Chapter 3.

73 2 1
                                    

Dj’s POV.

“Hon, wag mo na pala akong hintayin mamaya. May pupuntahan kasi ako.”

“Where?”

“Uhm – kasama ko si Mommy. Pinapasama niya ako sa kanya eh, di sinabi kung saan kami pupunta. Oo, ganun nga.”

I just look at her. Nandito kami ngayon sa isang restaurant sa harap ng school namin having our lunch together.

“Ok. I guess we’ll see each other na lang tomorrow?”

“Yup!”

After namin mag lunch ni Julia. Bumalik na kami sa loob ng school siya, dumiretso sa room niya and I did the same. Ewan ko ba doon, ayaw naman niyang magpahatid. Hindi na ako nagpumilit, ayaw niya kasi ng ganun.

“Hi… cute.” Bati ko kay Kath.

Napatingin naman siya sa akin.

“Cute? Ano akala mo sa akin, small monkey?”

“Hahahaha. No, bakit pag cute ba small monkey na agad, di ba pwedeng si Kathryn Bernardo muna?” napa smile naman siya sa sinabi ko.

“Nakz, pumimick-up line ka ah. Marunong ka din pala nun.” Natatawa niyang sabi.

“Oo naman, ano akala mo sa akin.”

“Eh wala sa mukha mo eh, wala sa ayos mo, tsaka yung mahilig sa mga pick-up lines yung mga jologs lang no!”

“Bakit? Ano ba masama sa mukha ko? Tsaka jologs kaya ako.”

“Weh? Di nga. Eh ang sososyal ng mga kaibigan mo eh.”

“Kilala mo mga friends ko? Uy, stalker ka no?”

“Eksyusme. Nakita ko lang kayo once, hindi ako stalker. Kapal mo.”

Natawa ako. Ang cute niya pag naaasar. Pero tama siya, minsan na lang din kami nagkikita ngayon, busy din kasi. Iba’t-ibang course kasi kinuha namin, kami lang ni Marco, bestfriend ko ang pareho, pero hindi kami same section kaya madalang na din magkita.

“Asus! Deny-deny pa. Alam ko naman matagal mo na akong gusto eh.” hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun. Kasi minsan akala niya natutulog ako, nakasuot kasi ako ng sunglasses, pero nahuli ko siya nakatitig lang sa akin.

“Gusto? Ako magkakagusto sayo? Aba… ang dami yatang hangin ang nalanghap mo today.” Naiinis niyang sagot sa akin.

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Kaya nagulat siya. “Sure?”

Hindi naman siya nakasagot kaagad. Parang nag stiif kasi yung buong katawan niya. Laftrip nga mukha niya eh.

“Uy, di makasagot. Totoo kasi.”

“Cheee! HINDI KITA GUSTO.”

Kath’s POV.

“Cheee! HINDI KITA GUSTO…” kasi MAHAL na kita. Pero siyempre hindi ko pwedeng sabihin sa kanya yan. Ano ako shunga, eh alam ko naman na may girlfriend yung tao and mas lalong alam ko din na NEVER as in NEVER niya akong magugustuhan.

Buti na lang at dumating na yung Prof namin kaya natigil na ang pangungulit niya.

BLAH! BLAH! BLAH!!!

Pagkatapos ng discussion, tumayo na ako kaagad. Baka kasi kulitin na naman ako ni Dj at kung ano pa ang masabi ko. Bahala siya sa buhay niya.

“Kath, hintayin mo ako.” Pigil sa akin ni Dj. Pero diretso lang ako sa paglakad. “Hoy, Kathryn, sorry na. Promise di na kita aasarin. “Kath, kausapin mo na ako.”

Nagpatuloy lang ako sa paglakad. Mabuti na lang at nauuna ako sa kanya, baka kasi makita niya itong ngiti ko na abot tenga. Feeling ko ang haba ng hair ko today, iwas lang baka maapangan niyo. ^_^

“Kath, hatid na kita.” Napatigil ako…

“Hatid?” humarap ako sa kanya. “Oh, sige, pasok ka dito sa CR ng girls.” Natatawa kong sabi.

“Sabi ko nga, dito na lang kita hihintayin sa labas.”

Pagkatapos kong mag CR.

“Asan na yun. Sabi niya hihintayin niya ako.” Ok, I just-batok-my-ownself. Sino ba naman ako para hintayin niya. Hello. Gumising ka Kathryn Chandria.

Naglalakad na ako papalabas ng school, ng parang may nakita akong nakaupo sa isang bench. Si Dj? Medyo lumapit pa ako. Si Dj nga. Pero ano ginagawa niya dito? Ganun ba ako katagal sa loob ng CR at napagod siya? Nilapitan ko na lang siya.

“Hoy, Dj.” Nakayuko kasi siya. “Sorry, kung pinaghintay kita, ok lang naman kahit di moko hintayin eh.” walang sagot. “Hoy Dj, ok ka lang ba?” hinawakan ko siya sa shoulder niya at inangat ang ulo niya. Parang nagulat naman siya nung nakita niya ako. “Ok ka lang ba? Kanina pa ako salita ng salita dito pero di ka sumasagot.”

“She CHEATED me.”

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Please VOTE and COMMENT :) Thank you ^_^

Sorry kung wala masyadong iabng characters. Ayoko kasi ng madami, kasi ang hirap gawan ng dialogue. Hahahaha :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nasayo Na Ang Lahat [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon