"Paki reserved ng isang room para kay Mr. Cervantes. Hindi na kase siya makatayo sa kinauupuan niya dahil mukhang olats na naman siya". Sabi ko kay Shaira, receptionist siya sa pinagtatrabahuhan kong isang sikat na 5 Star Hotel and Casino.
"Okay. Mukhang dito na naman ang stay niyan ni Mr. Cervantes. Mukhang ayaw nang mawalay sa tabi ni Celine eh ayaw naman sa kanya. Atsaka may boyfriend na yan si Celine pilit niya pa ring sinusuyo kahit alam niyang may boyfriend na." anya ni Shaira.
"Ganyan talaga ang umiibig Shai, mararanasan mo rin yan hahaha." sabay naming tawa ni Shaira.
"Kung maranasan ko pa nga! E ilang taon na ako oh! Halos mawawala na ako sa kalendaryo wala pa ring gustong manligaw sakin. May itsura naman ako hindi nga lang kagandahan, masasabi kong tipikal na itsura ng simpleng babae, matino, walang bisyo, mabango naman ako lalo naman ang hininga ko hahaha, raketera, mabait, masipag, may talento sa pagkanta sa at sayaw. Ano pa bang hahanapin sakin? Hay nako." ani Shaira.
"Alam mo ikaw! Huwag kang masyadong magmadali. Ika nga nila, all good things come to those who wait. Malay mo, nanjan lang siya sa tabi tabi, nagmamasid, lalo sa dilim, may dalang kutsilyo sabay sabing "akin na ang bag mo" hahahahaha Charot lang!" sabi ko.
"Alam mo ikaw napaka bully mo talaga! Kinabahan ako sa sinabi mong yon ha. Pero willing naman akong maghintay basta ba mala James Reid ang ibibigay sakin why not?" -Shaira
"Yun na nga. Kaya maghintay ka lang. May kakatok din jan sa puso mong malungkot! Oh siya babalik na muna ako sa Casino at baka naghahalimaw na don ang mga customer ko." sabi ko.
"Sige. Mamaya na lang tayo magchikahan at bukas midshift ako hindi na naman tayo magkikita." -Shaira
Si Shaira lang talaga yung nakakausap ko ng ganyan sa trabaho namin. Palibhasa'y kasabayan ko siyang mag-aral sa isang unibersidad dito sa Maynila at kaklase ko din siya simula 1st year college hanggang 4th year sa cursong HRM. Kaya nga lang medyo hindi ako pinalad kase hindi ko na natapos ang last year ko sa kursong kinuha ko simula ng mamatay si mama dahil sa depression sa pagkawala ni papa. Kaya ako ito ngayon, kumakayod mag-isa, walang mahingan ng tulong o masabihan ng problema kapag kailangan ko ng tao sa tabi ko. 26 years old pa lang ako pero nararanasan ko na yung ganitong klase ng mga problema. Pero buti na lang at nanjan si Shaira kaya kahit papano gumagaan loob ko kapag kasama ko o nakakausap ko siya. Para na rin kaming magkapatid kung magturingan.
At buti na lang din nanjan yung favorite Boyband ko na We Are Boyscouts. Kaya kahit papano, sa mga kanta nila eh gumagaan ang pakiramdam ko. Lalo naman sa mga gwapo nilang itsura! Jusq mare! Si Juko pa lang kapag kumanta halos ikamatay ko na! Kung 'di nyo nalalaman ang group na We Are Boyscouts, sila yung boyband na sikat na sikat hindi lang dito sa bansa natin pati na rin sa ibang bansa na, kinabibilangan nina Rami, Jino, Shagi, Hooba, Jooman, Tyrone at Juko. Nadiscover ko sila nung mga panahon na lugmok ako dahil sa pagkawala ng papa ko at mas lalo ko silang nagustuhan nung mawala ang mama ko. Parang sila yung naging HOME REMEDY ko nung mga panahon na iniwan ako ng mga magulang ko. Lahat ng kanta nila feeling ko para sakin ginawa kase sobrang gumagaan pakiramdam ko kapag naririnig ko mga kanta nila. But sad to say, hindi ko na sila naabutan na mag concert ulit dito sa bansa dahil na disband na sila 5 years ago. And sobrang sakit non sakin kase hindi ko man lang sila nakita personal. Minsan nga iniisip ko sana makapunta naman sila dito sa hotel na pinagtatrabahuhan ko kahit picture lang kahit wala ng iba yun lang talaga. (Yun nga lang ba talaga? Hahahaha)
"Ms. Ariya Natividad!"
Napalingon ako sa taong tumawag sa buong pangalan ko. Wala akong maalala na tumatawag ng buong pangalan ko dito sa trabaho namin. Pagharap ko...
BINABASA MO ANG
Saving Those Memories
Roman d'amourWhen she became a wife of one of the hottest boy band in town, she knew that her life was more meaningful than before. But what will gonna happen when she knew the secret of his lover?