Elouise's POV
Habang nakahiga iniisip ko pa rin Yung nangyari kanina matapos Ang event..
*Flashback
"Ayan, ganyan dapat!" Masayang Sabi ni JamBigla na lang kaming nagbitaw Ng kamay at nag-iwas Ng tingin.
Naiiling na lang ako sa pinaggagawa ni Jam sa amin."Ako Jam, Hindi mo ba ako kakamayan?" Singit ni Jay sabay abot Ng kamay Kay Jam.
Napaismid na lang si Jam.
"Hindi! Kilala na kita. Baka mahawaan pa ako Ng virus mo. Ewww..." Sabi ni Jam na Hindi man lang tinignan si Jay
"Sungit Naman nito" nasabi na lang ni Jay na tila parang napahiya.At umatras na lang papunta sa likod ni Lucas
Napapailing at ngiti na lang ako sa pinaggagawa ni Jam. Hindi ko nga alam Kung bakit masungit si Jam Kay Jay. Akala mo Ex niya. Nang tinignan ko si Lucas ay parehas din siyang nakatingin at nakangiti.
Pero bigla na lang naputol Ang tinginan namin dahil nagsalita si Chester."Nga pala Guys, Uuwi na kami kasi Gabi na at baka Wala na kaming masakyan pauwi" sabi ni Chester
"Oo nga pala! Uuwi na kami Guys! Babye!" Sabi ni Jam at hinila na lang nila ako paalis"Elle!" Pagtawag ni Lucas
Napatigil kami at nilingon si Lucas
"Bakit?" Sabi ko Ng may pagpigil na ngiti
"Nice meeting you!" Sabi ni Lucas na nakangiti
"Nice meeting you din Lucas!" Sabi ko na may ngiti sa labi.
At tumalikod na para umalis.
*End of FlashbackHindi ko na namalayan na nakangiti na naman ako. Hay naku, tigilan ko na nga ito at baka Kung saan pa mapunta ito. Ang mabuti pa ay manood na lang ako Ng paborito Kong Kdrama.
Habang busy sa panonood ay bigla na lamang tumunog Ang aking cellphone na tila ba may nag-notify sa akin.
*Ting *Ting
Sabay kuha Ng aking cellphone sa gilid Ng kama. Pagkakita ko ay may nag-add sa akin kaya tinignan ko. Yung mga naging kaibigan ko pala dun sa event Ang nagfriend request sa akin, masaya ako at gusto nilang ipagpatuloy Ang pagkakaibigan namin kagaya ni Chie. Habang nagi-scroll down ako ay muntik ko Ng nabitawan Ang aking cellphone dahil nakita ko Ang kaniyang profile at in-add niya ako. Sa pagkatulala Hindi ko namalayan na tumatawag pala sa akin si Jam nanghihingi Ng load dahil ubos na Yung kaniyang data. Hay naku! Talaga itong si Jam panira Ng moment hahaha akala mo naman may moment talaga ako haha okay so back to topic, niloadan ko na lang Ang aking kumare baka magtampo pa. At binalikan ko na lang ulit Yung profile niya at napagtanto ko na mas matanda talaga ako sa kaniya Ng dalawang taon pero okay lang Sabi ko sa sarili ko dahil bata pa Naman kami para isipin Ang ganung bagay okay lang Naman sigurong hangaan Siya dahil talented Siya. In-accept ko na lang Ang kaniyang friend request sa akin dahil baka sabihin niya famous ako haha. Pagkatapos ay nagpatuloy na lang akong manood Ng paborito Kong Kdrama.*Ting
Sino na naman kaya itong nag-chat? Nasabi ko na lang sa isipan ko sabay kuha Ng phone ko sa gilid Ng kama.
Pagbukas ko Ng phone ito agad Ang bumungad sa akin.Lucas Theodore sent a message.
Muntik ko Ng mabitawan ang cellphone ko. Ano kayang message nito sa akin Sabi ko sa sarili ko.
*Chat
Lucas: Hi Elle!Nag-hi lang pala. Sige replyan ko na lang para Hindi niya sabihing snob ako.
Elle: Hi Lucas! Kamusta ka?
Lucas: Okay lang Naman, ikaw?
Elle: Okay lang din.
Lucas: Anong ginagawa mo?
Elle: Nanonood Ng K-drama, Ikaw?
Lucas: Mahilig ka pa lang manood Ng Kdrama?
Elle: Minsan lang Naman, ikaw Anong ginagawa mo ngayon?
Lucas: Eto nagprapractice Ng mga kailangan tugtugin sa Choir.
Elle: Ai, ganun ba? Baka nakaka-istorbo na ako sa iyo?
Lucas: Hindi naman, okay lang. Nagpapahinga lang ako.
Elle: Okay Sabi mo eh.
Lucas: Nga pala itatanong ko Lang Kung Gusto mo bang sumama sa amin sa choir?
Elle: Pwede ba?
Lucas: Oo Naman, syempre.
Elle: Sige, Sama ako.
Lucas: Yun oh, sige, asahan kita. Tuwing sabado Ng hapon Yung aming practice.
Elle: Sige, pupunta ako. Thank you.
Lucas: Thank you din. See you there.
Elle: See you.At nagpatuloy Ang aming usapan hanggang sa nag-paalam na Siya para mag-practice ulit para sa nalalapit nilang choir at service sa simbahan.
Nakakahanga talaga Siya dahil kahit sa ganung edad at marunong na siyang tumugtog Ng piano.
Excited na ako sa sabado!Lucas's POV
Napapangiti na lang ako pag naalala ko Yung nangyari nung nakaraan.
Habang nagi-scroll sa Facebook nakita ko Yung post ni Jam kasama Ang kanyang nga kaibigan. Tinignan ko Ang mga ito at napadako Ang aking paningin sa Pangalan ni Elle kaya pinindot ko iyon para tignan Ang kaniyang profile. Sa pagi-scroll ko sa kaniyang profile Hindi ko namalayan na katabi ko na pala si Jay at sa gulat ko bigla ko na lang na-pindot Yung add as friend sa profile ni Elle."Ano Yan Pre?" Pag-uusisa ni Jay
"Wala" Sabi ko na lang
"Weh? Parang meron eh." Pangungulit niya pa
"Wala nga, ano bang kailangan mo at nandito ka na naman?" Sabi ko para iiwas na lang Ang atensyon niya.
"Ano kasi Pre.." pabitin na Sabi niya
"Ano nga?!" Sabi ko na parang naiinis na.
"Eto Naman galit agad! Makikikain lang sana ako sa inyo hehe?" Nahihiyang Sabi niya
"Hay naku, Yun Naman pala. Nahiya ka pa" Sabi ko na lang at dinala Siya sa may kusina.
"Oo ah, may hiya pa ako Ng konti haha" nakatawang Sabi niya.
Napapa-face palm na lang ako sa katakawan ni Jay.
"Pagkatapos mo Jan umalis ka na." Sabi ko na lang matapos ibigay sa kaniya Ang mga pagkain namin
"Okay Pre, Salamat!" Sabi Naman ni Jay na busy sa pagkuha Ng pagkain.
At dumiretso na lang akong kwarto ko.
Pagka-upo ko bigla na lang tumunog Ang cellphone ko dahil parang may nag-notify sa akin.
*Ting
*Claire Elouise accepted your friend request.Napangiti na lang ako sa aking nakita.
Hindi ko alam kung magchachat na ba ako agad or Hindi pa. Pero sa Hulu nag-chat na lang ako sa kaniya.Sa una man ay nahihiya pa kaming magka-chat pero kinalaunan ay naging comfortable na kami sa isa't -isa. Nagpatuloy Ang aming kwentuhan hanggang sa umabot sa pagyaya ko sa kanya na naging myembro Ng choir dahil mas maganda kapag madaming nagpupuri Kay Lord. Pumayag Naman Siya at pupunta Siya Ng aming practice tuwing sabado.
Matapos Ng aming pag-uusap ay nag-paalam na ako para mag-practice Ng mga kantang gagamitin sa choir at service.
BINABASA MO ANG
At Least We Meet
Ficción GeneralBased on True story. Kwento Ng pagkakaibigan na nagkaroon Ng layuan dahil nagkaroon Ng nararamdaman Ang Isa sa kanila. Ano kaya Ang kakahantungan Ng kwentong ito? Magkakaroon ba Ng Sila o F.O na?