Kape

3 0 0
                                    

Alas-syete ng umaga nagising ako sa aking pang araw-araw na alarm clock, hindi tilaok ng tandang ni Ka Ambo o ang malaking boses ni Mang Andoy na nag titinda ng pandesal at bonete, kung di ang nagliliparang gamit sa bahay ni Mang Boyet at Aleng Ineng.

Ako si Hayme, 19 at anak ako ng mag asawang Enrico at Wilma sa munting baryo ng San Miguel. Maliit lang ang baryo namin sa bayan ng Rozas at hindi uso ang nakawan dito dahil kilala na at parang pamilya ang lahat sa baryo.

Agad akong tumungo sa kusina upang makapag timpla ng kape at makapag handa para sa pagpasok sa klase kahit pikit pa ang aking mata at yata'y may muta pa. Kinuha ko ang lalagyan ng kape, asukal at ang latang may lamang gatas mula sa Tiyo Karding na nasa Maynila. Isang hindi inaasahang pangyayari ang gumulantang sa aking umaga at ako'y nadismaya.

"Sinong umubos ng mainit na tubig!!!"

Pabulyaw kong nasabi na nakatawag sa atensyon ni ina. "Anong problema mo riyan, ang aga aga'y nasigaw ka?"  mahinhing tanong ni ina. "Nay, yung ininit kong tubig ay sino gang umubos ako'y maaga pa mandin ang klase" pagrereklamo ko sa kanya. "Ay ang iyong itay, may interview daw sya sa opisina ni Mayor, mukhang kukuning officer sa bagong tayong Farmers Association para sa bayan natin, maagang gumising at naggayak, ginamit ang iyong tubig para maligo. Pag pasensyahan mo na anak at alam mo naman ang iyong itay, may pagka ulaga." sambit ng inay na nakapag pa tawa sa akin. " Bakit di ka na lang muna manghingi jan sa kapitbahay, balita ko nama'y kras mo yang anak ni Mareng Gerlie. Ang anak ko'y binata na talaga ay." dagdag pa niyang may pang aasar. Totoo matagal ko nang gusto si Maria, mula noong grade 2 pa lamang kami'y gandang ganda na talaga ako sa kanya. Matalino, madalas ilaban sa ibang barangay sa spelling bee at napakabango lagi tuwing dadaan sa harap ng bahay.

"Inay naman, ikaw ga'y nakakaloko, ako'y nagsisikap para maging Agricultural Engineer tapos kayo'y manunukso nang ganyan aba'y galingan nyo naman kulang sa energy." Pandagdag na sambit ko. "Tasa laang adalhin ko at nang kila Maria na ako manghihingi ng kape, sabihin ko na lang na naubos na pala dahil sa bisita ni itay." dagdag ko pa.

Bitbit ang tasang may design na berde at dilaw na stripes nag tungo ako sa bahay ni Aleng Gerlie na ilang hakbang lang ang layo mula sa amin. Malayo layo pa man ay amoy na ang sinangag na kaning niluto sa mantikang pinagprituhan ng longganisa mula sa pintuan ng kusina nila Maria. Nag wawalis sa labas nang maabutan ko si Aleng Gerlie na mukhang maganda ang gising.

"Aleng Gerlie,kaganda talaga ng umaga, pwede ga ho akong makikape muna at ang itay ay may bisita kahapon ay ang aming kape at tubig ay inubos."  Nakangiti kong bungad sa kanya. "Ako ga ho ay kaaga ng pasok ngayong araw at kami ay mag gagaw-en yata hong survey sabi ng aming prof na napakasungit." Dagdag ko pa. "Para namang nakaloko areng batang are, dumiretso ka sa kusina at sakto bagong init ang tubig namin, ikaw na rin ang bahala sa kape basta't iyong idamay ng timpla si Maria at naroon naliligo." Pag anyaya naman ni Aleng Gerlie na hindi yata maalis ang focus sa pagwawalis.

"Pearly shell...in the ocean..."  Pakanta kanta kong himig habang papasok sa kusina nila Aleng Gerlie. Dinig ang tunog ng tubig mula sa bukas na gripo at ang pag buhos ni Maria ng tubig. Nagpatuloy akong kunin ang thermos at dinala ito sa lamesa malapit sa pintuan ng cr nila. Nag handa din ako ng isa pang tasa para sa kape ni Maria. "Isang kutsaritang kapeng barako, dalawang kutsaritang asukal at madami daming gatas ng kambing...saktong sakto sa gustong timpla ni Maria sa kape" sambit ko sa isipan habang nagtitimpla ng kape.

Hindi ko napansing patay na pala ang gripo at mukhang tapos na rin si Maria maligo nang umikot ako at akmang pupunta sa sala nang bumukas ang pintuan ng cr. Lumabas si Mariang may tapis at nagpupunas ng mukha. Hindi nya ako nakita at huli na din nang mapansin ko sya, nakaiwas ako sa pagbangga sa kanya ngunit natapon ang kalahati ng kape ko sa sahig na naging dahilan ng pagkadulas niya. Ibababa ko sana ang hawak kong kape upang saluhin sya nang ako'y kanya namang nahawakan at nahila patumba. Natumba ako sa ibabaw nang ngayo'y medyo hubad na Maria at nanlaki ang aking mata nang mapansin kong ang aking dalawang daliri ay nakalapat sa bandang Pearly shell nya.

" Maaaaa!!!! Yawaaaa!!! Hayop!!!! Magnanakaw! Manyakis! Aswang! Putangina Maaaaa!!! "

Paulit ulit na sigaw ni Maria na mukhang nakakuha sa atensyon ni Aleng Gerlie. Agad na hinablot ni Maria ang tuwalya at sinampal ako sa pisngi. Ako na hanggang ngayo'y nakatumba parin ay hindi parin maproseso kung ano nga ba ang nangyari. Hindi ko maisip na sa ganon kadaling pangyayari ay dadampi sa aking mga daliri ang pechay na napakalabong maani ng sino man.

Dali daling tumayo si Maria,iniayos ang tapis at tumakbo patungong kwarto niya. Ako na tulala naman ay marahang tumayo hanggang ngayo'y hawak ang isang tasang walang laman at sa kabila nama'y tangkay na lamang ng tasa ang natira. Pumasok sa kusina ang ngayo'y pawisan at may dahon pa ng mangga sa buhok na si Aleng Gerlie. " Iho, ano yong sigaw na narinig ko?! Anong nangyari?! Nasaan si Maria?! Bakit kayo nagsisigawan?!" Tanong ni Aleng Gerlie habang nakakapit sa dibdib at naghahabol ng hininga.

Tahimik lamang ako, pilit na pinoproseso kung anong sasabihin aa kanya.

" Aleng Gerlie, si Maria ho nadulas sa dala kong kape...nakita ko ang kanyang kabibe"

"Aleng Gerlie, yung aking magiging asawa hindi sinasadyang muntik maisuko ang perlas"

"Aleng Gerlie, si Maria ulaga"

"Aleng Gerlie ang anak ninyo, Talapingpong talap talap"

Ilan lamang yan sa mga kagaguhang naisip kong isagot sa kanya nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Maria.

"Si Hayme kasi nay may dalang kape e hindi yata napansin yung daga sa paahan nya, nagulat ayun nagulat din ako dahil sa gulat sa mukha nya kaya napasigaw ako nang magnanakaw"

Sambit nya habang papalapit sa akin sabay pisil sa braso ko. Tumingin siyang tila ba pinapahiwatig na kalimutan na lang ang nangyari kani-kanina lamang.

"Pasensya na Nay Gerlie nagkalat pa din tuloy ang basag na tasa, lilinisin ko na lang po"

Dagdag ko naman para ilayo ang usapan sa nangyari.

"Ay siya kayong mga bata, dapat kayo'y maingat at nang hindi nangyayare ang mga gay-an"

Sambit naman ni Aleng Gerlie na napahawak sa kanyang thermos.

Dali-dali kong nilinis ang mga nagkalat na basag na tasa at pinunasan ang sahig. Umuwi din ako kaagad dala na din ng kahihiyan at dahil baka ako'y ma-late sa aking pasok.

Unang Akda: Paglalakbay at Pag-alalayWhere stories live. Discover now