[ Flashback ]
"Ariya, mamayang break sabay tayong kumain ah? Wala kang ibang sasabihin kung 'di oo lang. Palagi ka na lang kumakaing mag-isa, 'di ka na sumasabay sakin."
Napakamatampuhin naman ng babae na 'to.
"Oo na. As if namang may iba akong choice eh sabi mo nga wala akong ibang isasagot kung 'di oo lang."
"Palagi ka na lang kasing lonely girl jan. Mas mahal mo pa yata 'yang earpods mo kesa sakin eh?"
"Hahahah 'wag mong sabihin sakin na pati tong earpods ko pagseselosan mo? Kakaiba ka din talaga eh hahaha."
"Hindi naman sa ganun. Palagi kasing nakasalpak 'yang earpods mo sa tenga mo. Maayos pa ba pandinig mo?"
" Oo naman no! Alam mo namang ito lang ang stress reliever ko 'di ba? Simula ng mawala sila mama at papa ang We Are Boyscouts na ang naging libangan ko lalo na ang mga kanta nila."
"Speaking of that, pano kung isa sa We Are Boyscouts ang pumunta sa Hotel and Casino, anong gagawin mo?"
"Naiisip ko 'yan gabi gabi bago ako matulog no?! Hahahaha. Pano kung isa sa kanila pumunta dun sahil sakin? Pano kung ligawan ako? Bwahahahahaha sasagutin ko ba? Iiwasan ko ba? Hahahaha 'di ko pa alam ang sagot sa tanong na 'yan. Pero kung si Juko? 'Di ako magdadalawang isip na sumagot ng oo. Mahal na mahal ko ang lalaking 'yon, that's why nananatili akong single ngayon kahit 'yung iba nating customer eh sumisimple ng ligaw sakin. Umaasa pa rin ako sa kanya HAHAHAHAHA."
"Nako friendship malala ka na talaga. Hula ko 'yung ipon mo magagamit mo lang pampagamot jan sa utak mo HAHAHAHA."
"Walang imposible 'no! Nararamdaman ko."
"Oh siya. Mag aasikaso na ko Riya. Kung ikaw ang mauuna sa banyo malalate ako dahil sa katagalan mong maligo. Hindi ko alam kung anong klase ng ligo ang ginagawa mo bakit napakatagal mo sa banyo."
"Sige na mauna ka na. May ginagawa kase akong mga ritwal sa balat ako alam mo naman yan Hehehehhe."
[ End of flashback ]
YOU??????
I can't believe this! I can't believe this!!
Si Tyrone ng We Are Boyscouts nandito sa Hotel And Casino?? OMG! OMG!!
"Sir I'm sorry I'm late. I have a lot of things to do. I didn't notice the time."
"It's okay. Where's my room?"
Kailangan kong magpaka professional. Hindi dapat tayo magpakabaliw. Easy lang Ariya easy.
"This way sir."
Nagtungo kami sa elevator para makarating na kami sa room nya kung saan sya mag-i-stay. Shems mare! Ang bango ng isang Tyrone!! 'Di ko akalain na makakasama ko siya ng ganito kalapit. Pwede na kong makarating sa heaven. Chaaaar! Hahahaha
Pinindot ko na yung button para makarating kami sa 17th floor kung saan nandon ang room niya.
Ting.....
"Let's go sir. This way."
Saka ko binuksan ang pinto gamit ang susi na kinuha ko sa lobby kanina.
BINABASA MO ANG
Saving Those Memories
RomansaWhen she became a wife of one of the hottest boy band in town, she knew that her life was more meaningful than before. But what will gonna happen when she knew the secret of his lover?