Kabanata 11

414 40 9
                                    

NAKABUSANGOT ang drawing ni Faye ngunit siya na gumuguhit ay nakangiti. Baka kaunti na lang lumabas na ang kamay ng kaniyang drawing at hilahin ang kaniyang labi sa kakangiti. Paano ba naman kasi, hindi mawala-wala sa isipan niya ang pagbisita kahapon ni Corin.

Lalo na no'ng napagpasyahan nilang maglaro ng video game.

She laughed as she remembered how terrible Corin played the game. The game that they played had two characters which was the fire boy and the water girl. But they didn't even last ten levels because Corin kept messing up.

"Argh. Lord, ba't 'di ko siya matanggal sa isipan ko?" Gamit ang kaniyang stylus, kinamot niya ito sa ulo ngunit mabilis ding napatigil nang ma-realize ang sinabi.

Napamura siya.

Why am I talking to Him? Fuck it, Faye! He's not real!

Umirap siya at muling binaling ang atensyon sa ginuguhit. Corin's image was still playing inside her head and the thought of the Being that the man believed true was invading his mind as well.

Whenever she was with Corin, there wasn't a single moment she couldn't think about Him.

Napabuntonghininga siya.

Tinapos niya na ang pangatlong commission ngayong araw at pagkatapos, napagpasyahang tumambay sa kaniyang social media account.

Umabot na pala ng 50,000 ang kaniyang followers.

Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi habang naaalala kung paano siya nagsimula. No'ng araw na 'yon masaya siya dahil kasama niya ang kaniyang pamilya, suportado siya at higit sa lahat, ramdam na ramdam niya ang Kaniyang presensya.

She was once a believer. She was once a girl who depended on Him. She was once His child. But not anymore.

Humiga siya sa kaniyang bagong laba na kutson. Habang hawak-hawak pa rin ang cellphone, hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.

Paggising niya, gabi na. Kumukulo na rin ang kaniyang tiyan sa gutom. Tinignan niya ang oras at 6:37 P.M. na.

Nagtungo siya sa kusina habang humihikab. May mga natira pang mga ingredients na dinala ni Corin kahapon pero dahil hindi siya marunong magluto, wala rin 'tong silbi. Sa food delivery na lang palagi ang bagsak niya.

She was about to order food when she remembered the newly opened karinderya beside her apartment building. Kanina pang umaga itong nagbukas at sana naman bukas pa ito ngayon. Dali-dali niyang kinuha ang wallet sa kaniyang kuwarto bago nagtungo palabas.

Sinuot niya ang hood sa kaniyang hoodie nang maramdaman ang lamig sa mga tainga.

Pagkarating niya, napangiti siya.

Bukas pa.

"Aling Tita's," basa niya sa karatula na nasa ibabaw at saka naglakad papasok ng karinderya.

Medyo marami din ang mga kumakain, may mga estudyante pa nga, e.

"Ate, apat nga po nito." Turo niya sa Adobong Baboy. "At saka 'yon din po." Tinuro niya ang katabi nitong Pinakbet.

Bumili din siya ng dalawang cup ng rice. She's going to eat a lot today. Lately, she had been thinking about her weight. She was too thin. Hindi naman siya ganito dati pero dahil nga pinabayaan niya ang sarili, mukha na siyang walking skeleton.

"Salamat po."

Inabot niya ang supot at saka nagbayad.

Yakap-yakap niya ang biniling pagkain. Napangiti siya dahil damang-dama niya pa ang init. Handa na siyang umakyat pabalik sa kaniyang apartment pero napatigil siya.

Her Found Blessing in the Black River Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon