako ng makeup. Pagkatapos ng thesis namin ay nagsimula na akong maglagay ng skin routine sa mukha. Hindi pa rin ako sanay na maglagay ng makeup pero okay na yung skin care para maging natural tignan ang mukha. May suot akong light makeup para sa araw na'to.

Isang suklay pa ang ginawa ko. Hindi ko pina-rebond yung buhok ko dahil gastos lang yun. Okay naman ang buhok ko. Hindi siya makapal at hindi rin manipis. Sakto lang atsaka kapag nirebond ko ay pakiramdam ko ay ninipis ito. L'Oreal naman ang gamit ko sa buhok ko. Mahal pero sulit dahil gumaganda ang buhok ko. Sinablay ko ang sling bag ko sa aking balikat at tumayo na. Nilock ko ang kwarto ko at iniwan ito.

Nasa baba na sina itay. Kahapon lang sila dumating galing probinsya pero uuwi din sila bukas-bukas din dahil kailangan pa nilang asikasuhin yung sakahan nila. Mamaya naman ay sa Manila sila uuwi do'n sa bahay namin dahil hindi sila magkakasya dito. Do'n sila natulog kagabi. Kahit gusto ko na dito lang sila matulog, hindi rin talaga kami magkakasya. Sila palang ay hindi na magkakasya sa sala. Medyo maluwag nga ang apartment ko kaysa sa bahay namin pero may isa pang kwarto do'n. Hinayaan ko nalang sila sa gusto nila.

"Tay, Tiyang, alis na po tayo." Sabi ko sa kanila.

Hindi kasama yung kapatid ko para dumalo sa graduation ko dahil may kailangan silang tapusin sa eskwelahan. Finals na rin nila at kailangan nila na ayusin yung mga projects nila. Di bale, bibilhan ko nalang siya ng bagong sapatos at shirts para hindi siya magtampo sakin.

Mabilis kaming nakapunta sa university namin despite sa trapiko sa kalsada. Advance din kasi kami ng oras dahil nga sa traffic. Sa auditorium na kami pumasok agad nina itay at tiyang. Nagkahiwalay lang kami dahil umupo na ako sa assigned seat namin. Ang daming nakahinga ng malalim dahil sa wakas, graduate na. Yung iba sa amin ay may plano agad sa pagtrabaho. Yung iba ay tambay lang muna, bakasyon. Nais ni tatay na magbakasyon muna ako pero ayaw ko.

Kapag magbakasyon ako ay baka mahuli na ako sa mga job offers diyan. Hindi ako pwedeng magpahuli. Lalo na at marami ngayon ang nangangailangan ng trabaho.

Hindi ako mapakali lalo pa't kailangan ko talaga. Hindi ko pwedeng ipagliban yun dahil kapag wala akong mahanap... baka maistambay lang ako.

Ayokong umasa sa sinabi ni Phoebian na tutulungan niya ako na makapasok sa kompanya niya. Alam ko na may standards siya. Ayaw ko na bumaba ang standards niya sa mga emplayado niya dahil sa akin.

Phoebian (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon