Chapter 2 Shake Hands

14 1 2
                                    

Elle's POV

Ang saya Naman Ng event na ito! Sana maulit pa! Sayang at tapos na Ang event saan na kaya Yung Theodore na ito? Palingalinga akong tumitingin sa paligid baka sa kaling makita ko Siya kaya lang napansin ako Ng kaibigan ko.

"Hoy, Elle! Sinong hinahanap mo?" Sabi ni Jam
"Wala ah!" Tanggi ko, baka kasi asarin niya ako
"Ai defensive! Hahaha" tawa niya pa
"Che!" Sabi ko na lang
"Anong Meron?" Sabi ni Chester
"Wala, nang-aasar lang itong si Jam" Sabi ko
"Wala daw? Weh? Eh halos mabali na Yung leeg mo kakatingin mo eh" pang-aasar ni Jam sa akin
"Hindi kaya!" Pagtanggi ko
"Sino bang tinitignan mo?" Sabi ni Chester parang gusto ring sumamang mang-asar sa akin
"Wala nga" Sabi ko na lang
"Anong Wala?" Sabi Naman ni Jam na tumitingin din sa paligid tapos bigla na lang tumingin sa akin
"Ai alam ko na! Hahaha" Sabi niya
"Ang alin?" Sabi ko
"Hindi alin, kungdi Sino? Haha" natatawang Sabi niya na parang alam niya Kung Sino tinitignan ko
"Hay naku, sige nga Sino?" Sabi ko na lang pagsuko sa kakulitan niya
"Sino pa edi si Lucas!" Masayang hayag niya
Bigla na lang akong nahiya dahil sa nalaman niya at dahil sa lakas Ng boses niya at tinakpan ko Ng kamay ko Ang bibig niya dahil nakakahakot na kami Ng tingin Ng ibang tao.
"Hoy!" Sabi ko dahil sa lakas Ng boses niya baka Marinig Siya Ng iba at baka Marinig din niya na baka pinag-uusapan namin Siya.
"Ai Sorry" sabay peace sign niya sa akin
"Ah si Lucas? Okay lang Yan, madami talagang humahanga sa kaniya." Sabi ni Chester na Hindi na nagulat
"Ai ganun ba?" Sabi ko na lang
"Oo, Gusto mo bang ipakilala ka namin?" Sabi ni Chester
"Naku, Huwag na, nakakahiya" Sabi ko dahil nahihiya talaga ako.
"Hay naku Frenny, Tara na!" Sabay Hila sa akin papunta sa pwesto nila Lucas. At kahit anong pigil ko ay pinagtulungan ako Ng dalawa kaya Wala na akong nagawa kundi magpatianod sa kanila.

Sa kanilang dako Naman ay si Lucas at Ang kaniyang mga kaibigan

Lucas's POV

Sa wakas nairaos din namin Ang event na ito. Masaya ako dahil may mga napasaya kami at na-inspire namin na magpuri sa ating Panginoon. Habang kami'y  nagliligpit Ng mga gamit ay napapatingin ako sa mga tanong dumalo at sa Hindi naman sinasadyang pagkakataon ay dumako ulit sa kanya Ang aking paningin. Nakita Kong Mukha siyang inaasar Ng kaniyang kaibigan dahil parang naka-busangot Ang kaniyang Mukha subalit maganda pa rin. Saglit lang ay iniwas ko na lang Ang aking paningin sa kanya dahil baka ako Naman Ang asarin Ng mga kaibigan ko. Habang busy kaming nag-aayos Ng gamit ay bigla Kong narinig Ang aking pangalan at Ng tignan ko iyon ay sila Elle pala at Ang kaniyang kaibigan. Nakatakip Ang kamay ni Elle sa Kaibigan dahil siguro Siya Ang nagsabi Ng aking pangalan. At Ayun na nga tinignan din sila Ng mga  kaibigan ko at alam ko na Ang susunod na mangyayari.
Kinalabit ako ni Jay sabay sabing,
"Pre, mukhang pinag-uusapan ka nila." Na tila may mapang-asar na ngiti.
"So?" Sabi ko na lang para Hindi niya halatang interesado ako.
"Ai sungit Naman nito!" Sabi Naman niya
Kaya pinagpatuloy ko na lang Ang pag-aayos Ng gamit. Pero bigla na lang ulit akong kinalabit ni Jay
"Bakit na naman Pre?" Sabi ko na Hindi pa rin nakatingin sa kanya.
"Si ano Pre!?" Sabay kalabit pa rin sa akin
"Ano nga Pre!?" Sabi ko na medyo naiinis na
"Hay naku Pre! Tumingin ka kasi sa harap. Mukhang papunta dito sila Elouise" Sabi niya sa akin
Kaya bigla na lang akong napatingin sa harap at tama nga ako dahil akay-akay Ng mga kaibigan niya si Elouise papunta sa aming pwesto. Kaya bigla na lang akong umiwas Ng tingin kunwari busy ako sa pag-aayos.
Nang nasa harap na namin sila bigla akong kinalabit ni Jay.
"Ano Yun?" Sabi ko Kay Jay
Pero si Jam Ang sumagot
"Hello Lucas!" Nakangiting bati ni Jam
"Hello din" Sabi ko
"Hello Jam" Sabi Naman ni Jay na nakangiti
Pero inisnab Siya ni Jam. Natatawa na lang ako Kay Jay dahil Hindi Siya pinansin ni Jam at siniko ako ni Jay dahil doon.
"Nga pala Lucas, may ipapakilala lang kami sa iyo" Sabi ni Jam
"Sino?" Sabi ko kahit halata Naman na si Elouise Ang tinutukoy niya
"Si Elouise" sabay Hila sa kaibigan papunta sa harapan ko. Nakita Kong biglang namula at nahiya si Elouise sa ginawa Ng kaibigan.
"Lucas si Elouise at Elouise si Lucas" sabay pakilala niya sa aming dalawa.
"Mag-hello ka Naman Elle" Sabi ni Jam sa kanya
"Hello" nahihiyang Sabi niya.
"Hello din" Sabi ko
"Ai ano ba Yan? Hello lang? Wala bang shake hands Jan?" Sabi ni Jam sabay kuha Ng kamay namin ni Elouise at Siya na mismo nagdikit Ng mga kamay namin. Nabigla dahil tila para akong nakuryente Ng nagdikit Ang aming mga kamay. Pansin ko'y ganun rin Siya. Nagkatinginan na lang kaming dalawa na tila ba kami lang dalawa Ng sandaling iyon.

At Least We MeetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon