Chapter 3

1 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa gym ng school dahil P.E namin tuwing martes. Naka upo ako sa bleachers kasama ang mga kaklase na nag hihintay sa pagdating ng teacher.

"Guys! wala daw si Ma'am Bautista kasi may biglaang meeting so vacant na natin ngayon" wika ng president namin.

Kaya naman bumaba na agad ako sa bleachers at dumiretso sa mga study table, dito namin napagusapan ni Sue na tumambay. At matapos ang ilang minuto ay natanaw ko na sya sa field naglalakad at may dalang mga snacks.

"Gosh, grabe ang sungit talaga ni Miss Kross! Alam mo ba andeng, pinatayo ako kasi hindi ko nasagot yung equation sa board e hindi nya pa naman na d-discuss yon! grabe! " Wika nya habang naka kunot ang noo at inis na inis na para bang sirang sira na ang araw n'ya dahil sa nangyari.

Humalakhak na lang ako dahil, ganoon naman talaga si Miss Kross, kaya kelangan mo talagang mag advance study sa subject n'ya para hindi ka mapatayo.

"Hindi ba't lagi naman n'yang pinagbibilin na mag advance study sa mga lessons n'ya kasi magtatanong s'ya lagi before she would start the class" wika ko sa kanya habang kinakain ang dala n'yang meryenda.

"E oo nga, pero kahit na, ang sungit n'ya pa din, nakakainis lagi na lang ako ang nakikita nya, ako lang ba ang estudyante nya don duh." ani nito sabay irap sa kawalan.

"Alam mo Sue kumain kana lang, hayaan mo na yon, sa susunod maghanda kana lang para hindi kana mapatayo ulit" sabi ko sakanya at pinipilit s'yang huminahon.

" Tama ka, pero may araw din sakin yung Kross na yun, akala n'ya ha! " wika n'ya na para bang may balak na masama kay Miss.

" O eh akala ko ba e girl crush mo si Miss Kross ba't ngayon kinakainisan mo na s'ya? " tanong ko dito sa nang aasar na tono.

" A-at kailan ko sinabing may g-gusto ako don andeng? Sa sungit n'yang yon, impossible! At saka kahit maganda ba s'ya at matalino magugustuhan ko na yon? Porke mabango sya at sexy magsalita, tapos parang model maglakad, tapos ang ganda pakinggan ng boses nya kapag nag d-discuss s'ya sa harap, tapos yung mata nya light grey na sobrang nakaka akit..." ani nito habang naka halumbaba pa na para bang iniimagine nya si Miss Kross ngayon din.

Pinitik ko ang noo nito para matauhan sa day dream n'ya, tignan mo itong babaeng to, kakasabi lang na naiinis s'ya don sa tao tapos pupurihin pagkatapos.

"Aray ko Andeng! Para san yon?" ang arte ng boses na gamit jusq.

"O eh akala ko ba naiinis ka kay Miss Kross?  ba't ngayon parang pinapantasya mo na s'ya?" Sabay halakhak ko.

" H-huh? H-hindi a, binabanggit ko lang yung mga magagandang katangian n-nya no! " Wika nito sa natatarantang boses at medyo namumula ang pisnge.

" Sus kunware ka pa Sue crush mo lang talaga si Miss! " sabay tawa ko ng nakakaasar sa kanya, at mas lalo namang namula ang pisnge nya at umabot hanggang tenga.

At bago pa s'ya makasagot ay tumonog na ang bell, hudyat na tapos na ang break at resume na ng class.

"Sue maya na lang ulit, sa karinderta ulit tayo, nag c-crave ako sa bulalo e" ani ko dito habang naglalakad kami pabalik sa sariling classroom namin. At nag okay sign naman s'ya saakin, at biglang tumakbo dahil si Miss Kross da ulit ang klase nila kasi dalawang period ang meron sila ngayon para sa subject ni Miss Kross.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon