Ocho

145 8 7
                                    

Tumunog na ang alarm ng aking cellphone, kaya kahit alam na ibinilin ni vladimir na maghintay ako sa labas ng office ng student council ay walang dalawang isip na umalis ako upang pumasok sa aking susunod na klase.

Medyo late na nang makarating ako sa aking sunod na klase dahil may kalayuan ang student council office sa aking sunod na klase.

Lumipas ang oras at natapos na ang klase, pag kalabas ko ng classroom ay bumungad sa akin ang ingay ng mga kababaihang nagumpukan sa may hindi kalayuan sa aming classroom.

Dahil walang interes ay tumalikod ako upang maglakad papalayo nang may humigit sa aking braso, nang lingunin ko ito ay bungad sa akin ang madidilim na titig ni vladimir.

"why did you leave?" malamig na tanong nito habang mahigpit na nakakapit sa aking braso

Napangiwi ako sa higpit nito, napansin nya ata ito dahil dahan dahan nya itong
binitawan ngunit nanatili ang lamig ng ekspresyon sa kanyaang muhka.

"A-ahh kase oras na ng klase ko kaya nagmadali ako sa pag alis, sinole ko lang naman talaga yung damit kay felix kaya ano...." Nahihirapan kong sabi habang hinahaplos ang aking braso na hinawakan ni vladimir

Napatitig ito saglit sa akin bago umalis ng walang pasabi.

Ang laki naman ng topak sa ulo ng lalaking yon

Naiiling akong naglakad papunta sa susunod kong klase

Masyadong busy ang araw ko ngayon, may karamihan ang gawain namin sa architecture kaya naman pagod akong naglalakad ngayon papunta ng parking lot.

"Anastasia!" Sigaw ng kung sino

Hinanap ko ang nagmamay-ari ng boses at nahanap ng aking mata ang kumakaway habang nakangiting naglalakad na si felix.

Hinihingal ng kaunti ito ng makalapit sa akin bago muli akong binigyan ng matamis na ngiti

Napakunot ang aking noo sa kanya

"Whatcha looking at hmmm? stop starring at my gorgeous face will yah?" May pag kapilyo nitong sabi

Tumitig ako saglit dito at napaisip

Iba ang aura nya ngayon...nung una ko syang makita ay seryosong seryoso sya. Ngayon ay parang lumalabas ang kulitbsa kanya.

Umiling na lamang ako at tumalikod ngunit hinawakan ako nito sa braso kaya muli akong lumingon sa kanya ng nagtataka

"May kaylangan ka pa ba felix?" May katarayan kong sabi

Nagiwas ito ng tingin

"You didn't say thank you" mahina nyang sabi habang nakatingin sa kung saan

Mas lalong kumunot ang aking noo sa narinig

Sa pagkakatanda ko naman ay nag pasalamat ako sa kanya

"Stupid von stein" malamig na sabi ng kung sino

Sabay kaming napalingon ni felix at natagpuan ng ng aking mga mata ang seryosong muka ni vladimir

Seryoso itong nakatitig sa akin habang naglalakad at tumigil sa tapat ng kanyang sasakyan.

Binuksan nito ang pintuan at muling tumitig ng seryoso sa akin

"Get inside anna" seryoso nitong sabi at habang hindi piniputol ang kanyang titig sa akin

Tumango na lamang ako at saglit pang sinulyapan at tinanguhan si felix bago naglakad at pumasok sa loob ng sasakyan ni vladimir

bloody romanceWhere stories live. Discover now