No-no #1
Wag gagala sa mga parks, malls, motels, public comfort rooms, classroom na hindi ginagamit and other known places na tinatambayan ng mga lovebirds. Baka maiputan ka at magkasakit ng low self-confidence sydrome. Mapagkamalan ka pang bagyo sa tindi ng black aura na didikit sa yo dahil WALA KANG KA-DATE.
No-no #2
Wag sasama sa bestfriend na may boyfriend (Shit! Jelly ako! ) na nangingimbita sa lakad nila. Darling, believe it or believe it nalang para easy ang buhay, SENSE OF DUTY lang yan ng bestie mo dahil alam niyang nasa emo mode ka and it's her EPIC FAIL way of making you the kaliit-liitang maliit HAPPY. Na hinding-hindi mangyayari kung hindi sila sisibat the fastest and safest way possible.
No-no #3
Wag bibili ng isang malaking carton ng chocolate kung wala itong kaparis na isang gallon ngtubig. Aba ang tonsilitis, fret, nagbabadya. Reserve one para sa Papa mo in case nalimutan niyang bilhan ang Mama mo. Who wants a World War 7 during the Valentine's? Wala na ngang date, may mag-aaway pa. Na I'm sure, mas matamis pa sa chocolate kung magkaka-ayos na. O, lonely ka na naman at buti pa ang parents mo. Aba'y natural, mag-asawa eh. Pwe.
No-no #4
Wag magmukmok. Kung may labahan, eh maglaba ka. Kung may tira-tirang assignments ang bruha mong teacher na wala ring date at nag-re-revenge sa mga students niya, gawin mo. O di ba, may nagawa ka pang productive sa Araw ng mga Puso? ARAW NG MGA PUSO? ARAW NG MGA PUSOOOO???!! Pusong bato, stony heart.
No-no #5
Wag pansinin ang mga inspirational o mga emong heartbroken posts o GM ng mga ibang singles sa Facebook at cellphone na may naka-hashtag na #BIGTI o di kaya'y #LASLASNATEH. DI NAMAN TO TWITTER, BA'T MAY HASHTAG? MGA SHUNGA!
No-no #6
Wag makikinig ng music na pang-broken hearted tulad ng Jar of Hearts ni Christina Perri o Pusong Bato ni SINONG IMPAKTO NGA ANG KUMANTA NITO, TANG! Hindi ka broken hearted teh, wala ka lang date. Marami yung pagkakaiba.
No-no #7
Wag i-blame si Lord sa kasawian mo. Busy yun. Si Saint Valentine's, pwede siguro. Organizer yun eh. Ha? Ngayon mo lang nalaman na santo si Valentine? #BIGTI #LASLASNATEH. (See No-no #5)
No-No #8
Wag feeling prisoner sa bahay. Maglakad-lakad ka. Unless, allergic ka sa mga lovey-dovey couples ay, better stay at home. Pag nakakita ng gwapo, wag mong sunggaban. BAKA BAKLA. Pagalitan ka pa ng boyfriend, hala ka. Tsaka, pag may nadaanang bridge, WAG TATALON. Dirty waters under troubled bridge yan.
No-no #9
Wag mapapasexy. Hindi ka desperada, babae ka. Malaki ang pagkakaiba nun. Respect your body always kahit hindi Valentine's. Kasi isasauli mo rin yan sa Hataas-taasang Hukom ng Langit. Wag kang bibigay sa temptasyon ng mga bad creatures underneath, dahil temporary happiness lang ang mabibigay ng bad products nila. Wala pang money-back guarantee o one year warranty. Pwe.
No-no #10
Wag magbabasa ng mga favorite Tagalog novels. It adds fuel to the natutupok na fire of the loveless dahil sa perfection ng love story ng mga hero at heroines nito. Mag-Wattpad ka nalang. Sasaya pa buhay mo. O di kayay, manood ka nalang ng mga documentaries sa TV. Boring pero wala tayong magagawa. WALA KANG DATE EH. Avoid Korean or Japanese drama during Valentines. Mas lalo ka pang ma-iinggit sa kutis nilang pang-porselana at nag-gwagwapohan nilang mga OHLALA boysss.
+0+0+0+0+0_0
Follow these No-nos at your own expense. Hindi namimilit ang author. Kanya-kanyang diskarte lang yan. Survival of the fittest. MERON NANG CHINESE ZODIAC NI JACKIE CHAN ? HOOOOOOORRRAAAYYY!
♥♥♥HAPPY VALENTINES TO ALL SINGLES, TOMBOYS, GAYS AND STRAIGHTS! LET'S CONTINUE FIGHTING FOR TRUE LOVE!♥♥♥
Read (Sige na, trip mo naman eh!). Comment (Magparamdam kaaa...). Vote (If only you like it, wag pilitin, dumudugo). Fan (If you truly, irrevocably love me kahit alam mong ulol ako. Choss). :))
BINABASA MO ANG
Valentine's Day No-nos for Singles
RomansaMay money back guarantee pag di ka natawa. Valentine's kasi, nakikisunod si Author sa uso. Alam mo na. ;)) May possibility na mapunan pa ang mga No-nos. Sa ngayon ito na muna. Love lots. ♥♥♥ ♥♥♥HAPPY VALENTINES TO ALL SINGLES, TOMBOYS, GAYS AND STRA...