Ending Part II + Note

12.8K 529 167
                                    

Agad kong tinanggal yung kamay ko na nakahawak sa belt niya tsaka ako tumakbo papalabas ng kwarto. Pagkalabas ko ng kwarto ay napasandal nalang ako sa pintuan.


Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko. "Hoo!", siguro naman magpapalit na siya ng kusa tutal gising naman siya. Maghahanda na lang ako ng makakain niya.


Nagsimula na akong maglakad papuntang kusina para magluto ng pagkain. Buti nalang may stock pa kami. Makakapagluto pa ako ng chicken soup.


Aside from being easy to cook, it will be easy to eat too, and it has a source of nutrients that the Duke needs right now.


Inabot din ako ng halos isang oras sa pagluluto. Oras na rin ng tanghalian at ngayon kailangan ko itong idala para makakain na si Duke.


Huminga na muna ako ng malalim bago buksan yung pintuan. Damn it! Let's do it! Binuksan ko na yung pintuan at tinulak yung food trolley na dala yung soup.


Lumapit ako doon sa may bed at nakita kong mahimbing ang tulog niya. Napansin ko rin na sinuot na niya yung pink na pajama na dinala ko kanina.


'Buti naman'


Pinulot ko na rin yung mga damit na nakakalat sa sahig. Since I have no servants here, I'll be the one washing it. Now, another problem at hand.


I took a look at the sleeping Duke's face. Damn it! He's too handsome! It's so unfair. He's sick, but he's still handsome-- what the hell am I thinking? I should wake him up.


Kaya lang paano ko ba siya gigisingin? Baka magalit.


"Your Grace?", gising ko sakaniya. "Your Grace?", pakainin ko kaya habang tulog? Nakakatakot kasi kapag nagising.


Idagdag pa yung kaninang kahihiyan. "Your Grace?", gising na baka lumamig yung soup. "Your Grace", sabay pindot ko doon sa pisngi niya.


"Your Grace, wake up. You need to eat", tsaka pinindut-pindot yung pisngi niya ng sunod-sunod. "Your Grace-- oh my! I'm sorry! I didn't mean to!", bigla kasi siyang gumalaw kaya napasok ko daliri ko sa ilong niya.


'Ano pa, Veronica? Bibingo ka na sakaniya sa mga pinaggagawa mo eh'


"V-veronica?", dahan-dahan kong tinulungan na bumangon si Duke Henrick.


"Your Grace, I'm sorry if I woke you up, but you have to eat something", pag-eexplain ko tsaka ko inilatag yung tray sa may harapan niya.


Nagtaka ako dahil nakatitig lang doon sa soup si Duke Henrick. Is he thinking that I poisoned it?


"It's chicken soup. I cooked it but you don't have to worry, I guarantee that it's edible, Your Grace", dagdag ko pero nakatitig lang talaga siya doon. Ayaw talaga? Tinignan na muna niya ako saka siya tumingin doon sa kutsara.


'What is it? Don't tell me--'


Just be the Extra | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon