Chapter 2

2 1 0
                                    

Pagdating ko sa classroom ay wala pa ang teacher, magulo ang mga kaklase ko at mag mga nag ka-cram pa ng assignments, pumunta na agad ako sa designated seat ko para maghanda sa unang klase. Inilabas ko na din ang assignment ko para handa na.

"Pssst" rinig kong may tumatawag sakin.

"Pssssssst" ulit nito sa mas mahabang salita, kaya naman hinarap ko na ito. Si Simone, kaklase kong lalaki nasa likod ko s'ya at parang alam ko na ang dahilan kung bakit n'ya ko tinatawag.

"Hi Andeng! hmm may assignment ka na ba?" tanong n'ya gamit habang naka ngiti na nag aantay sa isasagot ko.

"Oo Simone meron na, pero kung hihiramin mo at kokopya ay hindi pwede, kung gusto mo tuturuan nalang kita madali lang naman to." turan ko sa isang mahinahon pero seryosong tono.

"Andeng naman, eh mamaya dadating na si Ma'am at ipapasa na to oh, kaya sige na pakopya na lang." sabi n'ya sa isang nagmamakaawang boses, at dahil dito naawa naman ako sakanya, kaya binigay ko na lang din ang notebook ko.

"Yown! Salamat Andeng! ang bait mo talaga maganda pa!" ani nito na bakas ang saya sa muka.

"Ikaw talaga simone, sige na kopyahin mo na yan bago pa dumating si Ma'am." sabi ko kasabay ng may namumulang pisngi at nakayuko.

"Cute" ani nya sa mahinang boses sabay hagik-ik, hindi ko masyadong narining kaya hinayaan ko na lang.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din ang teacher para sa first sub namin.

Break namin ay pumunta na agad ako sa caf dahil nag text sakin si Sue na andoon na daw sila.

"Andeng dito!" Tawag ni Sue sakin ng makitang asa pintuan ako ng caf kasama nya na din duon si Bia at Serine, pumunta naman agad ako sakanila. May pagkain na din sa mesa, siguro bumili na din sila kanina habang wala ako.

"So, ito na ang chika! Alam nyo ba na may lumipat na duon sa lumang mansyon ? At ito pa ha! Ang gagandang nilalang nila!" wika ni Sue sabay paimpit na tili n'ya. Nagtawanan naman ang dalawa at miski ako ay nakitawa na din.

"Talaga!? Sana makita ko din sila!" ani Bia na kumikislap pa ang mata.

Ganito talaga sila mahilig sa mga magaganda mapa lalaki o babae. Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang break, bumalik na din naman agad kami sa kanya kanya naming classroom. Dumaan ang maghapon na nag focus lang ako sa lesson, at nitong mga hapon na ay medyo makulimlim ang kalangitan nagbabadya na uulan pa ata. Ayos lang dahil may dala naman akong payong. Pagka labas ko ng classroom nakita ko agad na nasa tapat ng gate yung tatlo.

"Andeng mauna ka ng umuwi ha! May pupuntahan pa kasi ako eh" ani Sue saakin, kasama siguro s'ya ng barkada nya sa section nila kaya ganoon. Tinanguan ko s'ya at sinabing hihintayin ko na lang si kuya Toni na dumating. Nagpaalam na din saakin si Bia at Serine na uuwi na sila dahil may gagawin pa din daw sila. Kaya naman naiwan na ako sa tapat ng gate para hintayun si kuya Toni.

Alas singko na at hindi pa rin dumadating si kuya Toni, medyo nag aalala na 'ko dahil mag sasaing  pa 'ko para sa hapunan namin ni papa. At ng makalipas ang ilan pang mimito ng pag hihintay at nakitang wala pa s'ya ay napagpasyahan ko ng mag hanap ng ibang masasakyan, pero wala akong makiha dahil punuan lahat lalo na at maulan. Kaya naman napagpasyahan ko ng maglakad, at saka maghanap ng masasakyan sa madadaanan.

Six thirty na ay nasa daan pa rin ako, medyo dumidilim na at umuulan pa din, medyo nabasa na ang uniform ko. Ng malapit na ko sa kanto namin ay biglang may tumigil na sasakyan sa tabi ko, gumilid naman ako para hindi ako mahagip nito at matamaan ng tubig kung sakali. Pero tumigil lang ito at nagbaba ng bintana ang nagmamaneho.

"Miss! Hop in, it's getting dark already, it's not safe for a lady like you to walk in this kind of hours." ani ng may-ari ng boses. Nilingon ko ito para tanggihan dahil hindi ko naman ito kilala, ngunit laking gulat ko ng pagkalingon ko ay ang lalaking nakatira sa lumang mansyon ang nabungaran ko, hindi ako nakapagsalita ng ilang segundo, kung hindi dahil sa lamig ay baka hindi nako makakaimik. Nakangiti s'ya saakin na para bang matagal na kaming magkakilala.

YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon