Chapter 2.

78 1 0
                                    

“Ano ba to, lagot na naman ako kay Ms. Olivares. Kasi naman itong isang prof ko ang daming binigay na assignments, kaya madaling araw na naman ako nakatulog.” 3-11 kasi ang shift ko kaya pagkadating ko ng boarding house tsaka pa ako makakagawa ng assignments.

*BOOOOOOOOOOOOOOOOGS*

“Aray!!! Ano ba…” sabi ko sa naka bangga sa akin. Nalaglag pa lahat na books na bitbit ko. Isa-isa kong pinulot pero tinulungan niya naman ako. Pero nagulat na lang ako ng inabot niya sa akin ang libro ko. Oh no! My one and only loves. Hahahaha. Charot lang.

“Sorry miss…” napatigil siya sa sasabihin at tinitigan lang ako. “Ikaw… ikaw nga. Diba classmates tayo?”

“Uhm – O – o!” sagot ko. Nauutal pa kasi naman parang may mga kiti-kiti sa tiyan ko.

“Wala tayong class sa History, may seminar kasi si Ms. Olivares. But may binigay siyang project for us.”

“Project?”

“Yup. Individual or partners. Kung ano gusto mo.” Sagot niya sa akin. Bakit nakangiti to. Puteeek. Baka bigla akong maglaho sa harapan nito.

“Ah ganun ba? Sige, check ko na lang sa office niya. Thank you.” Nahihiya kong sabi sa kanya.

“Uhm – no need! I mean… kung ok lang sayo, I can let you copy my notes.” He’s still smiling.

“TALAGA?” napasigaw ako. OA much lang. Pero kayo ba naman yayain ng taong mahal mo – echos :D

“Ok lang ba sayo? Baka busy ka.” siyempre pa demure effect ang lola mo.

“Ofcourse. So saan mo gusto?”

“Gusto???” nagtataka kong tanong.

Natawa naman siya. “Gusto… canteen or doon sa pinagtatrabahuan mo?”

“NOOO! Wag dun.” Ayoko dun, for sure aasarin lang ako ng bestfriend ko. Dati na pag tayo na. Hahahahaha. “Sa canteen na lang.”

“Sige. Tara?”

“Pero teka, baka kasi makita tayo ng girlfriend mo, baka kung ano pa ang isipin niya. Ayoko mapatalsik ah. Madami pa akong pangarap sa buhay.”

“Ok lang, 10am pa class niya.” Tinignan niya relo niya. “8:30 pa lang naman.”

“Ah – o sige. Tara.” Mapilit ka eh. Choosy pa ba ako? Lols!

“Wait.” Pinigilan niya ako ulit. Chansing nato. “Uhm, di ko pa kasi alam kung ano name mo. Sorry, we’re classmates pero hindi kasi ako magaling sa mga name.”

“Kath.”

“I’m…”

“No need. I know your name na.” and then nauna na akong lumakad. Kaya sumunod na lang siya sa akin. Oh diba, taray lang :)

Dj’s POV.

“Teka lang ha. May bibilhin lang ako. Just continue what you’re doing. Ok?” sabi ko kay Kath. She’s still copying the notes sa History class namin. Bibili muna ako ng food. Halos 30 minutes na rin kaming magkasama dito sa canteen. Di pa kami masyado nakakapagkwentuhan kasi busy pa siya.

“Ah, oh sige.”

Umalis na ako at pumunta sa counter.

“Miss, dalawang orange juice and 2 bacon sandwich.” Sabi ko dun sa tindera.

“OK po sir.”

Pagkatapos kong magbayad bumalik na ako kaagad sa table namin ni Kath. Sakto naman at tapos na siyang kumopya.

“Are you done?”

“Yes, thank you dito. And sorry kung naabala kita.”

“No, it’s ok. Ito oh, bumili ako ng makakain natin.”

“Hala!!! Nakakahiya…”

“Why?”

“Kasi naka disturb na nga ako sayo, tapos binilhan mo pa ako niyan.”

Nakakaaliw talaga siya. “OK lang. Sige na. Kain na tayo.” I smiled.

Nag smile din siya. Oh, that smile. So sweet and innocent. God! What am I saying?

“Sige, para makabawi ako kung may kailangan ka – basta kaya ko, sabihin mo lang sa akin.”

“Are you sure?” tanong ko.

“Yes! Bakit ano ba yun?”

“Wala pa naman. Basta promise mo yan ha.”

“Promise.”

Nag start na kaming kumain. Ang daldal pala niya kapag walang ginagawa. Lahat yata na pwede naming pag-usapan eh nagpa-usapan na namin. Sobrang cute niya pang tumawa. Walang dull moments sa babaeng ito.

“Hindi ka ba nahihirapan, kasi nagtatrabaho ka, tapos nag-aaral ka pa.” tanong ko sa kanya. Sinabi niya kasi sa akin na dahil sa scholarship kaya nakapasok siya dito. Ang galing niya diba.

“Noong una, pero habang tumatagal nasasanay na din. Kailangan eh.” sabay kagat sa sandwich niya.

“Kung sa bagay. Everyday ba work mo dun?”

“Monday to Friday lang. Pero kung wala naman masyadong projects or assignments, nagtatrabaho ako kahit sa day off. Sayang din ang isang araw na kita.” Sabay tawa niya.

“Alam mo, masama din ang sobrang workaholic. Speaking of project, gusto mo tayo na lang partner. Para di ka masyado mahirapan.”

Natawa naman ako kasi muntik na niyang maibuga ang juice na ininom niya.

“Ha? Ano sabi mo ulit?”

“Kung ok lang sayo. Tayo partner.”

“Sure ka?”

“Sure!”

“Game. Partners?” tinaas niya ang kamay niya, tas nag apir kaming dalawa.

“PARTNERS.”

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Please Vote and Comment :) Thank you ^_^

Nasayo Na Ang Lahat [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon