Kabanata 3

645 42 5
                                    

NAPALINGON siya sa lalaking nakaluhod sa harapan niya. Hindi niya maaninag ang mukha nito subalit kita niya pa rin ang pag-aalala sa mga hingal nito.

Basa ang pantalon nito hanggang tuhod at may malaking paper bag ito sa tabi. Inabot kaagad ng lalaki ang paper bag at kinuha ang laman. Isang puting tuwalya na mabilis na ipinalibot ng lalaki sa katawan niya.

Napayakap naman siya sa tuwalya dahil sa lamig.

"Nalaglag ka ba sa ilog? Or baka naman sinubukan mong pumunta sa gitna?" malumanay nitong tanong. May kinuha pa ulit ito sa paper bag at isa itong hot coffee. Mukhang may iba pa ngang laman, e. "Here. Drink this."

Nagdalawang-isip pa siya pero inabot niya rin naman dahil gusto niyang maramdaman ang init.

"Don't think of getting into the center of that river. It's very deep. Don't you know about the tragedy happened here? It's because of that weird deepness that brought those victims to their death," paliwanag nito.

Hindi naman siya sumagot. She didn't know what to say.

Umiwas siya ng tingin dahil nanatiling nakatitig sa kaniya ang lalaki. Kumpara sa suot nitong pormal at naka-tuxedo, mukha siyang basang sisiw sa tabi nito.

"Miss? Can I touch your hand?" Tinuro nito ang kamay niyang hiniwa niya ng kutsilyo kahapon. It was bleeding.

"Anong gagawin mo?"

"I'm going to treat your wound. Puwede ba?" magaan ang boses nito na para bang sinusuyo siya.

Wala sa sariling tumango si Faye at hinayaan ang lalaking abutin ang kaniyang kamay.

He checked the condition of her hand. Umiling pa ito at may kinuha ulit sa paper bag. May alcohol, betadine, cotton at band-aid sa loob.

Ang dami namang laman ng supot, isip-isip niya. Bakit may dala itong mga gamot? Doctor ba ang lalaki?

Napasinghap siya at bahagya pang nahila ang kamay nang pinahid nito ang cotton na may alcohol.

Ang hapdi.

"Sorry," paumanhin nito at hinipan ang kaniyang palad. Marahan ang bawat pahid nito na kahit siya mismo ay 'di na halos maramdaman ang lakas sa kamay ng lalaki.

"Paano ka ba nahulog? Ba't ka nagkasugat?" tanong nito.

Akala siguro nito na dahil ito sa pagkalunod niya.

Pinili niyang 'di sumagot at hinayaang bendahan ng lalaki ang kaniyang palad. Baka 'pag sinabi niya ang dahilan, mag-panic pa ito. He had the vibe of a softy, making her assumed that he panics easily.

At isa pa, bakit siya magkukuwento sa isang estranghero?

"Salamat," sabi niya.

Ngumiti naman ang lalaki. Ngayon lang yata siya nainis sa dilim dahil hindi niya makita nang malinaw ang mukha nito.

Ininom niya ang binigay nitong hot coffee at binaling ang tingin sa ilog.

Muntik na siyang mamatay. Kung 'di dumating ang lalaki, siguro, wala na siya.

"Can I sit beside you, miss?" paalam nito.

Tumango naman siya.

Umupo ang lalaki sa tabi niya ngunit may malaking espasyo sa pagitan nila. Tansya niya'y tatlong metro ang layo nito sa gilid niya. Kagaya niya, pinagmasdan din nito ang ilog.

"What are you doing here, anyway? Gabi na," the guy asked.

"Likewise," she said and took a sip of the coffee. "You even brought a coffee, towel and medicine stuffs. Maliligo ka ba rito? Kung sa coffee at towel maiintindihan ko pa, pero bakit may mga gamot kang dala?"

Her Found Blessing in the Black River Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon