Huni ng mga ibon ang maririnig sa parte kung nasaan ako ngayon, maaga pa lang ay nandito na 'ko sa labas ng bahay namin para tumulong kay papa na maghanda ng mga gagamitin niya para sa bukid.
Nakikitanim lang din kami ng palay, wala pa kasi kaming pambili ng sariling lupa para sa bagay na 'yon, pero kahit na ganon ay maayos naman ang pagtatanim namin, mabait ang may ari ng lupa na si Ka Roman, kumpare kasi s'ya ni papa at kababata na rin.
"Andeng! halika dalhan mo 'ko ng tubig at wala pang tubig na nakalagay dito sa basket" wika n'ya.
"Sige po Pa" ani ko naman.
Pumasok ulit ako sa loob ng bahay namin para kumuha ng tubig ni Papa, yung malaki na ang kinuha ko dahil alam kong papainumin nya rin yung mga kasamahan n'ya doon kung sakali man na wala silang dalang tubig.
"Pa ito na po ang tubig" sabay abot sakanya.
"Salamat. O sya! Aalis na 'ko ha! Mamayang mga alas diez mag saing kana at mga alas onse e uuwi na ako para mag tanghalian, baka isama ko na din yung mga kasamahan ko, kaya medyo damihan mo ang saing ng kanin" ani nya.
"Sige pa, ingat ho" ani ko na nakangiti.
Tinanaw kong umalis si papa kasama ang kalabaw namin na pinangalanan kong 'Ru' 'yon ang pinangalan ko sakanya dahil nuong bata pa ako ay tuwing aatungal sya ay ginagaya ko at ruuuuuuu" ang palaging nabibigkas ko at hindi "mooooo", kaya naman iyon na lang ang ipinangalan ko sakaniya.
Pumasok na ko sa loob ng hindi ko na natanaw si papa, mag lilinis muna ako bago ako mag aral, sabado ngayon at wala akong pasok sa school, Senior High School na 'ko grade 12, ilang buwan na lang at magtatapos na, kaya todo kayod si papa para may maipanghanda para sa graduation ko, ang sabi ko naman sa kanya ayos lang na walang handa dahil wala din naman akong masyadong iimbitahan dahil hindi naman ganoon kadami ang kaibigan ko.
"Andeng!" rinig kong sigaw ng kung sino.
"Andeng andyan ka ba!?" ulit nya.
"Sue!" wika ko at lumabas sa loob ng bahay.
"Ay andeng buti naman andito ka!, May kwento ako!" sabay hagik-ik n'ya.
Si sue ay isa sa mga kaibigan ko dito sa bario namin, nung kabilang taon sila lumipat dito, naging malapit kami dahil na rin sa pagka kalog n'ya, ewan ko ba e magkabaliktad kami ng personalidad pero naging magkaibigan kami, siya na gusto ay laging maingay at kung ano ano pa at ako naman na gusto ng tahimik at payapa.
"Ano na naman yang i ku-kwento mo?" kung chismis na naman yan ng kung sino do bale na lang mag lilinis pa 'ko ng bahay.
" Ano ka ba, hindi naman to chismis totoo to! Alam mo ba nagkaroon na ng tao yung lumang mansyon ng Don doon sa kaparangan, tinanong ko kay mama kung dun ba sila titira ang sabi n'ya oo daw anak daw ng dating may ari ang titira doon, at alam mo ba sinilip namin sila ni mama at nakita ko! Sobrang gwapo ng anak na lalaki at sobrang ganda din nung anak na babae! Grabe parang ngang dyosa eh" wika n'ya habang may kinang sa mata at parang kinikilig pa.
"Ayan kana naman sa mga pantasya mo, at talagang pinuntahan n'yo pa ni tita lala ha!" Ani ko habang natatawa.
Di kalaunan ay pumasok na kami s aloob ng bahay ako na naglilinis at s'ya naman na nanood ng tv habang nag ku-kwento saakin.
Ng sumapit na ang alas diez ay nag saing na ako at nag luto ng ulam namin ni papa, at gaya ng sabi n'ya medyo dinamihan ko ang luto.
Biglang tumunog ang cellphone ko, tiningnan ko ito at nakita ko na may text si papa.
" 'Nak hindi ako makakauwi jan saatin, masyado akong napagod dito sa bukid, paki dala na lang dito sa bukid anak. " text ni papa.
Kaya naman bago pumunta sa bukid ay kumain muna ako at isinabay ko na rin si Sue, at ng sinabi ko na dadalhan ko ng tanghalian si papa at nagpresinta s'ya na sumama dahil madadaanan daw namin ang kaparangan at saktong tanaw daw duon ang lumang mansyon ng Don.
Ako ang nagdala ng kanin at si Sue naman ang nagdala ng ulam, nagpayong din kami dahil sobrang init ng paglalakad namin, habang naglalakad ay todo kwento pa rin sya ng kung ano-ano, at ako naman at nakikinig lang at tumatawa din kung minsan.
Makailang minuto ay makikita namin ang kaparangan at ang lumang mansyon kaya naman mas binilisan ni Sue ang paglalakad at medyo inartehan, natatawa na lang ako sa kanya.
Nakikita ko nga na may bagong lipat bukod sa may sasakyan ay mga kahom din nagkalad sa harap at gilid ng mansyon.
Medyo nagulat pa ako ng biglang may lumabas na lalaki na kedaran ni papa siguro ay nasa mga kwarenta anyos na ito, kasama ang isang napaka puti at gandang babae, siguro ay asawa n'ya kahit na may edad na ay makikita mo ang ganda n'ya, hindi kalaunan ay may lumabas din na binata, medyo natigilan pa 'ko dahil tama nga si Sue gwapo ang lalaking ito, matangkas s'ya, matipuno ang katawan, may kulay brown na mga mata, na s'ya naman talagang kapansin pansin dito. Maamo ang mga muka n'ya at masarap pag masdan.
" Jusko ito na ang irog ko! " Paimpit na wika ni Sue na sya namang ikinagulat ko sandali.
" Sisiguraduhin ko na magkakakilala kami nyan Andeng! Tingnan mo, ang lalaki ng bisig parang kayang kaya akong ipaglaban!" Wika nya habang kinikilig na ikinahalakhak ko na lamang.
" Ano ka ba Sue kung ano anong pumapasok dya sa isip mo, pilya ka talaga" sabagay hagik-ik ko.
" Ano ka ba natural lang ito 'no lalo na at dalaga tayo, ikaw naman kasi kahit minsan maglandi ka rin, ang ganda ganda mo tapos napaka tahimik ewan ko ba kung bakit ang dami pa ring nanlilogaw sayo! " sabay ismid ng pabiro.
" Alam mo namang wala pa isip ko yan Sue madami pa kong kelangang mahahalagang bagay na pag laanan ng oras kesa sa mga ganang bagay " wika ko habang naka ngiti.
" O s'ya oo na po, pero teka nasaan yung si dyosa, hindi ko s'ya makita, baka nasa loob siguro. Naku Andeng kung makikita mo parehas kayong maganda tsaka kung lalaki lang ako baka ligawan ko agad yon! " ani nya na para bang kinikilig pa.
" Hay nako Sue hayaan mo na, bilisan na natin at siguradong nagugutom na sila papa at nauuhaw na rin. " wika ko sabay hila sa kanya.
At sa hindi inaasahang pagkakataon, sabay ng pagmamadali ko at pag hatak kay Sue ay syang pag ihip ng mabining hangin at pag harap ko sa mansyon, at duon ko Siya na kita, ang dyosang sinasabi ni Sue. Nakadungaw s'ya sa azotea at parang isang dyosa na pinagmamasdan ang lupain nya, itim na itim ang buhok nya at sobrang puti ng balat, ang kanyang labi na kay pula ay nakaka akit tingnan at ang pinaka naka agaw ng pansin ko sa lahat, ang mga mata n'yang kay itim at matalim kung tumingin, para bang binibigyan ka ng babala na hindi mo sya pedeng tignan sa mata ng walang permiso, tila ba tumigil ang lahat at s'ya lang ang nakikita ko, ang ganda n'ya, sobra, wika ko sa isip ko. At dala sa pagka gulat ay bigla kong nabitawan ang dala kong kanin ni papa, dahil bigla na lang siyang tumingin sa gawi ko at tumitig, hindi ako nakagalaw sa gulat at paghanga at sa hindi maipaliwanag na dahilan hindi ko maalis ang titig ko sa kanya, parang nanghihipnotismo at nangaakit. At ang biglang pag bilis ng tibok ng puso ay sumabay at at bigla akong sininok.
" Andeng! ang kanin! " biglang hiyaw ni Sue na s'ya namang nagbalik sakin sa huwisyo.
Buti na lang at hindi natapon ang kanin mula sa lalagyan at hindi ito nasira. Agad agaran ko ito pinulot habang kinakabahan pa rin.
" Pasensya na Sue, buti na lang at hindi natapon ang kanin ni papa kundi lagot ako, ang mahal pa naman ngayon ng bigas. " ani ko sabay sinok sa huli.
" O bakit ka sinisinok? Nauuhaw ka na ba sa sobrang init? Inom ka muna ng mawala yang sinok mo. " sabay abot ng tubig saakin.
At uminom nga ako pero pagkatapos noon pa hindi pa din tumigil ang sinok ko at ang paghuhumentado ng puso ko. Hindi ko mapigilang hindi magawi ng tingin sa mansyon at tumanaw sa azotea nito, ngunit wala na duon ang dyosa, ang dyosa na buong gabi binulabog ang isip ko.
BINABASA MO ANG
You
Romance" Bakit hindi pede hmmm? " wika niya habang kino corner ako sa puno, gamit ang mapupungay na mata. " H-hindi pede V, madami ang huhusga at isa pa, h-hindi naman kita gusto para maging t-tayo. " ani ko ng may kasamang panginginig ang salitang binita...