Chapter 11

3 2 0
                                    

Malapit lang sa Channel 15 ang subdivision na tinitirhan ni Sabrina kaya umuwi na muna siya at nagbihis ng kanyang damit. Sasakay na lang siya ng MRT para mas mabilis siyang makarating sa Greenbelt. She took a shower and wore a white body- hugging shirt and a pair of black skinny jeans. Itinali niya paitaas ang kanyang lampas balikat na buhok. Tiny white gold earrings at wrist watch lang ang accessory niya. Nag pahid din siya ng manipis na make up at nagwisik ng Estèe Lauder White Linen na paborito niyang pabango. Sinadya niya na huwag mag suot ng maganda at sexy na damit sa pag aalala niya na baka hindi matino ang taong makakaharap niya.
Kung susundin niya ang kanyang instinct ay masasabi niya na matino si TJ. Well, kailangan pa rin niya na mapatunayan iyon. Basta ang importante sa kanya ay maibabalik na sa kanya ang diary at masisimulan na niya ang kanyang script. Best of all, maibabalik na niya ang diary sa totoong may Ari na iyon.
Sasamahan siya ni Lotis na hanapin ang may Ari ng diary. Dahil ipinagkatiwala iyon dito ng tita Sara nito na kaibigan ng may Ari. Nag tungo na sa abroad ang tita nito dahil nakapag Asawa na ng foreigner at doon na nag pasyang manirahan. Ang huling sinabi ni Tita Sara ay nasa isang probinsya sa Norte ang babaeng may Ari ng diary. Hanggang doon na lamang ang alam niya.

But her thoughts now we're more on the man she was going to meet. How he looked like was a big question for her. Sumulyap siya sa kanyang wrist watch. Seven-o-five pa lang. Baka masyado siyang mapaaga sa pag dating sa meeting place nila kung aalis agad niya.
Kinakabahan siya,, daig pa niya ang makikipag- eye ball o makikipag- blind date. Inisip niya kung paano kaya niya makikilala si TJ kapag naroon na siya.
Tatawagan niya na lang ito sa cell phone. Kung sino ang sasagot , ipagpapalagay niyang ito na iyon. Ganoon kasimple at hindi kasi nila nasabi sa isa't isa kung ano ang hitsura nila o kung ano ang isusuot nila. Awkward, na tawagan uli niya ito at siya pa ang mag tanong na iyon. Marahil, gaya niya ay hindi rin ito sanay na nakikipag- eye ball dahil hindi rin ito nag tanong sa kanya.
    Bahala na.

Lalabas na sana siya ng kwarto nang mahagip ng kanyang tingin ang nakabukas na computer niya. Parang may nag utos kasi sa kanya na mag tingin sandali sa internet kaya umupo muna siya sa computer chair at nag search sa gogolo. Itinipa niya sa keyboard ang Buendia Engineering and Construction Corporation.
Bumulaga sa kanya ang mga subjects tungkol sa naturang kompanya. She clicked the company's official web site. Makita sa home page na iyon ang mukha ng chairman at presidente na si Don Jose Buendia habang ipina-flash ang company history nito. Kapagkuwan ay sumalit ang larawan ng anak nito at general manager na si Thomas Jose Buendia.
Napalunok siya dahil hindi lang pala ito gwapo si TJ Buendia kundi ubod pala ito ng gwapo. Ang mukha na yata nito ang pinakaperpektong mukha ng lalaki na nakita niya sa buong buhay niya. Sa dami ng mga artistang lalaki na nakita niya ay wala pa siyang nakasalamuhang kasing gwapo nito. His semi- eyes at bagay na bagay rin ang makakapal na kilay nito sa magagandang mata nito. And his lips seemed to promise never ending pleasure.

Tama si Lotis, imposibleng ang isang gaya ni TJ Buendia ay mag aaksaya ng oras at panahon sa isang lumang diary. Ang ibig kayang sabihin ay imposibleng makita niya sa restaurant ang lalaking tinutunghayan niya nang mga sandaling iyon? Umismid siya dahil hindi naman siya nangangarap na mapansin nito. Ang importante lang sa kanya ay maibalik sa kanya ang diary. Kung mukha man tipaklong ang lalaking makikita niya ay pasasalamatan pa rin niya nang buong puso at ililibre pa niya ito ng dinner.
Hindi na niya tinapos ang pag babasa sa company profile. But she would get back to it later. Baka Kasi ma-late pa siya sa usapan nila ni TJ kung tatapusin pa niya iyon na basahin. Pinatay na niya ang computer at saka siya lumabas ng pinto.
Habang palabas na siya ng kanilang bahay ay napapakunot- noo siya. Iniisip kasi niya kung saan at kailan niya ito nakita si Thomas Jose Buendia. He looked familiar parang kasi nakita na niya ito pero hindi lang niya matandaan. Pero wala na siyang oras na halukayin iyon sa memory bank niya.
Pumunta muna siya ng kusina , naabutan niya roon ang kanyang mommy at ang kasambahay nila na nag hahanda ng dinner.

"Aalis ka na?" ask ni Mom.
"Yes, Mommy", sagot niya. Pagdating niya Kasi kanina ay nasabi niya rito ang tungkol sa lakad nito.
"Ayaw mo bang isama ang kapatid mo?" Mom said.
Naintindihan niya kung bakit nag aalala ito na makikipag Kita siya na mag isa sa isang estranghero.

"Hindi na po mommy, kaya ko naman tsaka may exam si Sandra kaya kailangan niyang mag aral". sabi ko.
Eksaktong pumasok sa kusina ang kapatid niya. biglang sumulpot sa usapan namin.
"Saturday naman bukas ate, and sa Monday pa naman ang exam ko". sabay nguso nito.
"May singing lessons ka bukas ng umaga". paalala niya. "Kailangan mo ring mag advance study para hindi ka mag- cram". sabi ko.
Umirap ito sa akin. "Hmp! ayaw mo lang yata ako na isama" pag sasabi nito at naka cross arm.
Naisip din niyang isama ito pero masisiguro niyang mag-yayaya pa ito sa kung saan saan pagkatapos nilang makipag Kita Kay TJ. Gusto niyang umuwi agad at mag pahinga pagkakuha sa diary para makabawi siya sa stress at antok. Wala na rin siyang balak na dumaan sa condominium ni Lotis.

"Sige na ate". pangungulit ni Sandra.
Inakbayan niya ito. "Promise magna-night out tayo next week. I'll buy you a new CDs. Huwag ka na sumama ngayon kasi marami kang dapat pag aralan". sabi ko sa kanya.
"talaga?" ngumiti ito.
" Uh-huh." sabi ko.
Kaya tuwang-tuwa ito kaya hinalikan siya nito. "Thank you ate, you're the best".
Tumawa ang mommy nila. "Ang bilis mo talagang mabola ng kapatid mo" wika nito. "Nasabi ko na pala Kay Melvin na ipag-drive ka. Maaga na nga siyang kumain". sabi ni mommy.
Si Mang Melvin kasi Ang family driver nila. Paminsan Minsan ay ito na rin ang nagde-deliver ng mga wholesale purchase sa grocery store nila kapag sabay sabay ang mga deliveries nila.
"Hindi na po, mommy. Magpapahatid na lang po ako sa kanya sa MRT station. Mag-e-MRT na lang po ako papunta sa Greenbelt. Siguradong traffic ngayon sa Makati dahil Friday at maraming gigimik. baka ma-late pa ako kapag nag kotse." paliwanag ko sa kanya.

Kahit marunong siyang mag drive at ibinigay na ng mommy niya sa kanya ang Honda Civic nito nang makabili ito ng bagong van ay mas madalas na nagko-commute pa rin siya dahil malapit lang ang bahay nila sa channel 15. Minsan nga ay abala pa sa kanya na mag dala ng kotse. Kapag walang ginagawa si Mang Melvin ay nag- papahatid siya sa trabaho. Pero hanggang maaari ay ayaw niyang inaabala ito, Lalo at alam niyang mas kailangan ito ng mommy niya sa grocery.

"Sigurado ka?" paniniguro ni mommy.
"Yes, mommy. tapos pag uwi ko mamaya magta-taxi na lang ako from MRT para hindi na maabala si Mang Melvin." sabi ko. Hinagkan niya ito sa pisngi.
"Naku, Ewan ko sa iyong bata ka. Masyadong malakas ang loob mo."
"Mana kasi ako kay daddy". Isang dahilan kung bakit malakas ang loob niyang lumakad nang mag isa ay dahil may alam siya sa taekwondo.
"Oo na". pag sang ayon ni mommy at saka ito ngumiti.
"I'll go ahead". nag flying kiss siya kay Sabrina. Tila biglang nawala ang sumpong nito. Nag- flying kiss din ito.
"Ingat ka ate".
"I will". Nagmamadali na siya na lumabas ng kusina at bumaba ng bahay kung saan nag hihintay na si Mang Melvin. Sumakay na siya sa unahan ng kotse.
"Ihatid niyo na lang po ako sa MRT, tapos bumalik na kayo rito." pag sasabi ko.
"Aba'y bakit?" tanong nito.
Ipinaliwanag niya rito kung bakit hindi na siya sunduin mamaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If Love is Not EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon