Chapter 2: Engaged

461 9 0
                                    

"Euphoria!" Kaagad akong napatayo sa aking inuupuan at tinanggal ang aking earphone sa isang teynga nang marinig ang malakas na pagtawag sa akin ng director ng president office of YSIA Group.

"Po?"

"Ang tigas naman ng ulo mo!? Alam mong bawal ang makinig ng musika kapag gumagawa ka ng mga documento dito dahil baka iba ang ni-incode mo! Ilang beses ko bang sabihin iyan sa'yo?"

Kaagad akong napayuko pagkatapos makatanggap ng sermon. "Sorry po, idol ko po kasi..."

"Alam naming lahat na idol mo iyang kumakantang iyan pero sinasayang mo lang ang oras mo sa mga ganyan! Sayang lang ang oras mo sa pakikinig sa boses ng unknown artist na iyan! Ni mukha nga ayaw i-reveal, idolo ng lahat, tss! Magtrabaho ka nalang, nako, ewan ko sa iyong bata ka, intern ka pa naman. Umayos-ayos ka dahil darating na ang ating boss mamaya, susunduin ko na siya kaya magpakabait ka huwag puro iyang mga ganyan ang inaatupag." Aniya habang lumalakad paalis sa opisina.

Nakanguso akong bumalik sa aking inuupuan saka ni-off ang music, kahit gustong-gusto kong pakinggan iyon dahil iyon nalang ang nagpaparelax sa akin ay hindi man lang ako payagan.

It's entirely my fault, I've known the rules but I cannot let the day and night passed without hearing the nicest voice I've ever heard, true to what director said, the artist is unknown for five years, the artist got famous because of his lovingly voice and the meaning of each sentences he made in his song.

I just can't help but to admire that guy, I know and believe that the artist is a guy, the voice is a voice of a man, also his tone is manly.

Napatigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang phone ko, an unknown number currently calling me and I cancelled before blocking it. I'm pretty sure that that was my dad or step-mom.

Lumayo na nga ako sakanila, susundan at susundan pa ako? My goodness!

Right to what our Director said, our boss came but we didn't met him, he met those board members so us, employees, came out of the building earlier than we ever expected.

Gaya ng dati kong ginagawa pagkatapos ng trabaho ay dumidiretso ako sa mall para magliwaliw, it's also one of my stress reliever- to roam around the mall kahit ni minsan ay wala akong nabibili.

Gusto ko kasing makaipon ng sarili kong pera na pinaghirapan ko kaya nag-iipon ako.

Pumasok ako sa isang store kung saan nakadisplay ang mga cd's ng musicians at may karaoke narin sa labas na kasalukuyang may kumakanta roon.

Luminga ako doon hanggang sa natigil ang tingin ko sa isang CD. It was so surprising! God! Iisa lang ang natira! Sa sobrang excited ko ay pumunta ako sa casher at ipinakita ang CD na gustuhin kong bilhin.

Nanlaki ang mata niya sa hawak ko at marahas iyong kinuha mula sa akin dahilan para mapasinghap ako. "Sa akin nakareserved iyan! Nakalimutan kong kinuha pero reserved na siya and iso-sold ko mamaya!"

"Teyka lang miss, pero ako iyong unang nakakita niyan!" Tukoy ko sa cd kung saan nakalagay doon ang kanta ng paborito kong singer. It's  FN's composed song, siya iyong unknown na kinagigiliwan ng lahat.

I wonder if he has this too much connection that's why he isn't caught by anyone or I must say the paparazzi, ni mukha narin ay hindi magawang ipakita sa buong mundo. Gusto ko narin siyang pasalamatan 'pag nagkataon, na siya ang dahilan kung bakit hindi ako sumusuko: it's because of his song that has a meaning. Especially his entitled song 'Hope.'

"Sa akin! Kahit tanungin mo pa sa mga kasama ko." Napailang nalang ako bago umalis, ayoko narin ng naman ng away, saka sanay na ako sa mga bagay-bagay na hindi ako iyong nauuna sa lahat. Ako iyong panghuli simula noong namatay ang nanay ko na siya namang nagpaparamdam sa akin na ako ang first priority.

The Billionaire's Fiance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon