Naghahanda ako ng umagahan sa mesa namin ng biglang lumabas si Papa sa kwarto n'ya.
"Andeng dito ka muna ha, pupunta lang ako kila pareng Roman, may pag uusapan lang saglit" wika n'ya.
"Pero Pa hindi ka pa po kumakain" ani ko naman.
"Hindi na, doon na lang ako kakain at siguradong maghahain naman doon, ikaw na lang muna ang kumain jan." sabi naman ni papa.
"O sige po Pa, ingat!" wika ko habang tinatanaw si papa na lumabas sa bahay namin.
Linggo ngayon at marami pa rin akong gawain kahit na nag linis naman ako kahapon. Kung nagtataka kayo kung bakit kami lang ni papa sa bahay, hindi kasi ako nabigyan ng pagkakataon na masilayan ang nanay ko. Sabi ni papa iniwan daw kami ng nanay ko pagkatapos n'ya kong ipanganak. May lahi ang nanay ko, marahil ay sa kanya ko nakuha ang pagkakaroon ko ng foreign features, mula s'ya sa espanya sabi ni papa, mayaman daw ang pamilya ng nanay ko ayon sa kanya, at ang kadahilanan ng pag alis nya, marahil ay dahil sa estado ng buhay nilang dalawa, masyadong malayo ika nga ni papa, nalulungkot man ako na wala ang nanay ko habang lumalaki, ay kuntento naman ako na anjan si papa, kaya lagi nyang pinupunan kung ano ang kulang. Sinubukan kong tanungin si papa tungkol sa iba pang bagay tungkol sa nanay ko, pero lagi n'yang nililihis ang usapan, at hinahayaan ko na lang naman.
Pagkatapos kumain, hinugasan ko muna ang mga pinagkainan ko. Hinanda ko na rin ang mga damit na lalabahan ko, uunahin ko muna ang uniform ko dahil may pasok na naman bukas at kailangan ko ito. Mga alas onse ay dumating na si papa sa bahay muka s'yang matamlay at malungkot kaya naman tinanong ko s'ya kung anong nangyari sa usapan nila.
"Anak, napagusapan namin ng mga kasamahan sa bukid 'yung tungkol sa lupa na pinagtataniman natin." wika n'ya sa matamlay at malungkot na boses.
"Ano pong meron papa? Lalaki daw po ba ang singil?, Hayaan n'yo po at tutulong ako sa pagbabayad Pa, pede po akong kumuha ng summer job para makatulong." Ani ko sa mahinahong boses para ibsan ang lungkot ni papa.
"Naku anak h'wag na, kaya ko ito. Hindi tatas ang singil ng lupa anak, ang problema eh may bago ng nagmamayari nito." ani papa sa mas malungko na tono.
"Ho! pero di po ba kay Ka Roman ang lupang 'yon? Pano pong may iba ng nagmamayari? sabi ko sa medyo nagulat na tono.
"Ipinagbili na ni Pareng Roman yon, matagal na n'yang sinasabi saamin na baka nga gawin n'ya iyon, ngahahanap lang s'ya ng buyer, gagamitin daw nya ang pera para sa pag aabroad ng anak n'ya, si Laura." wika ni papa.
"Pano yan pa, titigil na po ba kayo sa pagtatanim? Papaalisin po ba kayo doon?" ani ko sa medyo natatarantang boses.
"Hindi naman agad-agad kami mapapaalis doon anak, pag uusapan pa, at kung maaari ay papakiusapan namin ang bagong may ari kung pwede bang ituloy ang upa sa lupa." wika ni papa.
"Sino daw po ba ang bagong nakabili ng lupa pa?" Ani ko naman sa nagtatanong na boses. Sana nga lang ay mapakiusapan nila papa ang bagong may ari, sana ay mabait din ito.
"Ernest Valerozo daw ang pangalan anak, sila din 'yung bagong lipat sa lumang mansyon ng Don, baka sa susunod na araw ay magpulong kaming lahat tungkol doon, sabi ni pareng roman eh mabait naman iyon at siguradong mapapakiusapan." Ani papa sa mas mahinahong boses.
Medyo nagulat pa ako sa sinabi ni papa. Valerozo, kilala ang apilyidong iyan sa maynila kadalasan ay mga abogado at business man sila. Hindi ko akalain na magkakainteres sila sa buhay dito sa simpleng probinsya namin. Bakit kaya sila lumipat dito?
Pagkatapos ng pag uusap namin ni papa ay sabay kaming kumain ng tanghalian. Ako na din ang naghugas ng pinagkainan namin dahil papakainin n'ya pa daw si Ru, pagkatapos noon ay wala na akong masyadong ginawa kaya naman napag pasyahan ko na, na mah siesta na lang. Ng sumapit na ang gabi ay si papa ang nagluto, sabay ulit kaming kumain, s'ya na din ang naghugas ng pinagkainan dahil mag aayos pa ako ng gamit ko para bukas, may pasok na kay ihahanda ko na ang gamit ko.
"Pa aalis na po ako!" hiyaw ko kay papa bago lumabas ng bahay. Lunes na at may pasok na ako ngayon, suot ang uniform ng school ko na pencil skirt na kulay dark blue at white na pang itaas na may kasamang neck tie na dark blue din, mas lalong nadepina ang kulay ng balat ko. Inilugay ko na lang ang buhok ko dahil basa pa ito, hindi din ako naglalagay ng kolorete sa mukha ko dahil para saakin ay ayos lang naman kahit wala, at sa paaralan naman ang punta ko at hindi sa kung saan.
"Sige anak ingat! Iyong baon mong pera inilagay ko na sa bag mo kanina habang naliligo ka." Ani nya.
Napangiti naman ako sa tinuran n'ya.
"Salamat po Pa!" wika ko sabay sakay sa service kong tricycle na pag mamay-ari ni kuya toni. Nakita ko na din sa loob ng tricicle si Sue. At ng makita n'ya akong papalit sa sasakyan ay bigla s'yang ngumiti ng malawak sabay sabing.
"Good morning Andromeda Calista Valderama!, talagang maganda ka pa sa umaga" wika nya gamit ang isang napaka siglang boses, at medyo natatawa pa.
"Kailangan mo ba talagang banggitin ang buong pangalan ko Sue?" tanong ko sa natatawang boses.
"Hindi ka na nasanay Andeng, tuwing umaga kaya kita binabati ng ganoon!" Sabay halakhak at hampas sa braso ko.
"E di magandang umaga din sayo Suzanna Faith Reyes!" wika ko sa medyo natatawa at nangaasar na tono.
"Andeng! Alam mo namang ayaw ko sa first name ko diba! Sue nga diba! Sue!" wika na gamit ang naiinis na boses.
Halakhak na lang ang itinugon ko sakanya at humayo pumunta na kami sa eskwelahan.
Pagdating namin doon ay medyo madami na rin ang tao. Pag pasok pa lang ay nakita na namin ang dalawa naming kaibigan na sina Bia at si Serine. Ka batch namin silang dalawa, pero hindi kami magkakaparehas ng strand, ako ay ABM, si Sue naman ay HUMMS, at ang dalawa naman ay STEM.
"Hello Andeng at Sue! Ano, kamusta ang weekend?" ani bia habang naka ngiti.
"Ay! May chika ako sainyo pren! Alam nyo ba-" bago pa maituloy ni Sue ang sasabihin n'ya ay bigla na lamang tumunog ang bell, naghuhudyat na limang minuto na lang at magsisimula na ang klase. Kaya naman dali dali ko silang niyaya na at pumunta sa kanya kanyang classroom.
"Sue mamaya mo na lang ikuwento sakanila yang chika mo, tumunog na yung bell oh" ani ko sa medyo natatranta na boses.
"Ano ba yan! sige mamaya na lang Bia, Serine, una na kami ha! Sa caf na lang mamaya! Bye!" wuka n'ya sa nagmamadaling boses.
"Sige ha mamaya sa caf ikwento mo yan!" wika ni Serine.
"Oo legit to!" ani Sue na may kasamang halakhak.
Napailing na lang ako habang nagmamadaling lumakad papunta sa room ko. Third floor building pa ito kaya naman kelangan ko talagang mag madali, hindi kagaya nila Sue na nasa second floor lang. Sana ay wala ang teacher at hindi ako ma late siguradong lagot ako lunes na lunes pa naman.
BINABASA MO ANG
You
Romance" Bakit hindi pede hmmm? " wika niya habang kino corner ako sa puno, gamit ang mapupungay na mata. " H-hindi pede V, madami ang huhusga at isa pa, h-hindi naman kita gusto para maging t-tayo. " ani ko ng may kasamang panginginig ang salitang binita...